UNA

414 18 1
                                    

SEVEN’S POV

Lagpas limang putahe ang mga nakahain sa mahaba naming hapag-kainan. May tatlong mahahabang kandila sa gitna at ilang mga klase ng bulaklak na nagsisilbing dekorasyon kahit na tatlo lang naman kaming sabay-sabay na kakain ng hapunan. Ganito ang setup ng dinning table tuwing umuuwi ang parents ko matapos ang ilang linggong business trip at pag-iintindi ng panibagong chain ng hotel namin sa ibang bansa. Having to eat with them is my simple happiness, magarbo man o hindi ang hapag.

“How’s your business? I heard there’s a lot of things you added to your bar.”

“Yes, Pa. Nagdagdag ako ng veranda at second floor since the customers are growing. I hired more employees to lessen the work. So far, so good. I can manage it even if I’m busy at school,” excited na paliwanag ko.

I’ve been longing to tell them about the expansion I did at Triple 8, pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon dahil ngayon lang din naman sila umuwi. I’m very thrilled when it comes to my little business that’s now earning six digits. Bukod sa malaking kinikita ko roon, masaya rin ako dahil nakakapagbigay ako ng trabaho sa mga kagaya kong working student.

“That’s great. Anyway, Sylvia, have you heard about the newly built hotel near ours…”

And that’s it. After all the hard work I did, simpleng “that’s great” lang pala ang matatanggap ko. Kung sabagay, what do I expect from them? Pagkapanganak pa nga lang sa akin ay iniwan na ako kaagad sa mga katulong, eh. Ang palagi nilang sinasabi, nagtatrabaho sila para sa akin, para sa lahat ng mga pangangailangan ko. Now that I can provide for my own needs, ano pa ang kasunod nilang rason sa mga pagkakataon na wala sila sa tabi ko?

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang kumakain. Wala akong interes sa pagpapatayo ng hotels at mga beach resorts kaya hindi ako gaanong maka-relate despite the program I’m taking. I’m studying hospitality management, and so far in my two and a half years in college, I’m enjoying every single thing we’re doing at school. Lalo pa dahil karamihan doon ay nagagamit ko sa pagpapatakbo ng Triple 8.

“Seven, are you free tomorrow?”

Napaangat ako ng tingin dahil sa tanong ni Papa. Tomorrow is Saturday at wala naman kaming plano ng mga kaibigan ko so I guess I’m free. Sa umaga nga lang dahil kailangan ako sa Triple 8 tuwing gabi para mag-supervise.

“Yes po. Why?”

Nakaramdam ako bigla ng excitement dahil sa tanong niyang iyon. Kung balak nilang mamasyal at kumain sa labas, o kaya ay mag-shopping, hindi na bale kung abutin pa kami ng gabi. I’ll be more willing to spend the whole day with them and set aside my job.

“We’re invited to the birthday party of our business friend’s daughter. Kaya lang ay hindi namin mapapaunlakan. Ikaw na lang muna ang pumunta para mag-represent ng pangalan natin. You know business, kailangan palagi kang present para sabihing marunong kang makisama.”

Oh, so it’s just about business. Always about business.

“Sure, Pa. Just send me the invitation and information about the party,” matabang kong sagot.

Sino pa ba ang aasahan sa ganitong mga events kung hindi ako lang mismo? Ang hirap kapag nag-iisang anak, wala tuloy akong mautusan bilang kapalit ko. Wala pa naman akong kakilala roon. Mabuti sana kung puwede akong magdala ng isang kaibigan, I’ll bring Ford or Vince with me para hindi ako antukin dahil sa ingay ng mga bunganga nila.

“Masquerade party ang theme. Call our designer for your clothes. Gabi gaganapin ang party kaya mahaba pa ang preparation time mo.”

Pagpatak ng alas-singko ng Sabado ay tumulak na ako paalis sakay ang kotseng ipinagamit sa akin ni Papa. I’m driving his white Porsche Taycan while wearing a designer suit paired with a purple and black masquerade mask. I arrived twenty minutes early before the program officially started. Nasa labas pa lang ako ay sumisigaw na ang karangyaan ng host at maging ang mga guests ng party.

D'Beasts Series #4: Ceasing the RivalryWhere stories live. Discover now