Chapter 7

22 2 0
                                    

Chapter 7



Biyernes ngayon at kakatapos lang din ng group presentation namin. May parte sa akin na disappointed talaga kina Veron at Iris. Hindi na kasi sila nakaambag sa presentation na iyon tapos hindi pa nila nasagot ang mga tanong na ibinato sa kanila. Binigyan ko naman sila ng mapag-aralan pero mukha yatang hindi nila ginawa.





"Pabigat na nga tapos sila pa itong galit sayo?!" sambit ni Gwen habang nakatayo kami dito sa may corridor. Hinihintay na lang namin matapos ang isa pang grupo.





Bumuntong-hininga ako dahil kahit ako naman ay hindi matanggap ang ginawa nila Veron. Sila pa kasi ang galit sa akin no'ng hindi sila nakasagot. Kasalan ko pa talaga, no?






"Hayaan mo na lang..." mahinang usal ko. Tapos na rin 'yon...





Binalot kami ng katahimikan ni Gwen pero hindi nagtagal ay muli siyang umingay at nabaling sa iba ang topic... kay Marcus.




"Hineart niya story ko sa instagram, Lumi!" kinikilig na aniya, bahagya niya pa akong hinampas sa balikat. "What if may gusto na rin siya sa akin? What if pa-cold-cold lang siya no'ng first kita niya sa akin tapos deep inside pala ay gusto niya ako?"





"May meaning ba talaga ang pag-heart niya sa story mo?" kunot-noong tanong ko.




"Syempre meron!"




Mas lalong kumunot ang gitla ng noo ko. May ibig sabihin ba talaga 'yon? Kagabi kasi may story din si Kael sa facebook, daliri niya 'yon na may drawing na happy face. Ni-react ko ng dalawang heart kasi ang cute tingnan. Baka naman nilagyan niya din iyon ng ibig sabihin? Baka inisip niya na may... gusto ako sa kaniya?!





"Hindi nga, Gwen?" ngayon ay parang namumutla na ako. Paano kung gano'n nga ang inisip niya?




"Oo nga!" she said firmly.




Bahagya kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. Baka inisip niya talaga na may gusto ako sa kaniya? Dahil sa ginawa ko, mas lalo lang lalaki ang ulo no'n.



Nabalik ako sa ulirat nang marahan akong siniko ni Gwen. Bumaling ako sa kaniya, tinuro niya ang kabilang direksyon gamit ang nguso. Sinulyapan ko 'yon at mabilis namang nag-iwas ng tingin si pres. Casimir nang matantong lumingon ako.




"Lagi ko na lang 'yan nahuhuling nakatingin sayo," komento ng kaibigan ko. Hindi ako nagsalita. Walang ibang nakakaalam sa ginawang pag-amin ni Casimir sa akin bukod kay Kael, hindi ko na rin binanggit pa kay Gwen. Pagkatapos no'ng huling pag-uusap namin ay hindi ko na siya nakausap pang muli.




"Tingin ko talaga may gusto 'yan sayo, Lumi."




"Sinong may gusto kay Lumi?" biglang sulpot ni Calvo mula sa kung saan. Napatalon kaming dalawa ng kaibigan ko sa sobrang gulat. Talagang kasama niya pa si Kael.




"Mambwibwisit ka na naman ba, ha?! Hoy kalbo!" hinila ni Gwen ang buhok ng pinsan at bahagya itong nilayo sa amin. Talagang iniwan kaming dalawa ni Kael.




Nanatili ang mga mata ko sa magpinsan na patuloy pa rin nagbabangayan. Narinig ko pang tumikhim si Kael. "So, sinabi mo ba sa kaniya na gusto mo rin siya?" biglang saad nito. Lito ko siyang nilingon, hindi ito nakatingin sa akin. Ah. Baka hindi ako ang kausap niya?




Bumaling akong muli kina Gwen at Calvo at nanatiling tikom ang bibig.


"Can't you hear me?!" dahil sa biglaang pagsigaw niya ay bahagya akong napatalon sa gulat. Kumunot ang noo ko nang matantong ako ang kausap nito.




Under A Lunar Sky (Las Mujeres Series #1)Where stories live. Discover now