01

11.1K 186 25
                                    

BELLA POV:

''Sigurado ka ba diyan sa gagawin mo Bella?'' tanong sa akin ni Ress

''Ewan hindi ko alam pero sa ngayon ito lang ang alam kong tama'' sagot ko sa kanya at bakas ang lungkot sa boses ko

''Bakit hindi mo subukang sabihin sa kanya, malay mo itigil niya ang kaguluhan na pwedeng mangyari bukas'' suhestiyon niya

''Para saan pa Ress ilang beses na akong nagpaliwanag sa kanya, nagmakaawa, halos halikan ko na ang lupa para lang maniwala siya pero wala pa rin pinagtabuyan niya lang ako ng paulit-ulit, binaba ko ang pagkatao ko pati na dignidad ko wala pa rin alam mo ba kung gaano kasakit yun para sa akin?''

Ang paulit-ulit na pagtataboy sa akin ni Jarvis, Oo aamin ko sa una tinitiis ko pero habang tumatagal mas lalong sumasakit kasi yung taong akala mong tutulong sayo, magtitiwala at iintindihin ka wala eh bagkus siya pa ang malaki ang galit sa akin at malaki ang pagkamuhi

''Pero anak niyo pa rin ang pinaguusapan natin dito Bella naiintindihan mo ba ako?'' sabi ni Ress na may pagkairita ang toni ng boses

''Sa tingin mo gusto ko rin ba to' huh? Ress may dahilan ako kung bakit ako aalis''

RESS POV:

''Sa tingin mo gusto ko rin ba to' huh? Ress may dahilan ako kung bakit ako aalis''

Hindi ko talaga mabasa tong si Bella bigla ba namang nagdesisyon na lumayo pagkatapos niyang malaman na 2weeks pregnant siya

''Yun na nga Bella sabihin mo sa akin yang dahilan mo ng maintindihan at pumasok naman sa utak ko'' Hindi ko sinasadyang pagtaasan siya ng boses pero kasi hindi ko makontrol eh

"Sa tingin mo sinong ina ang gustong madamay ang kaniyang anak sa gulo ng magulang niya wala diba? Sapat na sa akin na ako ang makaranas ng hirap at sakit wag lang mawala sa akin ang anak ko at yun yung bagay na ayaw kong mangyari hindi ko kakayanin"

Habang sinasabi niya yun patuloy lang ang pag-agos ng mga luha niya niyakap ko na lang siya at yung mga mata ko nakiramay sa sakit na nadarama ni Bella at naiinis ako sa sarili ko dahil ito lang ang kaya kong gawin ang damayan siya

"Kelan mo balak umalis?" tanong ko

"Bukas ng umaga." Bella

Napahiwalay naman ako sa yakap namin ang bilis naman kasi ehh

"Huh? bakit ang bilis naman ata eh bukas na rin gaganapin yung gang war,"

"Hindi ako pupunta at kahit kailan hindi na ako sasali sa mga ganyan gusto ko na ng tahimik na buhay, buhay na dati pa lang gustong-gusto ko ng maranasan hindi man sa piling niya pero sa piling ng anak ko," Bella

Deretchong sagot niya ni wala man lang pagdadalawang isip

"Baka hanapin ka nila si Black Butterfly" Sigurado akong hahanapin siya dun maraming nagaabang ng pagtatapat nila ni Emp na tinuturing na mga hari at reyna sa mundo ng mga gangster

"Ako na ang bahala tungkol dun at may plano naman ako," Bella

"At ano naman yang plano mo?" tanong ko

"Bukas ko na sasabihin sayo sa ngayon may mga bagay pa akong dapat isagawa at Ress dito ka na rin matulog" Bella

"Pa-suspense ka naman sige na nga basta bukas ah ako na rin maghahatid sayo sa Airport,"

Hay naku Bella bakit pa kasi kailangan mong maranasan ang ganito peste kasing Selena na siyang dapat ang nasa sapatos ngayon ni Bella siya naman ang puno't dulo ng lahat

BELLA POV:

Tinignan ko yung kwarto ni Ress at nakita kong mahimbing na natutulog. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan ang taong alam kong malaki ang tiwala sa akin at ganon din ako sa kanya

A Search to my GF (Black Butterfly fan fiction) *HIATUS*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon