Chapter 2: Destroyed Environment

28 3 0
                                    


ANALA KHAN

"WHAT have you done!?" Tinignan ko si Director Go. "Anong ginawa mo sa kanya!?"

Lumapit siya at sinuri ng mabuti itong nilalang na nasa kama. Ngumiti siya. "Just chill...baka ito lang talaga ang final form niya..." sabi niya.

Hindi ko akalaing magagawa pa rin niyang matuwa sa ganitong situation. Bagay na ikina-inis ko.

"Final form!? Are you out of your mind!? He's a crocodile, not a freaking zombie! At sa itsura niyang n'yan, malayo siya sa pagiging crocodile!" Muli ko siyang tinataasan ng boses.

"Nagbida-bida na naman siya..." rinig kong sabi ng isa naming nurse na lalaki.

"Shut up!" Inis ko.


Natigil kami nang magpunta sa gilid si Director Go at may kung anong kinuha sa box. Bumalik siya sa harapan namin, gumulat sa akin nang may hawak siya ng isa pang test tub na napupuno rin ng chemical, and this time it was not a green chemical but a red one.

"Ano na namang binabalak mo!?"

"Well, this is not the final form I want. I want them to become a little prey. Like an ant, na madali nalang tapakan." He answered with a demonic smile on his face.

Ipapatak na niya sa wasak na bunganga ng nilalang na 'to ang chemical, kaya dali-dali akong tumakbo sa kanya at agad kong kinuha sa kanya ang chemical. "Hindi ko hahayaan ang ka-demonyohan mo!"

Galit siyang nakatitig sa 'kin. "Get her."


Lumapit sa 'kin ang mga nurse at doctors, nakahanda silang saktan ako at kunin sa 'kin ang chemical. Hindi ako nagpadala sa takot, agad ko silang pinagtutulak palayo sa 'kin, kaya nagugulo ang mga gamit kung saan sila tumilapon.

Lumapit ang pinaka-iinisan kong doctor na si Mike, kumi-kindat pa siya sa akin. "Bhaad mein jao!" ["Go to hell!"] Agad kong sinuntok ang mukha niya. "Araayy!!" Sigaw niya habang napahawak siya sa mata niya.

Dali-dali akong tumakbo palabas ng laboratory. Tuloy-tuloy ako sa mabilis kong takbo dito sa hallway. Napalingon ako sa likod at napansin kong wala ni-isa sa kanila ang sumunod.

Kapagtaka-taka na wala ni-isa sa kanila ang humabol at pigilan ako. Pero hindi na ako tumanganga pa, muli akong tumakbo. Pagkalabas ko nang hospital ay dali-dali akong sumakay sa kotse at agad nagmaniho paalis.

Isa lang ang alam kong lugar na pwede kong puntahan.


Narating ko na ngayon ang barangay ng Camaman-an. Dumaan ako sa cemetery ng Bolonsiri, at kahit may kalawakan ang kalsada dito ay nagkaroon pa rin ng traffic dahil madaming tao, mukhang tatlong pamilya ang namatayan ngayon at sabay na inilibing.

Sa dulong bahagi ng Bolonsiri ay may pahabang kalsada at dito ako dumaan. Located here the village of Berjaya, tahimik at wala masyadong tao. Halos may pagka-pariho lang ang mga bahay dahil subdivision naman ito.

I reached my destination. I parked my car dito sa gilid ng kahoy. Dala ang chemical ay nilakad ko ang isang daan. Sa dulo nito ay bumungad ang napakatahimik na lugar. Wala masyadong nakatira dito, only trees and hills can be found here.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
UNDERWATER | They, are sick to humanity.Where stories live. Discover now