Chapter 4: Zombies Are Here

23 2 0
                                    


HAZEL BAYLAN

DAHAN-DAHAN akong humarap and I saw three creatures standing in front of us. Iba ang itsura nila mula sa dalawang naunang umatake sa amin. Hindi sila nalalayo sa sobrang kilala ng lahat, zombies.

Tulad ng mga zombies, para silang mga patay na tao na bumangon sa hukay. Meron din silang katawan na kagaya ng tao, may mga buhok, may suot na sira-sirang damit, may dalawang paa, may dalawang kamay—mga tao talaga sila kung titignan, mga taong libong taon ng pumanaw.

Hindi tulad nong dalawang nilalang, walang buntot ang tatlong ito, wala rin silang kaliskis—hindi sila maihahantulad sa isda.

Ang pagka-pariho lang nila ay sugat-sugat ang mga katawan nila na parang nasusunog, halos matanggal na rin ang mga puting mata, at buto't balat ang katawan.

"A-Are they like zombies, na napapanuod natin sa movies...?" Ramdam ko ang takot sa tuno ng boses ni Rose.

"Gurl, obvious naman..." rinig ko namang hirit ni Berta.


Nagsalubong ngayon ang mga kilay ko habang nakatitig ako sa tatlong zombies na 'to. "Zombies or what, wala na akong paki. We need to kill them, one by one." Madiin kong sabi.

"Pero bakla natatakot ako...hindi yata kaya ng powers ko ito..." saad ni Berta.

"Run." Seryosong sabi ko. "What?" Tanong ng dalawa na mukhang hindi ako narinig. "I said, run!" Napataas ako ng boses at i-nihanda ko na ang baril na hawak ko.

"Okay..." dali-dali silang tumakbo papunta sa loob.


Agad na sumugod ang dalawang zombies at nagulat ako sa bilis ng kilos nila. Sunod-sunod ko rin silang pinagbabaril. Natatamaan ko ang ulo nila, kaya hindi sila nakalapit at nadapa silang dugoan.

Nakatingin ako sa dalawa at hindi ko namalayan ang mabilis na pag-atake ng isa pang zombie. Gagamitan ko sana siya ng baril, pero huli na ang lahat, nakuha niya sa akin ang baril. Hinawakan niya ang leeg ko kaya nahihirapan akong huminga.

Bigla niya akong i-tinapon nang pagkalakas. Nasira pa ang pintoan at napunta ako sa loob. Bumagsak ako sa sofa at nahulog pa sa sahig. "Ahhhh!" Napasigaw ako sa sakit ng katawan ko.

Dahan-dahan pa rin ako nag-angat ng tingin para matignan ang backyard kung saan nakatayo ang zombie. Mayamaya ay mabilis ang takbo nito papunta dito sa loob. Tumigil ito malapit sa akin, pero hindi ako pinansin nito at patuloy na lumakad.

Halos ma-blanko ang isip ko dahil ngayon lang ako nakakita ng gano'ng klase ng zombie, even sa mga napapanuod ko ay wala akong nakita na parang ang hangin ang bilis.


Nakahanap ako ng pagkataon para lumaban. Bumangon ako at kinuha ko ang malaking flower base sa gilid ng sofa. Dahan-dahan akong lumakad at nakita kong nakatalikod ang zombie.

"Take this, you son of a bitch!" Agad kong i-tinapon sa zombie ang flower base at tumama ito sa likod niya, kaya bumagsak siya sa sahig.

Lumapit ako, hindi pa naman gaano nabasag ang flower base, kaya muli kong tinuloyan ang zombie. Isinapak ko sa ulo nito ang flower base. At para bang nawalan ito ng malay.

Lumakad ako para puntahan ang mga kaibigan ko. Pero nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumangon ang zombie at mabilis itong lumapit sa akin. Hindi ako nakailag nang hawakan nito ang mga braso ko.

May hawak pala ito ng basag na piraso ng base at agad nitong ginamit para saksakin ang braso ko. "AAAHHHHHHHH!!!" Napasigaw ako sa sakit.


UNDERWATER | They, are sick to humanity.Where stories live. Discover now