Chapter 6: Zombies Underwater

22 2 5
                                    

HAZEL BAYLAN

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HAZEL BAYLAN

DALA ang aming mga armas ay lumabas na rin kami ng bahay na ito. Pinagtitinginan pa kami ng mga taong nakapila sa entrance ng Raagas Beach para magbayad ng entrance fee.

Siguro sa isip nila ay natatakot sila sa itsura namin na mukhang galing ng gyera.

Nakita kong papasok na sa gate ang isang pamilya na kakatapos lang magbayad ng entrance. Wala na kaming pinalampas na oras, agad kaming tatlo tumakbo papunta sa kinaruruonan nila.

Hinarangan naming tatlo ang gate. "Hanggang d'yan lang kayo! Pakiusap, huwag na kayong tumuloy pa!" Nagtaas ako ng boses para marinig din ng iba.

"Hija, bakit? Eh nakabayad na kasi kami ng entrance." Wika ng nanay sa pamilyang ito.


Hinawakan ko ang kamay niya. "Please, umalis nalang po kayo at piliin niyo ang kaligtasan ng pamilya niyo..." mahinahon akong nakiusap.

Tinignan ko ang mga kasama niya, at marami pala sa mga ito ay mga bata. "Mga anak niyo po ba lahat?" Tanong ko.

Tumango siya at lalo akong naging emotional. "Kung gano'n mas kailangan niyong lumayo dito. Ayaw ko pong matulad kayo sa mga kasama namin." Ipinakita ko sa kanya ang mga sugat ko. "Nakuha ko po ito sa pakipaglaban ko sa mga zombies. Lahat ng kasama namin nakagat ng zombies, at naging gano'n na rin po sila."

Tumatango naman sina Berta at Rose. "Yes po Tita, totoo po...maniwala po kayo sa amin..." sabay nilang sabi.


Ramdam kong ma-coconveince na namin siya, lalo na kitang-kita ko sa mga mata niya na maluluha siyang nakatingin sa 'min. Pero biglang umipal ang isang pamilya na kakatapos lang magbayad ng entrance.

"Hoy mga buang! Tumabi na nga kayo d'yan, papasok na kami!" Sabi ng tatay na maangas ang datingan.

Nilingon ko siya. "Sir hindi kami mga balyo! Nais lang namin kayo iligtas laban sa mga zombies!" Tugon ko, pero nagtawanan lang ang pamilya nila.

"Zombies...? HAHAHA mga buang! Kakapanuod niyo 'yan ng movies...hays, mga kabataan nga naman oh..."

Itinulak nila kami at hindi nalang kami nanlaban dahil marami sila. "Tumabi kayo...paharang-harang kayo eh wala namang kwenta pinagsasabi niyo! Napakarami niyong naabala na gusto ng maligo..."

Naisama pa nila sa pagpasok ang naunang pamilya na kinausap namin. Alam kong nagdadalawang isip silang pumasok, pero dahil nagkatulakan na ay sumama nalang sila para hindi magkagulo sa gate.


Habang naglalakad dito sa loob ng Raagas Beach ay hindi ko napigilang maawa habang pinagmamasdan ang napakaraming tao na ngayon ay masaya pa, pero mamaya ay babalotin ng takot.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
UNDERWATER | They, are sick to humanity.Where stories live. Discover now