CHAPTER 16: "Soulmate"

0 0 0
                                    

I like the concept of soulmates-not a "you're destined to meet me, and love me" kind of soulmate, but...

A "I'd pick you, every time." kind of soulmate. A "no matter what happens, and what has happened, I want to go through it with you." kind of soulmate.

A "I love you by choice, and you're a blessing, and I'm going to continue thinking about you this way not because I have to but because I want to." kind of soulmate.

A "you help me rest easy when everything is difficult" kind of soulmate. A "in every possible outcome, I want you there, to share it with me." kind of soulmate."
------------------------------

"Madaling araw na at hindi pa ako makatulog. Paulit-ulit na naaalala ko ang huling pagkikita namin ni Angela. Dama ko Pa ang yakap nya sa aking katawan. Naririnig ko Pa ang boses nya sa utak ko. Namimiss ko na s'ya. Flight ko na bukas, pero ayaw kong umalis. Ayaw kong iwan si Angela dito. Bahala na." Mga katagang sinasabi ko sa isipan ko.

Nakatulog na ako pagkatapos at nanaginip.

Napanaginipan ko si Angela. Magakasama daw kaming dalawa sa tagpuan namin, habang masayang kinakanta ang mga awiting dati naming kinakanta, sa ilalim ng buwan at mga tala. Tila ba masaya ang lahat, eksaktong-eksakto sa mundong naming binuo ang panaginip ko.

Kinausap ako ni Angela sa aking panaginip.

"MyPa, dito lang tayo ha. Masaya dito, ikaw lang at ako, walang problema at wala ng gulo..." Sabi ni Angela.

"Oo MyPa, dito lang tayo. Hinding-hindi kita iiwaan. Pangako." Sabi ko naman sa kanya.

At biglang umulan ng malakas. Nawala ang buwan at mga tala. Tila ba nagsara ang langit at ito ay nagsungit. Malakas ang ulan na may kasamang malamig na hangin, kulog at kidlat. Sa sobrang lakas ay tinangay ako nito at napalayo kay Angela. Ako'y umiiyak sa aking panaginip. Humahagulhol ako ng iyak. Hanggang sa...

Ako'y biglang nagising. Binangungut ata ako. Pero, ba't may mga luha sa aking mga mata. Basang basa ang unan ko ng pawis at luha. Parang totoo ang mga pangyayari.

(Kinabukasan)

Habang ako'y nag-aagahan, biglang may na receive ako na message sa messenger ko. Galing sa kaklase ni Angela. Si Angela pala ang nag chat.

"MyPa, ingat ka kung saan ka man pupunta ha. Please, drink always ng maraming water, kumain ka sa tamang oras at wag magpapatuyo ng pawis ha. Lahat ng promises ko sayo, tutuparin ko po. Basta ipangako mong babalik ka dito ha. I love you always and forever MyPa."

"I dreamed of you last night MyPa. I miss you. Please take care of yourself ha. I will take care myself po. Promise.  I love you always and forever" I replied to her.

Pero at the back of my mind gusto kong sabihin na gusto ko syang puntahan at yakaping mahigpit. Gusto kong sabihin sa kanya na pigilan nya akong umalis. Kung pipigilan nya ako, hindi talaga ako tutuloy. Mas pipiliin kong manatili dito sa Pinas at mag-aral. Bahala na ang sakit ko. Ang importante, malapit ako kay Angela.

May naisip akong plano sa araw na 'yon. I chatted Chrisse.

"Uie... Busy ka? Samahan mo ako."

"Wala man lang bang good morning jan? Anyways, saan naman kita sasamahan, flight nyo na ngayon?" Reply ni Chrisse.

"Mamayang gabi pa kami aalis. Samahan mo ako, puntahan natin si Angela. Sigi na." I replied.

"Huy! Sira ka ba? Mapapagalitan talaga tayo nito. Isa pa, wala tayong contact sa kanya. So pa'no kayo magkikita?" Sabi ni Chrisse.

"I'll chat her classmate. Bahala na. Gusto ko lang talaga makausap sya. Sigi na, samahan mo na ako. Maaga Pa naman. 8 am pa." I replied.

"Ewan ko sayo. Bahala na nga. Sigi, I'll be there in 5 mins. Wait... Sino maghahatid sa atin?" She asked.

KundimaWhere stories live. Discover now