Chapter 8: Act As One

24 2 0
                                    


SEBASTIAN BAYLAN

DALI-DALI kaming tumakbo ni Mac pabalik sa Pelaez Sports Center. Pagkapasok namin ay wala namang nangyaring gulo sa loob, nasa normal naman ang lahat at naka-focus pa rin ang mga audience sa panunuod. Nagpatuloy pa rin ang intense na laro sa pagitan ng dalawang football team.

Nilibot namin ni Mac ang aming tingin at wala naman kaming nakitang zombies sa paligid. Wala sa audience seats, wala din sa field.

"A-Are we just dreaming lang ba? Or nag hallucinate lang tayo dahil sa gutom...?" Mac is so confused, even do I.

"Ikaw lang 'yong gutom, hindi naman ako." Nilingon ko siya. "And duh...tignan mo ang stick ng banana que na hawak mo, it has blood. So we're not dreaming. Totoong may nakaharap tayong zombie sa labas." I said. 


"So what we gonna do?" Halos mataranta siya. "Let's warn them. Sisigaw tayong may zombie." I said and tumango siya.

Huminga muna kami ng malalim bago sumigaw. "MAY ZOMBIEEEEE!!!"

"WWOOOAAAAHHHHHHHHH!!!"

Natalo kami sa malakas na pinagsamang hiyawan ng mga tao. May nanalo na palang team sa unang laro kaya naman naghiyawan sila at pumalakpak.

Napakamot ako sa ulo. "Tara na, puntahan nalang natin si Rome..." dali-dali ang lakad namin, halos nakakabangga na kami ng mga tao dito sa audience seats na piniling tumayo dahil wala ng bakante. 


Tumayo kami sa harapan ni Rome. "Let's get out of here, hindi tayo safe...may mga zombies sa labas..." I said habang natataranta. "Nice joke, Sebastian." Tugon niya at nasa field lang ang tingin niya.

"He's not joking...totoong may zombies sa labas..." halatang takot si Mac. "I don't wanna die, napakarami pang pagkain ang gusto ko kainin..." dagdag niya.

"See, you guys are just joking around. Umupo nalang kayo at manuod." Ayaw pa rin niyang maniwala kaya napapakamot na ako sa ulo. "But—" natigil ako nang magsalita ang mga tao sa likod ni Rome.

"Hoy mga bata, umalis kayo d'yan. Nanunuod kami dito eh, paharang-harang kayo..." sabi ng isang uncle.

Dahan-dahan nalang kami umupo ni Mac para walang gulo. Nilingon namin ang isa't isa and we are trying to get calm. "M-Maybe hindi talaga totoo 'yon." I said and he nodded. "Yeah. Maybe hallucination lang 'yon. He agreed.

Naghawak-hawak kami ng kamay. "Hindi totoo ang mga zombies. Hindi totoo ang mga zombies. Hindi totoo ang mga zombies." Paulit-ulit namin itong sinasabi, gaslighting ourselves na hindi totoo 'yong nakita namin. 


Naghiyawan ang napakaraming tao nang Mogchs Football Team na ang naglaro. Napatayo kami ni Mac at nag cheer sa team nila. "Gooo!! Kaya niyo 'yan!!" Sigaw niya. "Go, Kabir!!" I was cheering for Kabir while appreciating how handsome he is with his black and white jersey.

Everything is all set. Nasa field na lahat ng players. Gumagawa na rin ng cheer dance ang mga cheerleaders ng Mogchs Football Team. Sa sobrang saya namin ay halos mawala na sa isip namin ang nakaharap naming zombies sa labas.

"UMALIS NA KAYONG LAHAT DITTOOO!!!"

Biglang kumakaba ang dibdib ko nang marinig ko ang sigaw na 'yon. Napalingon ako sa baba at nakita ko ang dalawang tao na tumatakbo at nilalapitan ang mga audience.

"UMALIS NA KAYO!! INAATAKE NGAYON NG MGA ZOMBIES ANG SYUDAD!!" 


Marami na rin ang nakapansin sa dalawang 'yon, pero walang may paki at naka-focus lang ang tingin sa players. Patuloy din na sumasayaw ang mga babaeng cheerleaders.

UNDERWATER | They, are sick to humanity.Where stories live. Discover now