Chapter 13

277 14 12
                                    

"Are you sure you can go there alone?" tanong ni Zaneerah habang pinagmamasdan akong nag-aayos ng sarili.

I'm planning to talk to Vernel today. Ayoko na ring patagalin pa at para matapos na ang panggagambala ko sakanya.

"Ano ka ba Zanee. Si Vernel naman ang kikitain ko at matinong tao 'yon," saad ko sakanya bago nag-apply ng lipstick.

Zaneerah chuckled.

"Pagkatapos niyong mag-usap pupuntahan mo ba si Saru?" usisa nya.

Sumimangot ako at binalingan sya sa kama kung saan sya naroroon.

"It depends. Nagtatampo pa rin ang isang 'yon sa akin," saad ko.

Sumabog ang halakhak ni Zaneerah sa loob ng silid kaya wala sa sarili akong napailing.

"At ikaw din ay nagtatampo. So sino ang unang manunuyo sainyong dalawa?" aliw nyang tanong.

Hindi ko napigilang irapan sya sa kanyang pambubuska.

"Hindi ako marupok, Zanee," seryoso kong sinabi.

Namilog ang mga mata nya at pinipigilan ang pagbungisngis. Mukhang hindi naniniwala sa pahayag ko. Hindi naman talaga ako marupok!

"Isa kang malaking sinungaling, Vizz!" nakangisi nyang komento.

Inismiran ko lang sya at umupo sa kama para suotin ang puti kong rubber shoes. Simple lang ang ayos ko ngayon. Suot ko ang puting fitted na cropped top shirt at pinaresan ko lamang ito ng isang denim blue na high waist jeans.

"Wear this headband, Vizz! I bought this for you," aniya bago inabot sa akin ang puting headband.

It's just a simple, white, classic headband; the only design present is the Chanel logo. I've never worn this type of accessory before, but I have a feeling it will complement my outfit perfectly. Zaneerah really does have the best fashion sense.

Sinuot ko iyon at humarap kay Zaneerah.

"Thanks for this!" I said with a smile.

She just giggles and gives me a peck on the cheek. She always does that; it's her way of letting us know that she always has our back.

Hindi rin ako nagtagal sa condo ni Zaneerah at tumulak na rin paalis. Nagpasundo lang ako sa driver namin para magpahatid sa bayan kung saan kami magkikita ni Vernel. Mabilis naman ang naging byahe kaya nakarating din agad ako sa food court kung saan kami kumain dati.

Nadatnan ko roon si Vernel na abala sa kanyang libro. I was momentarily stunned when I noticed the familiar face from his angle. It was only then that I realized the similarity in his features with Saru, or perhaps I'm just hallucinating?

Natagalan bago ako nakabawi at nagpatuloy sa paglalakad sa kanyang kinaroroonan. Nang makarating ako sa kanyang table ay umangat kaagad ang tingin nya sa akin at ibinaba ang binabasang libro.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko nang makaupo sa tapat nya.

Vernel's deep brown eyes met mine. I could feel the myriad of emotions swirling within them, as if something troubling him. It made me wonder what caused him to change his mind. I couldn't comprehend, but yesterday I saw how devastated he was, as if the heavens and earth had conspired against him.

Kumunot ang noo ko.

"Okay ka lang ba?" alanganin kong tanong.

Binasa nya ang pang-ibabang labi at tumango.

"About your offer, I'll just pretend to be your boyfriend, right?" he asked seriously.

Nakagat ko ang labi bago bumuntong hininga.

Calmness of Sorrows Where stories live. Discover now