Kabanata 30

75 0 0
                                    

Birthday.

Kinikilig na inabot sa akin nang aking P.A ang ipad niya, taka ko siyang tinignan ano ang problema nang isang to parang oud na binuhusan nang asin.

"Ano bang meron?"

"Tignan mo iyan Miss, noong nakaraang linggo ko pa iyan napapansin!"

Sabay turo niya sa akin sa ibang photos sa instagram ni Icarius.

"Huh?" Lito ko siyang tinignan.

"Ginagaya niya ang mga posts mo sa Instagram!"

"I don't think so." Pag iignora ko sa sinasabi ni Vie.

"Anong you don't think so? Eh noong nag post ka nang selfie mong mirror shot, ginawa niya rin?"

"Coincidence?"

"Eh ano iyong may pa sunrise post ka may pa sunset naman siya?"

"Baka nag kataon lang din?"

"Noong nag party kayo nang mga kaibigan mo hindi ba ay selfie kayong pinost mo?"

"Yes.."

"Ginaya niya rin! Kasama ang mga kaibigan niya."

"So anong punto mo?"

"Ginagaya ka nga niya... Nako ang manhid mo naman."

"Vie!" Natatawa kung saway sa P.A ko

"Tignan mo pag nag post ka ulit! Gagayahin niyan!"

Hinila ko ang aking P.A palapit sa akin, kinuha ko ang aking phone at nag picture kaming dalawa.

Nilagay ko iyon sa aking instagram story with a caption "with my loyal P.A slash a good friend of mine too."

"Tignan natin kung tama ka ba o nag dedelulu ka lang." Hamon ko sa P.A kung binigyan ako nang nag hahamon tingin.

"Hmmm, sege pag tama ako e advance mo ang sahod ko para sa susunod na buwan."

"Abat!."

"Pasensya na matinding pangangailangan lang!" Natatawa niyang sabi, natawa na rin ako.

Si Vie kasi ang bumubuhay sa mga kapatid aa magulang niya, siya lang ang inaasahan nang mga ito.

"Oh diba diba!"  Natatawang salubong sa akin ni Vie sabay pakita nang cellphone sa akin.

Uminit ang pisngi ko nang nakitang ginagaya nga ni Icarius ang ig story ko.

He uploaded a photo of him, with his P.A too, with a Caption "A good friend  of mine."

"Ayaw mo kasing maniwala sa akin! Alam mo bang nag wawala ang mga fans nyo dahil sa pang gagaya niya!"

Sumagi bigla sa isip ko ang napag usapan sa opisina ni Tita Eurina.. kasama ba ito sa pag papanggap na in good terms kaming dalawa?

Hindi kasama sa meeting ang ganitong set up, ang gusto lang naman mangyari nang management ay dapat daw mag kasama kami kapag may events and parties.

Hindi kasama ito ngayon, although okay na kami at nag uusap na, hindi parin ako makapaniwalang umabot sa ganito.

Dapat ba talaga niya akong gayahin? I wonder if its still part of fan service o gusto niya lang..

Sinubukan kung mag upload nang picture ko isang beses, its a mirror selfie kalahating mukha ko lang ang nakita, wearing a red beret hat, habang naka peace sign.

Umabot ata nang ilang oras ang pag aantay ko sa pag gagaya niya, baka delulu lang din ako kagaya ni Vie!

Gumugulong gulong ako sa aking higaan kagabihan nang makita ang bagong post ni Icarius.

Chasing Dreams (Celebrity Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now