III

36 5 0
                                        

• FLASHBACK •

PHILIPPINE NEWS

Kasalukuyan napong nasa kustodiya na ng mga pulisya si Roberto Andres  Benitez, isang kilalang aktor na naging isa sa mga suspek ng pulisya sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga babae dito sa Pilipinas. Mariing itinanggi ni Roberto ang ipinaparatang sakaniya at ayon saakaniya ay alam ng pamilya at manager niya na nag take a break siya sa showbiz. 

----

Roberto: Kahit hindi pa napapatunayang wala akong kasalanan dito ay gusto kong malaman ninyo na humihingi ako ng dispensa sa lahat ng nangyari, sa hindi ko pagtugon agad. Wala akong kinalaman at binuo ko ang loob ko na makipag cooperate sa mga pulisya, journalist at marami pang iba upang mapatunayan ko ang sarili ko muli sainyo. Alam kong maraming takot sa akin, pero hindi ako dapat ang katakutan ninyo. Kundi ang taong gumagawa non na nakalaya parin hanggang ngayon. 

Grenda (Reporter): Anong masasabi mo sa samu't-saring alegasyon na ibinibintang sainyo, pati sa senate ay tumaas na ang report na ito? Anong nararamdaman mo ngayon?

Roberto: I feel devastated na kinakaharap ko ang ganitong bagay, bago pa man ako sumabak sa ganitong pakikipag-usap sa mga naghahanap sa akin ay nag investigate muna ako kung dinefend man lang ako ng mga taong nakakaalam kung nasaan ako, ng mga taong alam kong dapat nagsalita nung kailangan ko sila. 

I honestly felt betrayed, I felt that they never mind what would I feel. Who defended me? Yung mga babaeng nagpapatunay na wala akong ginawang masama sakanila. Manager ko at pamilya ko ay nakakausap ako during my stay sa states. I don't understand, why? bakit sila nanahimik?

Grenda (Reporter): Is it true na during your stay sa ibang bansa ay iba't-iba na ang kinakaharap mong kaso duon? Anong masasabi mo na nakapatay ka ng napakaraming babae, base sa mga ipinaparatang sa'yo?

Roberto: False! Hindi ko alam na bakit nila isinisisi sa akin iyon, why would I do that? I never been in psychiatrist, hindi ako baliw, wala akong mental problem kaya hindi ko alam na bakit ganon ang iisipin nila sa akin. Even if you check my record ay makikita niyong "bintang" parin. Bakit ako nakatagal duon? Bakit hindi nila ako hinuhuli? They just based their accusation because Philippine itself accused me those things and they just think na ako din gumawa. 

Ilang saglit ay pinalakad na at ipinadiretso si Roberto upang sumakay sa kotse ng mga pulis kasama si Micaella matapos na hayaan itong sumagot ng iilang tanong. 

Pansin nila na kalmado lang ang binata at tila sigurado sa mga sinasabi. He didn't stuttered, his points were valid, police have this assumption but there's no proof. 

Nang mailipat sa Manila Custody si Roberto ay napansin nila ang 100% na cooperation nito at walang naiba sa mga sinabi niya, walang nadagdag at walang nabawas. Kita nilang confident ito at halatang nagsasabi ng totoo. 

Pero hindi sila nagpaloko at i-tinest ang magiging reaksyon nito. Pero, sa laking gulat nila ay pumayag ang binata at hindi umapila na makukulong siya pansamantala upang makita lang nila kung may mababawas ba sa crime rate. Wala man silang proof ay alam naman nilang kapag nawala ang serial killer ay mababawasan ang crime.

They investigated. 

Surprisingly, they saw the statistics never went down and the crimes have been happening. 

Months passed and they never found piece of evidence para maparatangan at mapatunayang si Roberto talaga ang serial killer, hindi rin bumaba ang crime rates kung kaya pinakawalan na nila ito. 

NEWS: 

Six months and yet, Roberto Andres Benitez proved that he never did anything. The police, senate, journalist and news admitted and raised a public apology for Roberto as they damaged his reputation and they caught wrong person. 

Natuwa naman ang napakaraming netizens dahil napatunayan ni Roberto ang kanyang sarili, ang kaso lang ay may pangangamba parin dahil hindi parin nila nahahanap o nahuhuli ang naging dahilan ng napakaraming pagpatay. 

Later on, nakabalik naman si Roberto sa pagiging aktor at mas lalong dumami ang fan base niya nang makabalik siya  dahil humanga ang mga ito na hindi ito nagbigay ng lawyer upang ipagtanggol siya sa lahat ng mga paratang at ang tanging sariling pruweba lamang ang meron siya. Humanga din ang mga tao dahil sa kanyang pagtitiis sa loob ng kulungan ng walang reklamo ayon sa mga nagbabantay sakanya. 

Nag celebrate naman ang business industry sa pagbabalik niya at nabigyan ng bagong mga proyekto. 

"Grabe naman talaga ang balitang kumalat sa iyo and now that you're back ano na ba ang   nararamdaman mo, handa ka na ba to show kung ano talaga ang minahal sa iyo ng maraming tao na hanggang ngayon ay handa mo parin sa kanila?" Pagtatanong host, mas lalon lumakas ang pag cheer ng crowd sakanya nang iangat ni Roberto ang microphone. 

"Ibibigay ko padin yung best ko, kung ano yung pinakita ko sakanila noon, yun padin pero much better if palagi kong ibibigay yung best ko and better ko as an actor." 

Mas lalong naghiyawan ang mga kababaihan dahil sa kanya. 

Pumatok ang pangalan niya sa iba't-ibang bansa, matapos makumpirma at maibahagi ng mga news mula sa Pilipinas na kumpirmadong walang kinalaman ang naturang aktor. Ang kuwento niya ay naitampok sa iba't-ibang shows at interviews na nag bigay daan sakanya upang tumunog muli ang pangalan at magkaroon ng kaliwa't-kanang income. 

Pero sa kabila ng katuwaan at kasiyahan ng mga tao ay ang mas lalong pagdami at pagtaas ng bilang ng mga kababaihang nawawala at natatagpuang patay sa napakaraming lugar. 

Ang mga magagandang oportunidad para kay Roberto ay hindi para sa mga taong nawalan, naalarma nadin ang lahat nang halos hindi na bumaba ang dami ng mga taong namamatay kada taon. 

NEWS

I could say that we never investigate the culprit, it's getting out of hand. Eventually, hundreds of woman are being victimize by this person. I wish we could've interrogate him more. But we're going to do our best to make him be remembered as each day goes by.

Habang patuloy ang pag usbong ni Roberto ay napaka rami ding nasasawi kung kaya hindi malaman ng nakararami kung ito ba ay sadya o pawang nagkataon lamang...

Watch Me On Tape! (Cold Case Series 5)Where stories live. Discover now