VII

36 1 0
                                        

"Hmm, inom ka muna." Aniya ni Jeffrey at inilapag ang kape sa lamesa ni Micaella, mabilis naman siyang nilingon ng dalaga. 

"Salamat." Mahinahong sagot ni Micaella bago ituon ang buong pansin sa kanyang computer. 

Aalis na sana si Jeffrey ngunit natanaw niya ang isang bilog na lalagyanan ni Micaella na nakabukas, punong-puno ito ng picture ni Roberto at iba't-iba itong litrato kung kaya mabilis na nangunot ang noo ni Jeffrey. 

"Ano 'to?" Mabilis na kinuha ni Jeffrey ang lalagyanan na'yon matapos siyang magsalita. 

Mabilis ding tumayo si Micaella nang marealize kung ano na ang hawak nito, pinanood niya kung paano usisain at halukayin ni Jeffrey ang lalagyanan niya. 

"Ang dami namang picture ni Roberto ito." Mahinang aniya Jeffrey, matipid na ngumiti si Micaella at saka sinagot ang sinabi niya. 

"Uhm, ginagamit ko 'yan para sa mga reports ko especially kapag kailangan ng latest picture niya. Saglit..." Pagrarason ni Micaella.

Diretsong nakatingin sakanya si Jeffrey habang may hinahalungkat ito sa kanyang cabinet na nakadikit lamang sa ilalim ng lamesa niya. Nang makuha na, iniabot niya kay Jeffrey ang isang board na may mga sinulid, pulang guhit at mas marami pang picture at hindi lang picture ang nakalagay duon. 

"Ginagamit ko 'yan para diyan, I'm mapping and connecting spots and information tungkol sakanila." Kalmadong pagpapaliwanag naman ni Micaella, hindi agad inalis ni Jeffrey ang kanyang tingin sa dalaga at saka tumango na lamang bago ilapag ang hawak-hawak.

"I see—" Hindi natuloy ang sasabihin ni Jeffrey nang biglang mag panic ang mga kasamahan nila at pumunta sa kabilang kwarto.

Nang makitang ganon nalang ang pagmamadali ng mga kasamahan ay mabilis na pumasok din si Jeffrey sa kabilang side ng office nila.

Hindi nag dalawang isip si Mica na pumunta narin sa loob at tignan kung ano ang nangyayari.

"Hello Samantha, are you still with me?" Ramdam ang nginig sa boses ng kasamahan nila. 

"Mukhang nakita nila ako." Sabi ng babaeng nasa kabilang linya. 

Lahat ay nadinig iyon, maging ang pag hinga niya ng malalim at ang bawat galaw ay nadidinig ng lahat. 

"Samantha, if you could repeat what you told me clearly. What is happening there?" Sabi ni Maricar na nasa line kanina pa sa dalaga. 

"Nandito ako ngayon sa may roadway papuntang pangasinan, nakita ko si Roberto-- iniwasan ko siya kasi natakot ako pero nakita ko may lumapit sakanya at may nagpa sign tapos----" Hindi natapos ng dalaga ang kanyang sasabihin at ang nadinig nalang nila ay ang walang sawa at paulit-ulit na pagtitili nito at tila tumatakbo ito. 

"Samantha, can you speak? Anong nangyayari sa iyo?" Natataranta na ang lahat, maging ang head ay kinocontact kung malapit na ang pinaka malapit na police para ma rescue at malaman ang nangyayari. 

"Hello Chief! Malapit na kami..." Nahinto ang pagsasalita ng pulis, ilang saglit ay dinugsungan nito ang kanyang sinabi. 

"Andito na kami---" Hindi natapos ng pulis ang sasabihin at halos lahat ay nabigla nang may malakas na pagsabog na nadinig mula sa kabilang linya. 

"Gerard? Nandyan ka pa ba, anong nangyayari?" Malakas na ang boses ng head chief nilang si Jano na talagang nakatukod na ang kanyang mga braso sa lamesa at pilit na hinihintay ang tugon ng mga pulis. 

"Ayos lang kami Chief, hindi lang namin alam kung ano ang nangyari dahil sumabog ang kotse ni Roberto at masasabi kong may tao sa loob." 

Lahat ay nag tinginan sa sinabi nito, ilang araw na nilang minamanmanan at tinitignan ang bawat galaw ni Roberto sa buong lugar, hindi nila akalaing ang malaking suspek ay maaring patay na. Hindi nagtagal ay inanusyo ng pulis na nasa kabilang linya na nakita na nila ang caller na babae at handa itong magbigay ulat sa nangyari ng araw na iyon. 

Watch Me On Tape! (Cold Case Series 5)Where stories live. Discover now