V

38 8 0
                                        

FLASHBACK - 2018

"Sino si Micaella Guttierez?" Tanong ng head of department na si George, lahat naman ay napatingin at hinanap ang resume ni Micaella sa lahat ng papel na tig-iisa ay may kopya ang lahat ng mga nasa loob ng Philippine News. 

"Ah, her? May nakapag sabi na magaling daw ang babaeng ito sa pagsusulat ng report about dito sa Pilipinas, she graduated mostly top of her batch ayon sa old professor niya raw. Na-interview namin siya last week and masasabi kong ayos lang naman siya." Sabi ni Danaya sakanila bilang pamamahagi ng impormasyon. 

"Hindi ito basta bastang desisyon kaya sana ay maging totoo kayo sa mga nag a-apply sa atin. Siguraduhin niyo muna ang background ni Micaella." Sagot naman ng isa pang head na si Franco, tumango naman ang lahat dahil dito. 

Nang malaman nila ang kapasidad ni Micaella ay hindi na sila nag dalawang isip pa kundi ipaalam sakanya na nakapasok siya at maari na siyang magsimula. Hindi nila nagawang i-check pa masyado ang background dahil ang mga report na meron siya ay isang malaking tulong na para malaman nila kung gaano kagaling ang dalaga. 

Nang magsimula si Micaella ay aaminin niyang hindi niya alam ang gagawin nung umpisa, paano ba siya makikihalubilo at ano ba ang dapat niyang mga gagawin. Mabuti na lamang ay tinulungan agad siya ng mga kasamahan niya duon upang maging kumportable sa trabaho nila. 

Pag pasok palamang niya ay kitang-kita na nila ang potensyal niya dahil halos lahat ng balita patungkol sa showbiz, politika at mga kaganapan sa Pilipinas ay palagi siyang updated at nauunang mag hatid ng balita kung kaya ang mga bigatin ay nai-uupload agad mas lalo at lagi silang nasa front page ng news paper. 

Malaki ang contribution na nailapag ni Micaella kung kaya talagang ganon na lang ang pagpapahalaga sakanya ng bawat department. 

"Uy! Uwi na ako ha? May aasikasuhin pa kasi ako. Mag iingat kayo pauwi." Pagpapaalam ni  Micaella sa mga kasamahan na naka tengga parin sa mga ginagawa.

"Hep! Hep! Saan nga ba ang new spot mo? Sino yung kakausapin mo?" Tanong ng kasamahan niya, ngumiti naman si Micaella bago bumalik sa harapan ng katrabaho.

"Basta sikat siya, latest lang ang news na ito kung kaya hindi ko rin alam masyado kung tungkol saan." Sabi ni Micaella, tumango naman ang mga kasamahan.

"Oh siya, mag iingat ka ha? Tumawag ka kaagad kapag may nangyari." Aniya head person nila sa loob.

All Mica's life, ay super dedicated niya talaga sa trabaho at kitang-kita iyon ng madaming tao at mas lalo narin ang malalapit sakanya.

Siya lahat ang sumasalo ng bigatin at tila nakakagulat na mga balita. Nabigyan din siya ng gantimpala bilang isang magaling na manunulat sa kategoryang pambalita.

Halos lahat ay nasa kanya na hanggang sa isang araw ay nagising na lamang siya na may malaki siyang kaso na hahawakan at aalamin.

"Kailangan natin maging praktikal, hindi natin pwede basta-basta hayaang sino man ang humawak at mag imbestiga tungkol diyan." Aniya Albert habang tinititigan ang mga papel.

"Kung ganon, sinong tatawagin natin?" Tanong sakanya ng isa sa mga head na si Akasia.

"Si Micaella."

Nanguno't ang noo ng lahat, nag tinginan sila at tila nabigla sa binanggit nito.

"Micaella? Diba ang issue na ito ay tungkol sa women killing? E' bakit mo siya ilalagay?" Pagtatanong ng isang Journalist din na si Manuel.

"Matalino si Micaella at masasabi kong kaya niya talagang hawakan ang issue na ito." Pagrarason ni Albert.

Hindi makapaniwala ang lahat kung kaya kahit ayaw nila at tila may pagdududa ay wala silang magagawa sa naging desisyon ni Albert.

Dumating sa punto na walang kaalam-alam si Micaella na usap-usapan narin siya ng mga katrabaho niya sa kanilang trabaho. 

"Hindi naman talaga kasi nila na background check or na certify si Micaella, ewan ko ba. Bigla na lang kaya siyang pumasok dito and lately siya na ang naghahawak ng issues at hindi lang basta issues kundi malalaking issues na siya lang ang talagang nagbebenefit lang sakanya." Kumento ng ibang mga katrabaho niya. 

Lahat ay sumang-ayon sakanila.

"Sa totoo lang, tumaas nga sahod niya samantalang tayo heto parin. Alam mo? As a journalist, dapat lumalabas kadin sa T.V or somewhere pero sakanya? Walang ni isang exposure na nakita sakanya." Sabi naman ng isa. 

"Hoy issue ha! Issue kayo ah! Magaling naman siya, at aminin niyo na antaas din naman ng benefits na panibagong in-apply ng kumpanya hindi lang para sakanya. Mas mataas lang talaga yung kanya dahil kung wala siya, baka matagal ng burado kumpanya natin." Aniya naman ng isa, lahat naman ay tumango bilang pagsang-ayon. 

"Agree din ako, alam ko naman na medyo unfair sa atin but most of the time siya naman ang nakakakuha talaga agad." Sang ayon pa ng isa. 

"Alam ko naman, pero hindi ba kayo nagtataka? Bigla nalang siyang dumating, bigla nalang siyang sumulpot, bigla nalang niyang kinuha lahat ng magagandang issue na nagbigay ng daan para maging part tayo ng front page lagi sa news paper." Sabi ni Mary, lahat naman ay hindi sumang-ayon sakanya. 

"Alam naman ng lahat na magaling siya e', ano pa ba ang nakakapagtaka duon?" Kumento pa ng isa. 

"E sino nga ba ang source niya?" 

Lahat ay nakatingin na kay Mary pero hindi sila naniniwala sa sinasabi niya o kung ano mang iniisip niya dahil para sakanila ay hindi naman na nakakapagduda kung bakit naka priority si Albert sakanya dahil bihira lang sila kung magbigay ng magagandang balita o issue mula sa sariling bansa. 

Mas maraming naniniwala na hindi na nila kailangan ng kahit anong validation mula kay Micaella dahil hindi naman tago ang achievements at movements nito upang makapag contribute sa kumpanya kung kaya kapag ganitong usapan ay hindi na nila natatapos dahil alam naman nilang lahat na masipag sadya si Micaella. 

"Alam niyo, kesa pag usapan natin si Micaella, mas maganda kung humanap nalang tayo ng mga bagong balita na papatok para naman may sense ang mga iniisip niyong lahat kay Micaella." Suway ng isang kapwa manunulat din nila, lahat naman ay bumalik na sa kanya-kanyang ginagawa at hindi na pinansin ang napag-usapan. 

Ganon nalang ang tiwala talaga nila kay Micaella kahit pa na baguhan lamang ito.

Watch Me On Tape! (Cold Case Series 5)Where stories live. Discover now