Kabanata 39

65 0 0
                                    

Parted Ways.

Love was never meant to be easy,
People fight, people make mistakes.
People walk out and run back.

But when it comes to love, walang limitasyon to what you would do for one another.
To protect, to provide to profess. Its a lot harder to stay together

Than to fall apart, but with your love for one another being unconditional will make it worthy every second.

"Its okay Chan... Its for his own good. Tama lang ang ginawa mo anak."

Humigpit ang yakap ko kay Mama, gusto ko nang karamay matapos naming mag usap kanina ni Icarius.

Sinasaktan ko na naman siya, sa pangalawang pagkakataon, but in good way.

"Naiintindihan ka niya, siguro lang ay hindi niya matanggap. Maayos din ang lahat nang ito."

"Gusto ko lang naman na makatulong sa banda nila Mama. I want him to focus on his career, sa banda. Ayoko siyang magaya kay Kane. Hindi naman sa hindi ako proud sa relasyon naming dalawa, kaya kailangang humantong sa ganito, pero Mama. Hindi pa sila tuluyang ayos na lima."

"I know... Maiintindihan niya rin ito lahat anak."

Iniyak ko lahat nong gabing iyon, tumunog ang cellphone ko sa isang tawag, its Collet.

Umupo ako sa aking kama, at sinagot ang tawag niya.

"Parang ang bilis mo naman ata mag desesyon?" Bungad niya sa akin.

Nalaman niya ang balita kay Shia, I sighed and smiled sadly at her.

"Kailangan Coll.."

"Kailangan bang umabot sa ganito? Pwede naman kase kayong umamin nalang."

"No, Coll I won't do that, sarili na muna namin sa ngayon, pagkatapos nito ay maganda ang kalalabasan."

"Paano kung isa sa inyo.... Mag kaka gusto sa iba?"

"Sigurado akong hindi ako iyon... Dahil alam ko sa sarili ko na siya lang ang nag iisang lalaki na mamahalin ko."

"Paano namans siya? Alam mo naman iyon."

"Nagbago na siya alam mo iyan."

Nakangiti siyang tumango sa akin, napansin kung bahagya siyang natulala.

"Are you okay?"

"Naisip ko lang na.. mararanasan ko rin kaya ang totoong pagmamahal noon, kung hindi ako nabaliw sa isang tao?"

"Coll, alam naming lahat na maraming nag ka gusto sayo back in College, siguro if ever na hindi ka masyadong obsessed kay Ry, for sure nag ka boyfriend ka."

"Alam mo.. tuwing naalala ko ang mga ginagawa ko noon, nandidiri ako sa sarili ko. I feel like kinakahiya ko ang sarili ko."

"Lahat nang tao, dumadaan sa ganyan. Its part of growing up Coll."

"Natatawa ako sa sarili ko kapag naalala ko ang mga kabaliwan ko noon. Nakakasuka pala?" Halakhak niyang sabi sa akin, natawa rin ako sa sinabi niya.

"Masaya ako na ayos kana ngayon. And I'm pretty sure, na makakahanap ka rin nang taong mag mamahal sayo nang totoo, iyong kayang suklian ang pagmamahal mo, hindi iyong pinipilit mong mahalin ka pabalik, because you deserve to be loved Collet."

"There's this guy, my friend at work... His courting me."

Nagulat ako sa sinabi ni Collet, this is the first time na nag open up siya sa akin tungkol dito. Dahil nong umalis na siya papuntang Italy, wala kaming alam sa relationship status niya .

Chasing Dreams (Celebrity Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now