4 - Lucas

24 2 1
                                    

"I think I'd miss you even if we'd never met."

"Perry...hindi mo na ako dapat isinama dito," sabi ko kay Perry.

Nasa isang Italian restaurant kami ngayon para mag-dinner. Nagulat na lang ako nang dito kami dumerecho pagka-alis sa opisina. Ayoko mang tumuloy kanina pero nakapagpa-reserve na daw si Perry kaya pinagbigyan ko na siya.

"Sino naman ang isasama ko? Wala naman akong alam na ibang pwede kong isama dito, bukod sa Mommy ko, kung hindi ikaw lang," bahagyang nakangiting tanong nito.

"Hmmm... si Shiela. Tiyak na magugustuhan ni Shiela dito,"sagot ko kay Perry.

"Sa tingin mo.... ako, magugustuhan ko siyang kasama dito?" sagot sa akin ni Perry, habang matiim na nakatitig sa akin.

Hindi ko na nasagot si Perry dahil naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Pakiramdam ko, anumang oras ay matutunaw ako sa kinauupuan ko.

"Ikaw lang ang gusto kong kasama, Roxanne Evangelista Sta. Maria," banggit pa nito sa buo kong pangalan.

Nagbaba ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha sa sinabi ni Perry. Shemay! Hindi ko mapigilang kiligin... Don't, Roxanne! Hindi pwede!

"Eh, Perry..." Napakamot pa ako sa pisngi ko, para pagtakpan ang pamumula nito. "Pwede naman ako sa simpleng kainan lang diyan sa tabi-tabi. Iyong mga ganitong mga kainan, para sa mga VIP lang ito. For sure, ubos ang ipon mo dito."

"Tama ka, Roxy. Kaya nga dito kita dinala kasi importante ka sa akin," confident na sagot nito.

Na-bulls eye na naman ako! Bakit ba lahat ng sabihin ko ay may nakakakilig na pangontra itong lalaking ito?

Inirapan ko si Perry, para pagtakpan naman ang kilig na nararamdaman ko. Naggalit-galitan ako kunwari. "Ewan ko sa yo, Perry. Wala kang alam biruin kung hindi ako!"

In the first place, dapat wala akong maramdaman kay Perry. Hindi ako pwedeng mahulog sa bitag niya. Hindi pa ako pwedeng ma-inlove.

"SALAMAT sa paghatid, Perry.... pero sana ito na ang huling pagsama ko sa iyo,"deretsang sabi ko dito.

Nasa loob kami ng sasakyan niya habang nakaparada sa tapat ng bahay namin. Nakita kong nalungkot ang mukha niya saa sinabi ko. Pero hindi ako pwedeng magpa-apekto!

"Why? May nasabi ba ako o nagawang hindi maganda kanina sa iyo? Am I boring? Walang sense kausap? Mabaho ba ako? Ang hininga ko? Tell me."

Bigla tuloy akong na-guilty.

"Wa-walang problema sa 'yo, Perry. Ako-- I mean... wala pa kasi akong balak pumasok sa... ano kasi.... hindi ko pa priority ang lovelife ngayon. Breadwinner ako sa amin. Dalawang kapatid ko pa ang pinag-aaral ko. Magiging unfair lang sa magiging boyfriend ko kung hindi ko naman siya maisasama sa priority ko."

Huminga nang malalim si Perry, habang matiim pa ring nakatingin sa akin.

"Roxy... pwede naman akong maghintay. Just let me...." tila nagmamakaawang sabi nito.

"Sorry, Perry... Buo na ang pasya ko,"matatag kong sabi dito.

Kailangan kong panindigan ito. May obligasyon pa ako sa dalawa kong kapatid. Alam kong hindi magiging maganda kung may boyfriend pang aagaw sa panahon ko sa mga kapatid ko.

"Roxy, look--"

"Sige na, Perry. Umuwi ka na. Masyado ka nang gagabihin," putol ko sa sasabihin pa ni Perry, sabay bukas ko ng pintuan sa tabi ko at saka ako nagmamadaling bumaba sa sasakyan ni Perry.

GOING BACK TO 1945Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon