Chapter 2

10 2 0
                                    


FAIRY MONTANA

AFTER a long trip, we finally reached the Hearts City. Dali-dali kong binuksan ang bintana ng kotse at halos mahulog na ang panga kong nakanganga, dahil labis akong namangha sa ganda ng mga bagay-bagay na nakikita ko.

I saw a long and large bridge above, filled with lights at sa itaas nito ay makikita ang nakasulat na greetings, "Welcome to Hearts City", and it has a designs of heart shape na paiba-iba pa ang mga kulay.

Dumaan kami sa isang bridge at kahit saan ako tumingin ay parang napapaligiran ako ng mga nagtataasang buildings sa gilid-gilid.

Halos napapaatras pa ako ng mukha dahil nagugulat ako sa mga naglalakihang buildings na parang tatama sa mukha ko, dahil parang ang lapit nito sa 'kin.


Kahit nasa gilid lang ng malawak na kalsada ang mga buildings, ay parang hirap na hirap pa rin ako matanaw ito ng buo, dahil sa sobrang tataas ng mga ito na halos magka-step neck na ako.

"God, ganito pala ang feeling kapag unang sampa mo pa sa city..."

Tamang-tama nag-play ang "Welcome To New York" ni Taylor Swift, at kahit nasa Hearts City ako ay parang nasa New York naman ako dahil sa sobrang stunning ng city na 'to.

Parang may contest sa papa-gandahan ang mga buildings, street, restaurant, coffee shop at mga malls.

Madaming sasakyan, pero kahit ganon paman ay walang traffic na nangyayari dahil sa lawak ng bawat kalsada. Kahit hindi pa gabi ay parang bituin na kumikinang ang Hearts City, dahil sa mga display lights anywhere at the corner.


And one of the things na nagustohan ko ay seems everyone here is free. They are all free to ware anything they want, everyone has it's own style of fashion while walking at the street.

People here on Hearts City feels like they normalize everything here without criticism. They can take a selfie anywhere, can laugh out loud, and they're free to love on what they love. I see boys dating boys, and girls dating girls.

"Tama nga si Papa, para kang nasa ibang mundo once marating mo ang Hearts City." Nakangiting sabi ko habang tingin nang tingin pa rin ako sa labas ng bintana.


Maraming places na kaming nadaanan dito sa Hearts City. Mayamaya ay huminto muna kami dito sa harapan ng malaking restaurant, at si Tito Zo na ang mag-isang pumasok. Naiwan ako dito sa kotse. Medyo na-bored ako, kaya naisipan kong lumabas para mas matanaw ng maayos ang city.

Unang tapak ko palang sa kalsada ay para na akong nakaramdam ng saya. Napapangiti ako habang dahan-dahan akong lumakad. Nakatayo ako ngayon sa gilid ng kalsada at nakatingala habang tinitignan ang mga buildings.

"Welcome to Hearts City, the city full of love!" Napasigaw ako ng pagkalakas habang itinaas ko ang mga kamay ko at dinamdam ang kunting hangin na dumaan.


Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may dumaan na itim na kotse, at sa sobrang bilis ng pagmaniho nito ay hindi ko namalayang tumama ang kamay ko sa kamay ng isang taong nasa loob ng kotseng ito, at nahawakan pa niya ang kamay ko.

Bumibilis ngayon ang kaba sa dibdib ko. Sa sobrang takot na baka madala niya ako ay dali-dali kong inalis ang kamay ko. Dali-dali kong tinanggal ang suot kong white shoes at agad itong ibinato sa kotse niya.

"Bad kang manyak ka!" Sigaw ko at mukhang napansin naman ako ng taong nasa kotse na 'yon, kaya huminto siya. "Hey, bad bad dog! Bumaba ka dyan, harapin mo ako!" Sigaw ko ulit.


Dali-dali akong lumapit at ilang sandali pa ay bigla itong nagmaniho paalis. "Duwag ka naman palang gong-gong ka!" Sigaw ko habang pinagtuturo ko ang kotseng 'yon.

Tinignan ko ang plate ng kotse. "FCK21." Nagsalubong ang mga kilay ko. "Aba bastos ang gagong 'yon ah!" Inis ko.

Napaisip ako. "21? In alphabet, U is 21—" nanlaki ang mga mata ko at napaangat ako ng tingin. "Fuck you ka rin!" 




Purrfect Love | Heartful Academy 5 | Magical EditionWhere stories live. Discover now