Chapter Twenty One

147 6 1
                                    

Daisy

Nakangiti pa rin ako kahit na ilang araw na ang nakalipas simula nang ipagluto ako ni miss sa condo unit niya. To be honest, I wasn't expecting that night to be that good. Akala ko kasi kakain lang kami, tapos the usual casual talk. Pero nakakatuwa dahil isa ito sa mga first time na mas naging comfortable si Miss sa akin. Aminado akong alam kong naiinis na rin ito sa kakulitan ko, but so far hindi niya pa naman ako tinataboy legit except sa pananakot niya sa pagbabasted sa akin.

  Today na ang sports fest namin at kasalukuyan akong naghahanda sa isang room kasama ang mga kaklase ko at officers ng department namin. Si Daniel ang nakatoka sa buhok ko, habang si Miss Vice President from Marketing naman ang nag make up sa akin.

  "Galingan mo mamaya, Daisy! Dapat ipakita mo sa kanila kung ano ang kamandag ng mga taga business school!" tugon ni Daniel habang nilalagyan ng spray ang buhok ko.

  "Paano kung matalo ako?"

  Agad itong umiling. "Huwag mong iisipin 'yan! Magpabida ka kasi magugustuhan mo ang isa sa ating mga judge."

  Napakunot ang noo ko. Hindi ko pa kilala kung sino ang judge namin today, pero alam kong isa daw ito sa nanalo sa international pageant noon.

  "Sino ba?"

  "Secret walang clue." Umalis ito sa likod ko at tsaka tinawag ang ibang mga kaklase ko upang ipahanda na ang suot ko.

  "Okay na rin ang make up mo, Daisy. I'm sure marami ang titili kapag nakita ka. Andami pa namang may crush sa'yo!"

  Natawa ako sa kay VP, "Ang OA naman ng patili, Vice. Ano ako? Artista? Tsaka uy, magaganda kaya ang kalaban ko. Makokonsensya nga ako kapag natalo ko sila eh," tugon ko at humawak pa sa aking dibdib. "Alam mo naman na I'm very very supportive of all girls, I love girls, I am the supporter of all girls!"

  "Heh! Sabihin mo bading ka lang talaga, Andrino," sabat naman ni Daniel at inabot sa akin ang aking top. "Dami mong alam, akala ko ba loyal ka kay Miss?"

  Napakunot ang noo ni VP sa amin. "Miss?"

  "Ahh, si Miss Cassandra, 'yan ang crush ni Daisy. Ang kapal ng mukha niya noh?"

  Hinampas ko ang bakla ng hawak kong pamaypay. "Manahimik ka nga. Tsaka ano bang masama kung gusto ko si Miss? Marami namang gusto siya ah! She's likeable and she's very very pretty. Mabait din siya at tsaka—" naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Daniel kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya pero nagulat ako nang mapansin ko si Miss Cassandra sa harapan.

  Napakurap ako at agad na naramdaman ang mga hayop na kumakalabog sa tiyan ko. "Ay, hehe, hi Attorney. Anong ginagawa mo dito?"

  Binati rin ito ng mga kasama ko at binigyan niya naman sila ng ngiti. "I'm here to check up on you—uh your department. And also, take this," May inabot ito at napakunot naman ang noo ko. "I saw your heels is covered naman so you can use that kasi namumula pa ang heel mo."

  Naramdaman ko ang pamumula sa narinig.

  Nakaka-kilig! She's thinking about me! Totoo ba 'to? Andito siya para sabihan ako ng good luck at tsaka binigyan pa ako ng band-aid?

  Ang swerte ko naman.

  "I'll go back to my seat now. Good luck business dept!" Kumaway ito at nahihiya naman ang mga kasama kong nagpaalam dito.

  Hindi na ako nakapagsalita dahil nilamon na ang boses ko ng kilig.

  Kinurot naman ako ng kaibigan ko at agad akong nabalik sa reyalidad.

  "Naglalaway ka na! Nakita mo lang si Attorney eh parang nabaliw ka na jan."

  Hinawakan ko ang braso nito at tsaka ngumisi. "Narinig mo 'yun? Good luck daw! Ahhhh! Nakakakilig!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Daisy Is Under Her SpellWhere stories live. Discover now