Chapter 2

10K 434 49
                                    

Pinky POV

"O KANIN pa Pinky. Marami pang kanin." Inabot sa akin ni Tiyang Les ang bandehado ng kanin.

Kinuha ko naman yun at sumandok at nilagay sa plato. "Salamat po tiyang."

"O ulam, try mo naman ang ibang ulam. Itong kinamatisang manok subukan mo. Napanood ko lang ito sa reels sa fb, sinubukan ko pero nilagyan ko ng kaunting twist." Pinagsandok ako ni Tiyang Les sa mangkok at inabot yun sa akin.

Natatawang kinuha ko rin yun at tinikman. Napatango tango ako. Masarap sya.

Maingay sa mahabang mesa. Magulo ang mga pinsan ko pero masaya. Lima ang anak ni Tiyong Rusi at Tiyang Les.

"O akin na yang pakpak." Ani Ramil ang panganay na anak nila Tiyong Rusi at Tiyang Les.

"Anong sayo kuya? Nakadalawang pakpak ka na no. Give chance to other naman." Protesta naman ni Anton na bunso at binabae.

"Nakadalawa ka na rin ah."

"Anong dalawa? Isa pa lang no. Hita yung kinain ko kanina."

"Anong hita? Pakpak yun eh. Basta akin na tong pakpak." Sabay dampot ni Ramil ng pakpak na manok na inihaw.

Pero agad din yung hinablot ni Anton sabay irap pa sa kuya nya. Di rin nagpatalo si Ramil at inagaw din yun kay Anton na hindi naman binitawan. Literal na nag agawan na nga sila. Minsan talaga di sila magkasundo.

"Ano ba yan? Parang mga tanga naman o. Parang pakpak lang pinag aagawan pa." Sabat ni Betchay ang pangatlo sa anak. Ang that's my tomboy sa pamilya.

Si Jennifer naman at si Eboy na pangalawa sa panganay at pangalawa sa bunso ay kiber naman na kumakain lang.

"Ano ba yan! Tigilan nyo na nga yang pakpak ng manok. Di na kayo nahiya sa Ate Pinky nyo." Saway na ni Tiyang Les.

Natawa na lang ako. Sanay na ako sa mga pinsan ko. Ang saya nga nilang tingnan. Naiinggit nga ako sa kanila dahil lima silang magkakapatid samantalang ako ay isa lang. Kung bakit ba naman kasi di ako binigyan ng kapatid ni papa at ni mama noon.

"Para walang away akin na yan." Kinuha ni Tiyong Rusi ang pakpak ng manok at hinimay himay sa isang platong wala ng laman.

"Pa, bakit nyo naman po hinimay yan? Lasang kamay nyo na yan eh." Angal ni Ramil.

"Kaya nga." Segunda pa ni Anton.

"Heh! Tumahimik kayong dalawa. Para kay Boogie to."

Nag angalan ang dalawa pero wala naman na silang magagawa kaya ibang ulam na lang ang nilantankan nila. Natawa na lang kami. Yan kasi nag agawan pa. Tuloy ay si Boogie ang makikinabang ng pakpak. Si Boogie ay ang alagang aso nila na maingay na ngayon sa labas. Tinatahulan ang bawat dumadaan sa labas ng gate.

"Kamusta naman ang shop nyo ni Ciella, Pinky?" Tanong ni Tiyang Les habang nilalantakan namin ang hinog na mangga.

"Maayos naman po tiyang. Dumaan naman po kasi kayo doon paminsan minsan."

"Libre ba kape ko?"

"Oo naman. Sama po kayo ni tiyong." Yaya ko sa kanila.

"Kuh, di ako mahilig sa ganyang kape. Sisikmurain lang ako. Sanay ako sa instant na itim na kape." Tanggi ni Tiyong Rusi.

"Ang kj mo talaga eh di ako na lang."

Natatawang tumango na lang ako at pinanood ang tiyuhin at tiyahin sa pagkukulitan. Namiss ko tuloy bigla si papa at si mama. Noong nabubuhay pa sila ganito din sila kakulit.

"Sya nga pala Priscilla, wala ka pa bang nobyo?"

Natigilan ako sa tanong ni Tiyong Rusi. Tumikhim ako at nilunok muna ang nginuyang mangga.

My Possessive Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now