Chapter 3

9.5K 485 54
                                    

Pinky POV

PABILING biling ako sa kama at hindi makatulog. Pabalik balik na gumugulo sa isipan ko ang sinabi ni Ciella kanina na bumalik na raw ng Manila si Cedric. May bago daw itong hawak na kaso kaugnay sa uncle ni Danon na kaibigan ni Lex. Kumabog ng husto ang dibdib ko kanina at hanggang ngayon nga ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na nae-excite. Ngayong nasa Manila na sya ay malaki ang chance na magkita kami.

Dinampot ko ang unan at itinakip sa mukha sabay impit na tumili. Paano kapag nagkita kami? Anong magiging reaksyon ko? Ngingitian ko ba sya? Babatiin o dededmahin? Paano kung kausapin nya ako? Ano naman ang sasabihin ko?

Argh! Di ko alam.

Tinanggal ko ang unan at tumitig sa kisame. Naririnig ko ang mga tahulan ng mga aso sa labas.

Bumuntong hininga ako. Simula ng araw na yun na nakipag break ako sa kanya ay hindi na kami nag usap. Huling nabalitaan ko ay bumalik na sya sa probinsya kung saan sya nadestino. After 2 years bumalik na sya ng Manila.

Pumikit ako. Tila naman nanunuksong lumitaw ang gwapong mukha ni Cedric. Bumilis na naman ang tibok ng puso kong nananabik sa kanya.

--

"HERE'S your change ma'am. Thank you!" Matamis akong ngumiti sa customer at inabot ang sukli sa kanya.

Ngumiti din sya at tumalikod na. Kinuha ko naman ang order ng susunod na customer at sinuklian din sya. Kulang kami ngayon sa tao dahil biglang um-absent ang isa dahil may emergency kaya tumutulong muna ako. Tutal naman ay paisa isa pa lang naman ang customer sa flower shop na kaya naman ng assistant namin doon.

"Hi Ma'am Pinky." Bati sa akin ni Romeo ang dating kasamahan ni Cedric sa istasyon. May kasama syang dalawang pulis na mukhang baguhan lang dahil hindi ko kilala. Mga nakangiti din sila sa akin. 

Ngumiti rin ako sa kanila. "Hello sarge! Ano order nila?"

"As usual sa akin black coffee." Ani Romeo.

Bigla ko namang naalala si Cedric. Mahilig din sya sa black coffe no sugar.

"Ano pa?" Tanong ko sa dalawang kasama ni Romeo na kung makatitig sa akin ay para ba akong hindi totoong tao na nasa harapan nila. Ganda ko kasi. Charezz.

"Ah espresso po sa akin ma'am." Sabi naman ng isang pulis na mukhang bata pa na clean cut ang gupit ng buhok.

"Sa akin po Americano." Anang isa pang pulis.

Inabot na nila sa akin ang bayad at pinunch ko na yun. Inabot ko na sa barista ang mga order ng mga magigiting na pulis. Dahil wala pa namang susunod na customer ay hinayaan ko munang makipag kwentuhan sa akin si Romeo at ang dalawang pulis nyang kasama na mga baguhan nga. Sila si Marvin at Norman. Nakakatuwa nga ang dalawa dahil parang mga binatilyong kinikilig. Hay, mga pulis nga naman.

"Ang gaganda pala ng mga crew dito sarge. Bakit ngayon mo lang kami dinala dito." Ani Norman.

"Oo nga sarge. Lalo na si miss cashier." Segunda pa ni Marvin na kanina pa nagpapacute sa akin.

"Oy oy bata. Huwag yang si Ma'am Pinky delikado kayo dyan."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Romeo. "Kung magsalita ka naman sarge parang nananakmal ako ah." Kunwaring nagtatampong sabi ko.

Ngumisi naman si Romeo. "Hindi ikaw ang  ibig kong sabihin Ma'am Pinky. Iba ang mananakmal. Nakakatakot yun."

Lalo lang kumunot ang noo ko sa sinabi ni Romeo.

"Sino sarge?" Tanong ni Marvin.

"Halika ka rito bata, sasabihin ko sa inyo." Inakbayan ni Romeo ang dalawang pulis na kasama nya at hinila palayo sa akin.

My Possessive Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now