Chapter 29

10.3K 576 54
                                    

Pinky POV

NAG inat ako at dinilat ko ang inaantok pang mga mata. Naririnig ko na ang mga tilaok ng manok at boses ng mga tiyahin at tiyuhin ko.

Dinampot ko ang cellphone sa side table at binuksan yun. Nandilat ang mata ko ng makitang alas otso na pala ng umaga. Bumangon na ako at tumayo. Tinanghali na ako ng gising. Paano ba naman alas dose na ako nakatulog kagabi.

Natigilan ako ng maalala si Cedric.

Oo nga pala! Bigla syang sumulpot dito kagabi at nakipag inuman pa sa mga tiyuhin at mga pinsan ko. Tapos nalasing sya at inakay ng mga pinsan ko sa ibabang kwarto kung saan sya natulog.

Bumuntong hininga ako at sinuklay ng mga daliri ang buhok.

Gising na kaya sya at nakaalis na? Hindi ko pa sya nakakausap.

Lumapit ako sa saradong bintanang kahoy at binuksan yun. Sumalubong sa akin ang simoy ng hanging pang umaga. Mataas na rin ang araw dahil alas otso na. Naririnig ko ang mga boses ng tiyahin ko at tiyuhin na nasa likod ng bahay. Bumalik ako sa kama at niligpit ang kumot at pinagpagan ang mga unan. Pinatay ko na rin ang stand fan saka ako bumaba at dumiretso ng banyo para maghilamos at mumog.

Walang tao sa loob ng bahay at lahat ay nasa labas na. Ang mga pinsan ko ay mga pumasok na sa eskwela. Si Tiyang Helen naman ay nasa likod bahay dahil naririnig ko ang kanyang boses. Tiningnan ko ang kwartong tinulugan ni Cedric. Sarado pa iyon. Lumapit na ako doon at dahan dahan kong pinihit ang door knob at sumilip. Wala na si Cedric sa loob at maayos na ang kama.

Mabigat akong bumuntong hininga. Mykhang umuwi na sya ng hindi man lang kami nakakapag usap ng maayos. Pero mainam na rin nga yung umuwi na sya bago pa malaman ni Ma'am Adela na nagpunta sya dito.

Pumasok ako sa kusina at lumabas sa pintong nakabukas na diretso sa likuran ng bahay. Naabutan ko na nga ang mga tiyahin ko na abala na sa paghahanda ng paggawa ng mga kakanin. Ang mga tiyuhin ko naman ay nagsisibak na ng mga kahoy.

"O gising ka na pala anak." Bati sa akin ni Tiyang Helen nagbabalat na ng saging para gawing nilupak.

Nahihiya naman akong ngumiti. "Morning tiyang, pasensya na po tanghali na ako nagising."

"Ayos lang, late ka na kasing nakatulog kagabi dahil nagiinuman pa ang mga tiyong mo at nobyo mo."

Sa pagkakabanggit ni Tiyang Helen sa salitang 'nobyo mo' ay kumislot ang puso ko.

"Si.. Cedric po tiyang, anong oras po umalis?"

Kumunot ang noo ng aking tiyahin. "Anong umuwi? Hayun sya kasama ni Doy na nangunguha ng mga dahon ng saging."

Tinuro ni tiyang ang direksyon ng sagingan. Naroon nga si Cedric kasama si Kuya Doy at nangunguha sila ng dahon ng saging. Naka sando syang puti kaya kitang kita ko ang mga naglalakihan nyang mga muscles sa braso kahit nasa malayo sya. Sya ang may hawak ng itak at pinuputol ang dahon ng saging. Tinuturo naman ni Kuya Doy kung anong dahon ang kukunin.

"Kuh, kanina pa namin sinasaway yang nobyo mo na huwag ng tumulong dahil nakakahiya at bisita sya. Pero ayaw magpasaway. Hindi pa nga nag aalmusal yan at nagkape lang dahil ang gusto ay sabay daw kayo." Ani Tiyang Helen.

Nanunuksong ngumiti naman si Ate Carmen. "Hindi halatang patay na patay sayo yang nobyo mo. Ang swerte mo talaga day! Ang gwapo ng nobyo mo, macho at mabait pa. Kaya huwag mo ng pakawalan."

"Swerte ka rin naman sa akin ah. Ikaw talaga mahal, nawala lang ako saglit sa paningin mo nakakita ka na ng ibang gwapo." Singit ni Kuya Junie na bagong dating. Karga nya si Jimboy na may hawak pang dede habang si Lucas ay hawak nya sa isang kamay.

My Possessive Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now