KABANATA 2

40 1 1
                                    

[KABANATA 2- Book report]

*Leonora Castro's POV*


*At Sir. Tolentino's office*


"Ms. Castro, madalas ay tulog ka sa aking klase, alam mo ba na nakakawalang gana sa pagtuturo ang  ginagawa mo?" Striktong pagkakasabi nito habang nakatingin sa listahan ng mga honors. "Sir, hindi naman ho sadya yung pagtulog ko sa klase, mayroon ho kasi akong part-time-job tuwing gabi, kaya hindi ko rin ho maiwasang maka-idlip sa klase n'yo." Sagot ko.




"Hindi ba mayaman kayo?" Napataas kilay ako sa narinig at nagtaka kung bakit pati iyon ay nalalaman n'ya. "Bumagsak po yung kumpanya ni Dad." Yun nalamang ang sinabi ko at nang wala nang maikwento pang kung ano. "Alam mo ba ni hindi kananaman nasama sa mga honors this 2nd grading?" Tumingin ito sa'kin at inayos ang kanyang salamin.




"I'll be better-" Hindi pa ako tapos ay sinung-gaban nya na ako at pagdidiing nagsalita, "Don't say it, Ms. Castro. I would rather be glad if you did it." Saad n'ya. "I'm really sorry, eh ang hirap ho kasing intindihin ng lesson nyo." Napahinto ako sa'king sinabi at tila nagulat si Sir. Tolentino at gayundin ako na nagulat sa'king sinabi.




"Ahhh! I mean ho, magaling kayong magturo and I fully understand every lessons you have taught, pero like I said po, hindi ko mabigyang tuon ang pag-aaral ko dahil narin ho sa trabaho ko." Paglilinaw ko. "It's not my problem na may trabaho ka, and I warned you many times, I'm telling you, kapag hindi ka pa nakapasok sa honors this third grading baka wala kanang pag-asa pa na grumaduate." Hindi naman pasigaw pero nakakatakot pakinggan.




"My apology. Ano ho bang pwede pang gawin para tumaas yung grade ko sa history. Eh ever since 1st quarter I'm trying to participate naman po, pero..." Hindi ko na tinuloy pa dahil alam kong alam nya na ang ibig kong sabihin. "So you're telling me na it's my fault na hindi mo kayang maaabot yung line of 9 you mean?" Pansusulsol n'ya.




"Hindi naman ho-" Pinutol nya ako at tumayo. "Hindi naman kita pinapunta dito para pagalitan lang. Of course I have a reason why," Ani ni Sir. Inilabas nya ang kanyang libro at sinabing. "Make a book report about GomBurZa, and please next time, 'wag mo akong madaan-daan sa mga struggles mo." Masama ang pagkakasabi nya nito, bago iabot sa'kin ang libro.





"The deadline is within 5 days ago from now. You may now leave." Masama ang pagkakasabi n'ya nito. "Pero sir, hindi naman ho ata fair yung pinapagawa nyo." Sabi ko at papigil na pagtataas ng aking boses. "Then, you should be fair enough too at huwag matulog sa klase ko. It's a big disrespectful, Ms. Castro." Sagot n'ya.




"We're done, Ms. Castro." Ngumiti pa s'ya at tinuro ang pinto. "How-" Pinutol nya nanaman ako. "One word is only one word." Pagdidiin n'ya. "With these pages?" Angal ko. "For your grade?" Sagot n'ya na hindi ko na kaya pang bigyan din ng sagot. Tumango nalang ako at tumalikod upang umalis. "Ms. Castro, do it sincerely." Pahabol n'ya. Hindi nalamang ako sumagot at nagpatuloy pumunta sa pinto upang umalis.




Papalabas ako noong muli ko s'yang narinig na may kinakausap sa telepono, "Hmm, Oh Ma'am Mariano? Ba't ho kayo napatawag?" Rinig ko. "Can we talk outside?" Sagot naman ni Ma'am Mariano. Hinala ko balak mag retire ni Ma'am Mariano pero hindi nya pa nasasabi sakanila. Hindi naman sa marites pero bakit kasi sa hallway sila nag-uusap that time.




Sa paglabas ko ay padabog kong pinagsisipa yung floor. "Talagang!..." Pinigilan ko ang sarili dahil maraming mga estudyante ang nandodoon.




gomBURzaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt