KABANATA 5

41 1 0
                                    

[KABANATA 5- Natunghayan]

*Leonora Castro's POV*


Huminga ako nang malalim. Dahil narin sa pagtataka ay nilapitan ko ang isang ginang. "Pasensya na ho sa abala, may itatanong lang ho sana ako." Tumingin ito sa'kin at itinaas ang kanyang mga kilay.





"Ano iyon, binibini?" Humahangos nitong tanong. "May cultural event po ba?" Please sana naman cultural event lang 'to!





"C-cultural event? Paumanhin, binibini, ngunit hindi ko maintindihan ang iyong nais na ipabatid." Huli nalamang nitong sambit bago umalis.




Bumugtong hininga ako bago mapansin ang isa pang babae kaya naman nilapitan ko din ito.





"Miss! Alam mo ba kung anong nangyayari ngayon? May something ba, or like cultural event?" Hindi ko alam kung nakasimangot ba 'to dahil hindi ako maintindihan.




Umiling la'ng 'to at kagad na umalis gaya ng ginang. Luhh! Grabe s'ya! Pa'no na 'to? Pa'no na 'ko makakauwi. Sinubukan kong magmasid pero iba na talaga ang lugar. Ibang-iba, pati ang mga direksyon.




Habang nagmamasid ay may lumipad na dyaryo sa harapan ko. Napansin ko ito at pinulot. Sa pang-unang pahina nito ay may nakakabit na '1871'.




"Aba, ang tagal na ng dyaryong to ah." Bulong ko habang pinakatitignan ito nang mabuti. Nahiwagaan ako at ganito pala ang istura ng mga dyaryo noong unang panahon. "Meron pa palang gan'to ngayon."





"Binibini, akin iyan." Nabuod ako sa narinig kaya ibinaba ko ang dyaryo at nakita ang matandang babae na hinihiling ang dyaryo. "Ay! Sorry po! Sainyo pala 'to." Kagad ko itong ini-abot sakanya.




"Nako! Mukhang nagusot na." Rinig kong pagrereklamo nito. "Pasensya na ho talaga. Nakakapanibago lang na may ganyan pa pala sa panahon ngayon." Ngumiti ako.





Nagtataka itong tumingin sa'kin. "Ngunit bagong labas lamang ang dyaryong 'to." Naguluhan kaming pareho at hindi nagkaintindihan.




"Ho? 1871 pa ho 'yan." Agaran itong kumontra, "Totoo't ngayon ay labing Isa ng disyembre, isang libo't walong dahan, pitumpu't isa." Sagot nito.



Nag-loading ako doon ah! Maya-maya lang ay aking napagtanto na ang tinutukoy nya ay December 11, 1871. Teka! Imposible!




Napalingon ako sa mga tao at gayundin may katiyakan ang sinasabi ni'to. "Sige ho, salamat sa ideya." Yun nalamang ang sinabi ko. Umalis ito at sinundan ko ng tingin.




Shocks! Totoo nga! Kaya pala gano'n sila magsalita! So all along hindi nila ako maintindihan! "Mygo-" Pinigilan ko nalang din ang sarili.



Kung si Sir. Tolentino ay may pakanan, sooooo! Nasa libro ako ngayon ng El Fili!









***








Ako ito ngayon. Syempre wala, nakatayo lang sa tabi ng imspraktura malayo sa tahanan ng mga madre. Ano pa bang magagawa ko andito na 'ko.




gomBURzaWhere stories live. Discover now