Chapter 11: Escape The City

3 1 0
                                    


ANALA KHAN

I look upon my car side mirror, then I saw lot of zombies na galing pa sa loob ng hospital ang umatake sa mga side walk vendors sa labas ng hospital. Sa dami ng zombies, wala ni-isang vendor ang nakaligtas, lahat sila ay nakagat.

When they got infected, they attacked each other at nagpapasahan na nang virus. May ilan ang sinubukan manlaban, pero nabigo rin.

Nagkagulo. Lahat ng paninda nila nagkalat. Ang mga soft drinks ay nabasag. Natapon ang mga lutong pagkain.

They began to attacked people na dumadaan lang. Hindi na ligtas ang Northern Mindanao Medical Center, dahi sinakop na ito ng mga zombies.

I want to drive fast para makaalis na dito, pero hindi umuusad ang sasakyan na nasa unahan. Paulit-ulit akong bumu-busina, pero parang bingi ang mga tao sa loob ng sasakyan na 'yon.


Muli akong tumingin sa side mirror at nanlaki ang mga mata ko nang maraming zombies ang tumatakbo papunta dito, some of them ay galing pa sa loob ng hospital. "Shit,"

Tinitignan ko nang mabuti ang mga zombies. Gumulat sa 'kin na ang ilan sa mga pasyente na dati lang ay mahina at hindi mabuti ang kalagayan, ay naging mabilis ang galaw nang maging zombies.

Nagiging malakas sila na para bang wala silang mga sakit. Kahit 'yong mga patient na comatose ay nakakatakbo. Maging 'yong patient na dinala kanina sa emergency department at putol ang isang paa, ay mabilis ngayon ang takbo.

Napansin kong may space naman sa gilid ng kalsada, hindi gaano kalawak pero mukhang makakadaan naman ang kotse ko. I drive slow para hindi ko mabangga ang nakaharang na kotse. I open my car's window. "Bingi ka b—" nanlaki ang mga mata ko nang makitang zombie na pala ang driver nito.

"Fuck!" Dali-dali na akong nagmaniho dahil papalapit na ang mga zombies.


Nakaabot na ako dito sa McArthur Park, a famous and wide park here on Cagayan de Oro City. Maraming tao sa loob ng park, may mga students pa ang nag practice, I think hindi pa sila aware na may mga zombies.

But as I expected, umatake ang mga zombies at nagkagulo na sa park. Mabilis ang pagkalat ng virus once they got bitten. Ang pinagtataka ko ay naglalabas pa nang malalagkit na tubig ang ilan sa mga zombies—parang katulad nong sa buwaya.

As the zombies attacked, people run for their life. Kanya-kanya ang directions nila. And worst, some people ay umabot dito sa gitna ng kalsada, causing a traffic dahil nagkabanggaan ang mga sasakyan.

"You gonna be kidding me..."

Sinakop na rin ng mga zombies ang bawat kalsada. Kahit sa'n ka tumingin ay may mga zombies. Maging ang mga nagmamaniho ay hinahabol nila.

Kaya ang ilan sa mga tao ay piniling lumabas ng kotse at tumakbo para pumasok sa mga buildings. But hindi rin sila ligtas, dahil napasok na halos lahat ng building.


I know everyone on this street feel nervous and scared, kaya hindi na nila inisip ang iba at naging makasarili. Kapwa nagbabanggaan sila para lang makaalis. At hindi rin ako nakaligtas sa ganitong uri ng tao. Binabangga ako ng sasakyan sa likod para lang makausad kami dito sa unahan.

"Fuck you! Kita na ngang traffic dito!" Sigaw ko sa loob.

But they got into my nerve, and I can't hold my anger anymore. "I'm sick of this shit! Gusto niyo pala ng gulo!? Edi mag banggaan tayo dito!" I gritted my teeth.

UNDERWATER | They, are sick to humanity.Where stories live. Discover now