Chapter 13: Fallen Hero

4 1 0
                                    

SEBASTIAN BAYLAN

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SEBASTIAN BAYLAN

DALI-DALI kaming tumakbo. Nakita naming nagsilabasan na rin ang ilan sa mga taong nakasakay sa kanya-kanya nilang kotse, at nagsimula na rin tumakbo. Siguro naisip din nilang kapag mag stay pa dito ay maabotan lang sila ng zombies.

Kaya naman ang daming sasakyan ngayon ang naiwan dito sa gitna ng kalsada at parang nakatambak nalang.

Sumabay kami sa napakaraming taong nagtakbohan papunta sa malawak at mahabang bridge ng Marcos Bridge. Dito ay marami rin sasakyan ang nakatambak, kaya naman pahirapan na makadaan ang mga tao.

Nagtutulongan na rin kami para itulak ang mga kotse at nang makadaan kami.

Sa dami ng mga taong tumatakbo ngayon at iniisip ang kanilang buhay, ay hindi na rin naiwasan ang banggaan dahil sa pagtutulakan.

Kung bibilangin ay aabot sa libo ang mga tao dito, hindi pa kasali do'n ang mga natatanaw pa sa malayo.

Kaya naman sobrang sikip na sa daan at parang maubosan na kami ng hangin dito, tanging pawis at kaba sa dibdib nalang ang meron sa amin.


"Ahhhhh!!!"

Napalingon ako sa likod. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naipit ngayon si Mac sa gilid ng sasakyan dahil sa dami ng tao. "Shit..." bumalik ako, at kahit naitutulak na ako ng mga tao ay nagmatapang pa rin ako para makalapit kay Mac.

"Please lang, huwag kayo magtutulak—" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay naitulak na ako ng isa, kaya napasama ako ngayon kay Mac at naipit dito sa sasakyan, dumadaan pa sa gilid namin ang mga tao.

"Ate...tulong!!!" Sigaw ko.

Narinig 'yon ng mga kasama namin sa unahan. "Sebastian!" Sigaw ni Ate. Sinubukan nilang balikan kami. Pero naitutulak din sila ng mga tao.

"Huwag kayo magtulakan! Lahat tayo makakaalis dito!" Sigaw ni Steve, pero wala ni-isang nakinig. Kaya biglang pinaputok niya sa itaas ang baril. "Putang ina, ayaw niyo makinig!" Galit na siya.

Napukaw niya ang attention ng marami. Natigil sila at kahit papaano ay kumalma. Muli silang tumakbo at sa pagkataon na ito ay iniiwasan nila ang grupo namin na mabangga.

Nakalapit na sa amin ang mga kasama namin at dali-dali naman ako niyakap ni Ate Hazel. "Ayos ka lang?" She asked and I just nodded.

"Tara na, umalis na tayo." Steve said at muli kaming tumakbo.


"AAAAHHHHHHHHHHH!!! TULOONNGGGG!!!"

Natigil kami nang marinig namin ang malakas na sigawan ng mga tao sa likod. Pagkalingon namin ay parihong nanlaki ang aming mga mata. May mga zombies na ang umaatake at pinagkakagat ang mga tao sa likod.

"TAKBOOOO!!!" Sigawan ng mga taong kasama namin dito, nagpatuloy din sa pagtakbo ang mga nasa unahan.

"Maiipit tayo sa dami ng tao," Steve said. "So what's the plan?" Mac asked. Napalingon naman si Steve. "Sa itaas tayo ng kotse."

UNDERWATER | They, are sick to humanity.Where stories live. Discover now