KABANATA 8

317 14 28
                                    

Wala pang bukang liwayway ay gising na ang diwa ko. Hindi ako makatulog ng mahimbing sapagkat iniisip ko parin ang aking natuklasan at ang lumalalim kong pag-tingin kay Padre Burgos.

Ngayong napatunayan ko na ang aking hinala na totoo ngang nasa panahon ako ng GomBurZa, paano ko mababago ang kanilang kapalaran? Hindi ko kakayanin panooring mamatay ang aking iniibig ng wala akong ginawa upang iligtas siya.

Huwag kang mag-alala, Padre Burgos. Sisiguraduhin kong mabubuhay ka kahit ano man ang kapalit nito.

Nagbihis na ako sa aking kasuotan kahit na sobrang aga pa. Isinuot ko ang ang murang kayumangging (beige) baro't saya na ipinamana sa akin ni Madre Helena. Isinuot ko rin ang kuwintas na bigay ni Padre Burgos. Ang kati talaga ng damit nila.

Naisipan kong mamalengke upang maipagluto ko si Padre Burgos at ang mga madre sa kumbento. Kinuha ko ang basket sa may kusina at sinimulan ang lakbay tungo sa merkado.

Sa aking paglalakbay tungo sa merkado ay aking nakasabay si Corazon na siyang mamimili rin ng mga sangkap at rekado.

"Ano kaya ang masarap na putaheng ihahanda ko kayla Padre Burgos at mga madre?" Pagtatanong ko sa aking kaibigan.

"Masarap ang Adobo, hindi rin nasisira agad kaya ayos lamang kung hindi makain agad." Mungkahi ng aking kaibigan. Namili ako ng mga sangkap para sa adobo, madali din itong lutuin kaya tama lang ito.

Naglibot pa kami ng Corazon at magkuwentuhan nang may nakita akong suman. Bigla kong naalala si Padre Burgos kaya bumili ako ng isang tali, baka kasi hindi pa ubos ang binigay ko sa kaniya kahapon.

"Kaibigan, pansin ko lamang na lagi mong naaalala si Padre Burgos. Ano ang dahilan?" Nagtatakang tanong niya. Pinag-isipan ko muna kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo o hindi.

Kaibigan ko rin naman siya kaya napagtanto ko na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko para sa Padre. Tiyak na ikagagaan rin ito ng aking loob.

"Ano kasi, Corazon..." Mabagal at putol kong sambit sa kaniya. "Gusto ko si Padre Burgo-" "HUH?!?" Hindi pa tapos ngunit napasigaw agad siya sa aking sinabi. "Ano?!? Gusto mo si Pad-" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin sapagkat tinakpan ko kaagad ang kanyang bibig.

"Shhhh huwag kang maingay!" Bulong ko sa kaniya. Tumango naman siya ay pinakawalan ko siya. Bakas pa rin sa mukha niya ang gulat na nadama. "Matalik kong kaibigan, paumanhin ngunit nahihibang ka na ba?" Tanong ng aking kaibigan habang siya ay kinikilabutan.

"Biglaan ko lamang nadama ang bugso ng aking damdamin. Nagising na lamang ako isang araw at napagtantong mahal ko siya." Malungkot kong tugon. "Ang hirap magmahal ng taong imposible kang mahalin pabalik, Corazon." Mangiyak-ngiyak kong pagpapatuloy.

Hinagod ni Corazon ang aking likuran at niyakap ako gamit ng isang kamay sapagkat may dala siya sa kabila. "Kung ipauubaya sa akin ang puso ng padre, imposible rin na magkatuluyan kami sapagkat isa siyang pari." Pagtatapos ko.

"Magiging ayos din ang lahat, Callista. Bakit hindi mo sabihin ang nararamdaman mo sa kaniya?" Tanong ni Corazon. "Ayokong lumayo ang loob niya sa akin." Pag-amin ko sa kaibigan.

"Halika! Tumingin tayo ng mga bulaklak nang gumaan ang iyong pakiramdam!" Masayang aya sa akin ni Corazon bago ako hilahin tungo sa nagtitinda ng mga bulaklak.

Malalaman ko kaagad na malapit kayo sa tindahan nito dahil sa mabangong amoy ng mga ito makukulay din ang mga bulaklak kaya agad mo itong makikita. Ang daming mga uri nito!

Mayroong mga sunflowers, dahlias, roses, chrysanthemums, orchids at marami pang iba. Ang pinaka pumukaw ng paningin ko ay ang mga sunflowers dahil sa tingkad ng kulay nito. "Anong bulaklak ba ang iyong paborito?" Tanong ni Corazon sa akin habang tumutingin siya ng mga sariwang bulaklak.

Te Amo | Jose BurgosWhere stories live. Discover now