KABANATA 17

107 11 9
                                    

Maaga akong nagising dahil naalala ko ang sinabi sa akin ni Padre Burgos. Maaga na din akong magbihis at nag-ayos. Ang aking buhok ay nakalugay, suot ang hikaw at kuwintas na bigay sa akin ni Jose. Pinalitan ko rin ang punda ng higaan at unan dahil hindi naman na ako dito manunuluyan.

Tumungo ako sa hardin ng simbahan, mukhang mahimbing pa ang tulog ng mga padre dahil ako pa lamang ang gising. Diniligan ko ang mga bulaklak sa hardin, sa aking pagkakaalam ay si Padre Gomez ang namamahala dito. "Magandang umaga, binibini." Maligayang bati sa akin ni Padre Burgos mula sa aking likuran. Humarap ako sa kaniya at bumati rin. "Magandang umaga, Jose."

"Tila ang agang nagising ng iyong diwa." Sambit ni Padre Burgos. "Ah, may iniisip lamang." Wika ko sa kaniya. "Mabuti pa ay tulungan mo akong magluto ng umagahan." Masaya kong wika. Sinusubukan ko rin ibahin ang usapan, ang totoo niyan ay hindi ako mapakali sapagkat papalapit na ang buwan ng Pebrero.

"Ano naman ang ating lulutuin, Callista?" Tanong sa akin ng pari. "Magluluto tayo ng pancake, Jose." Napalitan ng pagtataka ang ekspresyon ng kaniyang mukha na dahilan upang ako'y matawa. "M-mahal, anong uri ng putahe ang p-pankeyk?" Tanong niya sa akin habang may 'di maipaliwanag na ekspresyon sa kaniyang mukha. "Basta, sundan mo na lamang ako sa kusina." Natatawa kong sambit sa kaniya.

Mabilis akong naglakad tungo sa kusina ng kanilang tinutuluyan, kasunod ko si Padre Burgos na labis pa rin ang pagtataka. Nang makarating ako doon ay kumuha ako ng malaking mangkok at tinidor. Wala pa kasing whisk sa panahong ito. "Padre Burgos, maaari mo ba akong bigyan ng harina at asin?" Tanong ko sa pari. "Sandali lamang." Wika niya bago tumungo sa ibang parte ng kusina upang hanapin ang mga ito.

Ako naman ay naghanap ng tasa, dalawang itlog, at gatas. Nang makahanap ako ng tasa sa isang kabinet na mataas, napagtanto kong hindi ko ito abot sapagkat masyado itong mataas. Sinubukan ko nang tumingkayad ngunit hindi ko pa rin makuha. Nagulat na lamang ako nang may kamay na umabot nito para sa akin habang ang isa pa niyang kamay ay nakahawak sa aking baywang sakali mang mawalan ako ng balanse. "Mahal, sa susunod na kailangan mo ng tulong, tawagin mo lamang ako. Maaari mong ikapahamak ang ginawa mo, paano na lamang kung nahulog iyan sa iyo?" Nag-aalala niyang pangaral.

"Pasensya na, Jose. May inutos na kasi ako sa iyo kaya nahiya na akong mag-utos muli." Nahihiya kong sambit. "Callista, ngayon ka pa ba mahihiya sa akin? Ngayon pang nahalikan na kita?" Nakangiting wika ng pari. Namula ang aking mukha sa kaniyang tinuran. Nanumbalik sa aking ala-ala ng mga naganap sa Bagumbayan. Natawa na lamang siya nang napagtantong namumula ang aking mukha.

"Ano pang mga sangkap ang iyong kailangan?" Tanong ni Padre Burgos. "Dalawang itlog at gatas, Jose." Wika ko sa kaniya. "Mhm" Huni niya habang nag-iisip. Bigla na lamang siyang naglakad tungo sa isa pang kabinet at pagbukas niya rito ay tumambad sa kaniya ang mga bote ng gatas at itlog. Kumuha siya ng isang bote ng gatas at dalawang pirasong itlog. "Sapat na ba ang gatas na ito, binibini?" Tanong niya sa akin. Tumango ako at kinuha ito mula sa kaniya. Sinenyasan ko siya na sumunod sa akin.

"Ano ba ang iyong lulutuin? Tila hindi ko pa naririnig at natitikman ang putaheng iyan." Wika ni Padre Burgos sa akin. "Kung gayon, matitikman mo na ito." Natatawa kong sambit dahil bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagtataka.

"Una ay kailangan natin ng isang tasa ng gatas." Sambit ko habang naglalagay ng gatas sa tasa. Nang sumakto ito ay ibinuhos ko ito sa malaking mangkok. "Sunod naman ay ang dalawang itlog." At binasag ang dalawang itlog nang dahan-dahan upang hindi magkaroon ng balat ng itlog ang aking itinitimpla. "Pagkatapos ay lagyan natin ng kaunting asin." At ginawa ko ang aking tinuran. "Panghuli ay ilalagay na natin ang harina, kasing dami dapat ito ng ating gatas." Wika ko habang nilalagay ang harina sa mangkok.

"Ngayon ay atin itong hahaluin." Sambit ko. Kinuha ko ang tinidor at inabot ito kay Padre Burgos. Kinuha niya ito mula sa akin at dahan-dahang hinalo ang batter ng pancake. "Siguraduhin mo lamang na walang maliliit na tipak." Nakangiti kong bilin sa kaniya. Ako naman ay tungo sa may sinaunang kalan, hindi ko maalala ang tawag dito, basta ginagamitan ito ng kahoy, iyon na yon! Bahala na kayong isipin kung ano iyon!

Te Amo | Jose BurgosWhere stories live. Discover now