Second - See You Again

2.3K 83 2
                                    

King's POV



"Tao po! Tao po!" kumatok ako at nagdoorbell kela Freya.



Hindi ako titigil dito hangga't hindi siya lumalabas. Nasasabik na kong malaman ang mga kasagutan niya sa lahat ng katanungan ko.




Lumabas na si Freya matapos ang limang doorbell ko. "Oh, King! Long time no see ah."




Ngumiti ako. "Oo nga. Long time no see."




"Halika, pumasok ka muna." pinapasok niya ko sa bahay nila at pinaupo sa sofa nila.




"Bakit ka nga pala naparito?" tanong niya.




"May itatanong lang sana ako."




"Tungkol saan?"




"Tungkol kay Reyna." nagbago ang mukha niya. Naging seryoso.




"Sandali, kukuha lang muna ako ng makakain natin."




Bakit parang kinakabahan ako sa mangyayari mamaya? Kinakabahan ako sa mga isasagot niya. Makalipas ang ilang minuto, dumating na siya na may hawak na tray.




Nilapag niya na yung tray na may 2 juice at sandwiches. Kumuha ako ng sandwich dahil gutom na ko.




"What's about Reyna?" tanong niya.




"May balita ka na ba tungkol sakaniya matapos ang aksidente?" tanong ko. 




"Seriously, nawalan na ko ng communications sakanila." Wala rin pala akong mapapala dito eh. Mukhang hindi rin masasagot yung mga katanungan ko.

Who's My Queen? (KathNiel)Where stories live. Discover now