Twenty Fifth - First Date

783 28 2
                                    

Queen's POV


"Gusto mo magmall?" tanong sakin ni King. Tumango nalang ako bilang sagot at naglakad na kami ng sabay. "Lakad lang tayo, ha." sabi niya pa.


"Si Reyna, she changed me." tumingin siya sakin habang nakapamulsa siyang naglalakad. "What do you mean?" tinaasan ko siya ng kilay.


"Basagulero ako dati. Pero simula nung nainlove ako sakaniya, binago ko na ang sarili ko unti-unti hanggang sa maging kami. Siya ang nagpabago sakin." tumingin ulit siya ng diretso sa daan. "Umabot kami ng 2 years hanggang sa isang aksidente. Aksidenteng nakatalaga sakin.. pero sinagip niya ang buhay ko. And that's the reason kung bakit siya nagkaamnesia. Sinagip niya ang buhay ko." tumingin ako sakaniya. May tumulong luha sa isa niyang mata. "At dahil dun, hanggang ngayon hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko." hinimas-himas ko yung likod niya kaya nginitian niya ko.


"Hayaan mo, poprotektahan kita." inakbayan niya ko kaya mas napalapit ako sakaniya. Niyakap ko nalang yung likod niya. Human belt, kumbaga.


"Now I know kung bakit ganun yung nireact mo when we met at the elevator before." I giggled. "Sobrang nagulat lang ako that time kasi nga ang alam ko, patay na si Reyna. Yun pala ikaw yun." tumawa siya. "Nakakahiya."


"By the way,  why did you say that Reyna was dead?" inangat ko ang ulo ko para makatingin sakaniya. Tumingin naman siya kaya di ko inexpect na ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Ngumiti siya at umiwas din agad ng tingin kaya yun din yung ginawa ko. Kumalma yung puso ko. "Yun din ang akala ko."


"Sabi ni Freya, wala na daw siya kaya yun ang pinaniwalaan ko. Then I saw you. I confronted her kaya yun, umamin. Tapos hindi naman pala ikaw si Reyna." tumawa siya ng tipid. "Tanga."


"But atleast, you knew the truth. If you didn't saw me, maybe your still believe that my twin is still dead.." 


"Right. Thanks to you." tumingin ako sakaniyang nakatingin din sakin. Kaya ngumiti ako. ".. and also because of me, kaya naghiwalay kayo ng ex mo, right?" Ngumiti siya kaya ipinagtaka ko naman.


"Why are you smiling? Masaya ka pa na naghiwalay kayo, huh? Buang." sabi ko at umiling-iling.


"Hindi ako buang. Masaya ako kasi nag-iimprove ka na."


"Improving of what?" tinaasan ko siya ng kilay.


"Sa pagtatagalog."


"Ohhkay." naging awkward ng magkatitigan kami. 


*dug dug dug*


Umiwas na ko ng tingin. "Tara na, gutom na ko." hinatak ko siya papasok sa mall.


Hininto niya ko sa paghila sakaniya kaya napahinto siya. "Gutom ka nanaman? Kakakain lang natin ah." 


"What will were going to do here?" tanong ko pa.


"Movie date. Game?" dahan dahan akong ngumiti.


"Game!" hinatak ko na ulit siya papuntang cinema.


Bumili ako ng tickets dahil ako na daw ang bahala kung ano panonoorin namin at siya naman ang bumili ng pagkain namin.


20 minutes nalang, mag-uumpisa na yung movie kaya pumasok na agad kami.


Bumili siya ng isang malaking box ng popcorn. Sweet, ha. At tig-isang coke kami.


Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon