Twenty Sixth - Ice cream

744 28 2
                                    

King's POV


Nakalabas na si Reyna ng ospital makalipas ang limang araw.


Kasalukuyan akong nagbibihis na dahil nag-aaya ng date si Prince. Crush ako eh. Hahaha!


Nagsuot lang ako ng V-neck na black at hoodie, ripped jeans at black na vans.


Tinaas ko yung buhok ko at nagpabango. Tumingin ako sa salamin.


"Ang gwapo mo talaga! Maiinlove lalo sayo si Prince." Sabi ko sa salamin at tumawa.


Lalabas na ko ng kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay may nakasalubong akong mga unggoy.


"Oy pare! San burol?" Tanong ni Nike. Binatukan naman siya ni Maxx. "G*go! Makikipagdate yan kay Queen, for sure."


"Eh kung ganun.." lumapit si Nike kay Maxx at may binulong. Tumawa silang dalawa at nag-apir. "Oo nga! Oo nga!" Sabi ni Maxx.


"Ayos diba? BWAHAHAHA!" Tumawa si Nike na parang demonyo.


"Bagay sayo." Sabi ko. "Tabi nga. Malelate pa ko eh." Tinabig ko sila at nilagpasan sila.


Pansin kong sumunod sila sakin kaya sinabayan ko na sila. "Alam niyo, alam ko yang binabalak niyo. Masyadong halata." Di ako tanga para hindi malamang susundan nila ko. Edi sumunod sila, hindi naman ako makikipagdate kay Queen eh. Si Prince kadate ko eh. Hehehe.


"Bakit nga pala kayo nangapitbahay kanina?" Tanong ko habang naglalakad kami ng sabay.


"Bawal?" Tanong niya.


"May sinabi?" Pambabara ko.


"Ul*l." Sagot niya. Barado eh.


"Pakyu. Bakit nga?" Tanong ko pa.


"Wala. Boring lang sa bahay." Sabi ni Nike at hinawakan ang batok niya habang naglalakad.


"K." Sagot ko at naglakad habang nakapamulsa.


"Yak. Nakakabading." Tinulak ako ni Maxx. Nahulog ako sa gater at muntik nang mahulog sa kanal yung sapatos ko.


"Pakyu." Sabi ko sakaniya at tinaas yung middle finger ko.


Umakyat ulit ako at napansing may jebs sa baba.


Lagot ka sakin Maxx.


Naglalakad lang kami habang ako nakatingin sa baba.


Tinulak ko siya palapit dun sa jebs kaya naapakan niya. "Uy jackpot!" Sabi ko at tumawa.

Who's My Queen? (KathNiel)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora