Chapter XVI

241 16 4
                                    

"HAVE a sit, Ms. Herdoniez," nakangiting inimuwestra ni Sir Cosmos sa akin ang bakanteng upuan sa bandang kanan nito.

Nagulat pa ako ng makita si Emman Guillier na nakaupo sa bandang harapan ko. Nakatitig rin ito sa akin na para bang nabigla rin na nakita ako. Hindi ko naman ipinahalata iyon at naupo na rin. Iniiwasan ko ring mapatingin sa unahan kahit na ramdam ko ang pares ng dalawang mata na kanina pa nakamasid sa akin simula nang pumasok ako.

"We have a total of 145 new models and they're currently in Singapore right now having their first fashion show," pagsisimula ni Sir Cosmos.

Tahimik lang naman akong nakikinig sa kanya. Naka-focus lamang ako sa unahan kahit harap-harapan ang paninitig sa akin ng walanghiya. Lihim akong napairap at pinakalma ang sarili.

"We also have some new designs made by our company designer team. Aside from engaging in fashion and modeling, we also produced many designs and styles for furniture and anything about roto moulding," dagdag pa ni Sir Cosmos.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang dahan-dahang pagtango ni Ziann habang mariin pa ring nakatitig sa akin. Wala ba talagang hiya sa katawan ang lalaking ito? Kung makatitig kasi ay tila ba may masama akong ginawa sa kanya at para bang anytime ay mawawala ako na parang bula.

"That actually sounds good, Mr. Cosmos. My brother , Zionn, is currently building a new five star hotel there in Batangas. I'm looking forward to seeing the designs that will suit our newly built project, especially the designs made by Ms. Herdoniez..." malalim at seryosong saad nito na hindi man lang inaalis ang mata sa akin.

Pinagpawisan naman ako bigla ng marinig ang sinabi nito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung sino sa aming dalawa ni Peighton ang tinutukoy niya.

Gaga! Malamang ikaw ang tinutukoy ng kumag na iyan! Ikaw lang naman ang Herdoniez na narito at nagtatrabaho sa kompanyang ito, Leigh!

"Sure, Mr. Montallejo. But aside from the designs of Ms. Herdoniez, you can also try to look for the designs made by our other designer," nakangiwing suhestiyon ni Sir Cosmos habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Ziann Montallejo.

Nagyuko na lamang ako upang iwasan ang nang-iintrigang tingin ng mga ito. Walang imik namang nakikinig ang ibang kasali sa conference meeting na iyon.

Kung pwede lang kainin na lamang ako ng lupa ngayon din dahil sa labis na pagkailang.

"Of course, Mr. Cosmos. But I only want the design made by Ms. Herdoniez," mariing saad nito habang titig na titig sa akin. Doon lamang ako nag-angat ng tingin at buong tapang na sinalubong ang malamig nitong mga mata. His tantalizing ash gray eyes that makes me admire him before. Malaki talaga ang pagkakahawig nila ni Zionn but there are some features in him na wala sa kakambal nito.

At habang nakikipagpalitan ako ng seryosong tingin sa kanya, parang nakikita ko sa mukha nito ang kambal, dahilan kung bakit unti-unting nangunot ang noo ko. I saw him smirked, at tila ba alam nito kung anong tumatakbo sa utak ko.

D-mn you, Ziann Montallejo!

"If so, Ms. Herdoniez can send you her portfolio personally, or maybe she can send it to your secretary through gmail. What do you think, Ms. Herdoniez?" baling sa akin ni Sir Cosmos.

Napilitan naman akong magbawi ng tingin at tipid na tinanguhan si Sir Cosmos bago matapang na sinalubong ulit ang mariing titig ni Ziann. "I can send my portfolio through gmail, Mr. Montallejo. As you can see, I still have a lot of work to do, and if I have free time, I can talk to your secretary—"

"I don't have a secretary," pagputol nito sa sasabihin ko. Napaangat naman ang kilay ko sa sinabi nito. Wala siyang secretary? Pinagloloko niya ba ako?

"So, I will talk to your brother instead?" pagkumpirma ko pa. Nakita ko naman ang pag-igting ng panga nito habang titig na titig sa akin. Hindi ko talaga maintindihan kung anong tumatakbo sa utak ng lalaking ito.

Hiding the Bad boy's Twin Son (Montallejo #2) | Ongoing Where stories live. Discover now