Chapter XXV

100 6 2
                                    

HINDI muna kami umuwi sa Batangas at mas napagdesisyunan kong sa Laguna dumiretso kung saan dinala si daddy. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko dahil tiyak na naroon din si mommy at Peighton.

It's really disappointing to know that they didn't even inform me about what happened to dad. Sa ibang tao ko pa talaga nalaman ang totoong nangyari. I also received a message from Viann telling me what happened to my father. I even checked my inbox if there's a message from my mom and my twin, but none.

Ganito ba talaga ang turing nila sa akin? It's as if I'm not a part of their family. Hindi naman ako anak sa labas para itrato nila ng ganito.

Bakit? May anak ba sa labas na halos pinagbiyak na bunga lang kami ng kakambal ko?

I sighed deeply. Mukhang napansin yata iyon ng katabi ko dahil napalingon ito sa akin. Iniwasan ko ring mapatingin sa kanya kaya pasimple ko lamang siyang tinititigan sa peripheral vision ko.

"Are you really okay? Namumutla ka," seryosong saad ni Ziann nang huminto na ang sasakyan sa harapan ng Skyline Hospital. Dito raw dinala si daddy kagabi ayon pa sa kanya. Tipid lamang akong tumango at saglit na sinulyapan ang dalawa na hanggang ngayon ay natutulog pa rin sa may backseat .

Hindi na ako nagpaalam pa at bumaba na ng sasakyan. Mas mabuti kung ako nalang ang papasok sa loob dahil ayokong makita kami nila mom na magkasama. I know that Ziann wants to come with me pero walang magbabantay sa kambal.

It's not like I also want him to be with me. Kaya ko namang hanaping mag-isa ang room ni daddy.

"Good afternoon, ma'am," magalang na bati sa akin ng receptionist ng hospital.

Ngumiti naman ako. "Pwede ko po bang malaman kung anong room number si Anton Herdoniez?"

"Okay po, ma'am, just wait lang po." Tumango lamang ako sa receptionist. Hindi ako mapakali at pasimple kong kinukurot ang palad para lamang libangin ang sarili.

"Room 036 po, ma'am," kapagkuwan ay sagot nito. Mabilis naman akong nagpasalamat at halos patakbong hinanap ang room nito. Nagpasalamat naman ako dahil hindi ako nahirapan sa paghahanap. Subalit nang nasa harapan na mismo ako ng pinto ay bigla akong natigilan. Mariin kong nakagat ang labi ko dahil sa sobrang kaba.

Papasok na ba ako? What if nasa loob si mommy at ang kambal ko?

Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago naisipang pihitin pabukas ang doorknob at pumasok sa loob. I saw mom and dad. Bigla naman silang natigilan sa seryosong pag-uusap nang makita ako.

Agad kong nahalata ang galit sa mga mata ni mommy pero pilit ko na lamang itong inignora at nag-focus sa isang taong ngayon ay awang ang labing nakatitig sa akin.

"L-Leighton?" Halos rinig ko ang bahagyang pagkabasag ng boses ni daddy. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at patakbong lumapit sa kinahihigaan niya at mahigpit siyang niyakap. Sunod-sunod rin ang pagtulo ng masaganang luha sa magkabilang mata ko. Naninikip ang dibdib ko at mas lalo pa akong napahagulhol ng maramdaman ang mararahang haplos nito sa buhok ko.

Na-miss ko siya. Sobrang na-miss ko si daddy. Kung may isang tao man ang kaya akong paiyakin ng ganito, si daddy iyon. Siya lang naman ang laging kumakampi sa akin. Siya lang naman ang pilit akong iniintindi kahit noong mga bata pa kami. Siya ang savior ko dati every time na pinapagalitan ako ni mommy dahil lamang hindi kami magkasundo ni Peighton.

"I m-missed you, d-dad..." Mas lalo ko pang ibinaon ang basang mukha ko sa tiyan ni daddy. Natawa naman ito pero patuloy pa rin sa paghaplos sa buhok ko.

"I miss you too, hija. Nag-alala kami ng mommy mo sayo. Hindi na kita nagawang pigilan dati noong napagdesisyunan mong umalis ng bahay," malungkot na paliwanag sa akin ni dad.

Hiding the Bad boy's Twin Son (Montallejo #2) | Ongoing Where stories live. Discover now