Biggest what if

2 0 0
                                    

Nanatili akong nakaupo sa isang bench dito sa Amusement park. Nakapagpaalam naman si Maviel kay Tennyson na lumabas sila ni Henry para  pumasyal kasama ako.  Halos nasakyan na lahat nila ang nga rides pero hindi na ako sumama sa kanila sa pagsakay sa rides dahil bigla nalang akong nakaramdam ng panghihina sa loob ko.

What if naging kami ni Maviel noon?

Paano kung hindi ko sinunod ang pamilya ko?

Sigurado ako na may sarili na kaming pamilya ni Maviel ngayon.

Hindi ko pwede sundin ang gusto ng puso ko dahil may asawa na ako. At lalong hindi ko pwedeng pilitin si Maviel dahil alam ko na pinagbantaan siya ng magulang ko noon.

Napakalaking kasalanan parin iyon na nagawa ng nagulang ko sa kanya. At hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa sakit na naidulot nito sa kanya.

*****

Pagdating ng gabi ay pumunta na kami sa isang restaurant  at tahimik lang siya na kumakain kasama si Henry. Dinamihan ko na ang order para may maiuwi ako mamaya dahil tumawag si Chynna at nag-request na kumain kami ng sabay pag-uwi niya.

"Let's eat together later. See you, take care."  Ibinaba na niya ang tawag at nahuli ko si Henry na nakatingin sa akin.

"Are you talking to your wife? Does that mean you are married? I thought it was your sister who was with you at the hotel." Isinubo ni Maviel ang isang piraso ng manok sa bibig ni Henry.

"God! Henry. I told you not to meddling in the conversation of the elders." Napaubo ako dahil sa sinabi ni Maviel. Ramdam ko nag malamig na tubig na natapon sa damit ko.

"Elders? Mukha ba akong matanda sa paningin mo?" Nakakunot noo na tanong ko kay Maviel habang natataranta rin ito sa pagkuha ng tissue para punasan ang damit ko.

"Excuse me? May narinig ka ba na reklamo sa akin kanina nang sabihin mo akong fairy god mother ako!" Dumiin ang pagpunas ni Maviel ng tissue sa dibdib ko na parang idinaan niya rito ang inis na nararamdaman niya.

"You look so sweet. You two are perfect."

Nahuli ko na nanlaki ang mata niya at napatingin sa akin. Mabuti nalang ang naka-itim ako na shades at wala siyang ideya na kanina ko pa siya tinititigan.

"Children don't lie." Mahina kong sabi at napansin ko nag pamumula ng pisngi niya.

I want to go back to the time when we can still do things without anyone stopping us.

Umayos na siya ng tayo at tumabi muli kay Henry.

"Finish your food and we will leave."



*****

Bumalik na sa kami sa hotel. Sa pagod sa pamamasyal ay nakaramdam na ng antok si Henry. May mga bitbit pa ng mga bagong bili na laruan ang bata kaya hindi na kaya pang buhatin ni Maviel ito.

"Ako na ang magbubuhat sa kanya." Hindi ko na siya hinayaan pa na makapagsalita dahil kinarga ko na si Henry. Nasa 29th floor pa ang room nila kaya may ilang minuto pa kaming nasa loob ng elevator.

"Is this your job after graduation?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.

"Raket lang. Kailan ko lang ng extra income," sagot naman nito. Mahabang katahimikan ang nangyari hanggang sa makarating nankami sa floor at kwarto nila. Hinatid na niya ako sa labas matapos kong maihiga si Henry sa kama.

"Magpahinga ka na rin. Salamat sa time." Tinalikuran ko na ito at lumabas ng room nila.

Nasa tapat na ako ng elevator nang may nag-press ng button sa gilid ko, sakto na bumukas ang pinto at marahan niya akong pinapasok sa loob.

"Teka... Anong ginagawa mo? Paano si Henry."

"Ihahatid lang kita, sandali lang naman. Nag-aalala ako baka..." Nahuli ko ang sarili ko na napangiti. Sobrang miss ko na siya.

"Akala ko galit ka dahil sa pang-aasar ko sayo."

"We are no longer young para mapikon sa pang-aasar. Just a little bit annoyed." Hindi niya malaman kung saan siya titingin.

"Yeah. Sorry for that." Buong sensiridad kong sabi.



"Sorry kung sa kakulitan ni Henry. Naistorbo ka pa namin sa condo mo, dapat nagpapahinga ka." Sandali siyang tumingin sa akin pagkatapos ay umiwas na naman ito.

"It's fine with me, no problem." Inayos ko ang shades ko dahil pinagpapawisan ang mga mata ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Bakit ba ako naiiyak!

Ilang floors nalang at titigil na ang elevator. Naglakas loob ako na harapin ito. Bakas na bakas ang pagkagulat niya dahil sa pagkilos ko.

"Before this day ends, I want to say that...I miss you."

#

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jun 12 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Car Outside (Ongoing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora