14

1.2K 70 100
                                    


Alice's Pov

Pag mulat ng aking mga mata ay natagpuan ko ang sarili ko sa ospital. Ospital ng PBG,

Nilibot ko ng tingin ang buong kapaligiran at nakita ko si Danica na naka tingin sakin.

naka higa ako sa kama at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng ospital ng ahensyang kinabibilangan ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


naka higa ako sa kama at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng ospital ng ahensyang kinabibilangan ko.

"Kamusta? inatake ka na naman sabi ng body guard mo, nakita ka na lamang nilang walang malay sa sahig." aniya at napapikit na naman ako.

Ramdam ko ang benda sa kamay ko. "Hindi ko alam kung kelan matitigil ang nangyayare sakin." sagot ko at naramdaman ko naman ang pag hawak ni Danica sa kamay ko.

"Kailangan mong maging malakas, lalo na at nariyan na ang nanay mo. Hindi ka pweding maging mahina sa harapan nya." Aniya at naramdaman ko naman ang pag pisil nya sa kamay ko.

Natapos ang araw at kinagabihan ay nag asikaso na ako pagkat mag kakaruon kami ng pag pupulong.

Kinabukasan ay nanatili ako sa manila upang asikasuhin ang mga papeles ko. kasalukuyan akong nanatili kasama ni Danica sa kanyang Condo unit.

Lumipas ang oras at nakita ko ang pag pasok ni Danica sa kwarto ko. "Mag bihis ka."

"Why?" tanong ko sabay angat ng aking salamin na medyo bumaba.

"we'll eat dinner outside." Aniya at sumandal sa pinto.

"Wag na I'll cook for you."

"No way! the last time you cook at my kitchen muntikan ng maging abo ang lahat ng gamit ko, Can't believe na inaakala ng mga taga hanga mo na magiging maganda kang asawa no way!" sigaw nya at napa tingin naman ako sa kanya.

Punyeta naman oh

"Wag ka OA! sige na lalabas nako, mag aayos lang." sagot ko at nakita kong siniringan ako ni Danica.

tch palibhasa walang love life

tch meron kaba? bulong ng aking isipan.

mabilis akong naligo at nag suot ng mahabang dress na kulay pink. Pinaresan ko naman ito ng tyinelas lamang pagkat mas komportable ako.

Pag labas ko sa silid ay handa na si Danica na animoy may pinag luluksaan, All black at naka shades pa.

"Diba gabi? bakit naka shades ka?"

Mabilis naman nya itong tinanggal at tinarayan ako.

"Alam mo ikaw nakakabawas ka sa kaastigan ko."

"Anong kaastigan? ang sabihin mo mayabang ka." napantastikuhan syang napa tingin sa akin.

"Hindi yan ang inaasahan kong sasabihin mo, akala ko pa naman ay pupurihin mo ako"

"Edi lalo kang yumabang?" tanong ko at nakita ko ang mayabang nyang pag sandal sa sofa habang maagas na naka tingin sakin.

ILLICIT AFFAIR Where stories live. Discover now