12

122 10 0
                                    

JADE'S POV

After the concert ay niyaya ko ang lahat ng kaibigan ni Stacku para sa isang dinner.

Kasama din namin ang mga magulang namin sa selebrasyong ito at tuwang tuwa naman ang mga nanay namin dahil hindi daw nila expect na mahal na pala namin ni Stacku ang isa't isa.

Sino ba namang maniniwala diba? Salungat na salungat ang gusto naming dalawa. Magkaiba rin ang ugali namin. Kaya walang maniniwala na nahulog kami sa Isa't isa ng ganoon kalala.

Napag kwentuhan namin iyon habang nasa hapagkainan kami. Sa kanila kase kami nakakasama habang ang mga kaibigan ni Stacku ay nasa kabilang mesa. Nang magpaalam sila ay tyaka naman kami lumipat sa kabila.

"Kamusta kayo dito?" Tanong ni Stacku sa mga kaibigan nya

"Ayos lang. Kahit nga hindi na kami kasama sa ganitong okasyon ehh. For family nalang dapat" sagot nung isang Doktor na Ck ata ang pangalan.

"No, this is my way to say thank you na rin sa inyo. Hindi mangyayari lahat ng nangyari kanina kung hindi dahil sa tulong nyong lahat" turan ko naman

"Ehhh si Ate Thea lang naman ang nakausap mo ehh." Sagot naman nung Brielle

"Pero kayo ang tumulong kay Althea para naman sa Girlfriend nya. Kung hindi sa tulong nyo hindi parin sila ayos hanggang ngayon. Nga pala. Umm Maureen Right? Sorry for the unexpected happenings these past few days. Pasensya na kung napagselosan mo pa ko dahil ginawa kong aksyon. Don't worry hindi na mauulit"

"Ayos na yun, nalinawan naman na rin ako. Sorry din kase naging masama ang naisip ko ng marinig ko yung pangalan mo kay Ai."

"So ano? Friends?" Alok ko pa sa kanila

"Friends" tinanggap din niya ang pakikipagkamay ko.

"Siya lang?" Sabat naman ni Brielle

"Syempre sa inyo na rin. Yun ay kung pwede ako sa grupo nyo. Lalo na doktor kayo lahat tapos sisingit ako sa inyo"

"Nahh, basta kaibigan o jowa ng kaibigan ng isa man sa amin, kaibigan na rin namin. Wala naman sa profession yun ehhh." Turan naman ni Doc Ck

"Kumakanta din yang si Doc CK " sabat naman ni Stacku habang si Ck naman ay pinandilatan sya

"Weh? Edi goods may makakajamming na ko. Even Althea is a good singer"

"Ayy hindi, mas paniniwalaan ko pang si Brielle at Mauie ang magaling dyan" awat naman ni Althea sa sinabi ko

"Pati nga si Stacku ehh kumakanta"

"Hoy! Paano mo naman nasabi?"

"Baka nakakalimutan mo na magkapitbahay lang tayo. Sa bahay man or sa Condo at sa tuwing nasa Balcony ka dinig na dinig doon ang boses mo"

"May tinatago ka rin palang boses Stev"

"Pang banyo lang ako no. Wag nyo ko idamay sa inyo"

"Sabagay narinig ka na rin naman namin noong medical mission" turan naman ni Mauie

"Oh? May medical mission kayo?"

"Oo kailan lang nagstart. Naging panata na namin yun na every month kahit isang beses lang kada buwan magsasagawa kami ng ganoon" si Stacku ang sumagot

"Ang Idea yun ni boss" pagbibida naman ni Brielle kung kanino.

Sinong boss?

"I mean si Boss Ck. Sorry nakalimutan ko na bago ka lang pala hehe"

"Ayos lang atleast kahit papaano nakikilala ko kayo. Pero bakit boss? Diba magkakaibigan kayo?"

"Oh ayan sige magpaliwanag ka ngayon" asar pa ni Althea dito

Convincing JadeWhere stories live. Discover now