6

118 11 2
                                    

JADEN'S POV

After all ganap ay bumalik na ko sa condo. Hindi na ko nagtagal sa bahay nila mommy.

Noong meet and greet kase ay dinala ako ni Miss Jovs sa bahay. Celebrating New year daw. Huli na ng malaman ko kaya hindi na ko nakatutol. Baka rin kase pagalitan nanaman ako ni Miss Jovs kaya hinayaan ko nalang.

Habang sila ay nag eenjoy ako ay naka upo lang sa isang tabi at pinagmamasdan sila na nagsasaya. Bakit kaya nila nagagawa yun no? Hindi pa rin ba talaga sila nakakahalata na alam ko na? Bakit nagagawa nilang maging masaya kung may isang taong nagdurusa.

Panibagong taon nanaman ng pagdurusa para sa akin tong pumasok na taon.

Naging maganda naman din kahit papano. Dahil sunod sunod ang recording na pumasok pagdating ng taon. May mga new compost song naman ako at yun ang tinatrabaho namin ngayon.

Kung pansin ng mga nakakarami. Malulungkot ang mga kantang nagagawa ko. May mga love story din kaso hindi ko nilalabas. At inilalaan ko kase yun sa isang tao. Tyaka ko na ilalabas kapag maayos na ang sarili ko.

Nagkasagutan nanaman kami ni Stacku bago sya umalis. Hindi ko naman sinasadya yung mga sinabi ko. Siguro nga tama sya na paano nila ko maiintindihan kung hindi ko sasabihin sa kanila yung problema ko? Paano ako magiging buo. Kung ako mismo ayaw kong buuin yung sarili ko?

Noong celebration ng New year sa bahay gusto ko syang lapitan kaso nahihiya ako. Nahihiya ako sa kanya dahil napagsasabihan ko pa sya ng mga ganoong bagay. At nahihiya din ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon hindi ko pa maamin sa kanya yung tunay na nararamdaman ko.

Yes. I love my Bestfriend. Matagal na, bago ako humantong sa ganito gusto ko na sya. Kaya lagi akong naiinis kapag dinidiin nya sa harap ko na kaibigan lang ang turing nya sa akin. Isang kaibigan na lagi syang binibigyan ng sakit sa ulo. Isang kaibigan na hindi magawang magbago.

Hindi rin ako maka amin dahil nga noon ay tinataboy ko sya. At lalo ko syang minahal nung mga panahong hindi sya umaalis sa tabi ko at nakita ko ang pag aalala sa kanya.

Nagtataka din ako. Dahil magkasalungat ang mga gusto namin. Kung ako gusto ko ang red and black sa kanya naman pink na ayaw ko naman. Kung ako chill at introvert, sya naman ay extrovert. Kung ako ayaw ng kolorete sa katawan, sya naman napasobrahan sa kikay.

Pero tinamaan ni kupido ehh. May magagawa pa ba ko? Kaya inis na inis din ako ng sabihin nyang gusto nyang makipagkita ako sa kaibigan nyang Doctor na fan ko daw.

Alam ko na ang kasunod nun. She force me to entertain that girl at simulang i ship, lalo na sa lagay ko ngayon. Onting kilos lang gagawan ng isyu ng mga media.

Ngayon hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung anong dapat kong gawin.

Tama. Kailangan sila muna ang kausapin ko. Kung Hindi nila masabi sa akin siguro dapat ako na ang magsabi sa kanila.

Wala naman akong gagawin ngayong araw kaya nagpasya ako na magpunta sa bahay. Biglaan to dahil gusto ko ng magkaroon ng kasagutan ang lahat.

Kung bakit ako nagkakaganito. At kung bakit hindi nila sinabi sa akin?

Kinakabahan man ay nagtungo na ko sa bahay. Pagdating ay agad ko silang tinanong sa guard at sinabi nga na nandoon sila.

"Anak, buti umuwi ka? May kailangan ka ba? Kumain ka na ba? Umm sandali ipaghahain muna kita ahh" bungad ni mommy pagkakita sa akin.

"Hindi po ako gutom. Mamaya nalang po." Magalang na sagot ko kahit na ang lakas ng tibok ng puso ko. "Si d-daddy po"

"Nasa taas nag half day lang sya today. May kailangan ka sa kanya?"

Convincing JadeWhere stories live. Discover now