4

111 7 1
                                    

STEVIE'S POV

Anong oras na pero nandito pa rin sa condo ko itong babaitang to. After ng away namin at after nya kong i chat ay bumalik nanaman kami sa pagiging aso't pusa.

Hindi naman literal na nagbabangayan. May mga bagay lang na napakahirap intindihin sa babaeng to.

"Anon oras ka lilipat?" Tanong ko dahil inaantok na talaga ako

"Pinapalayas mo na ko?"

"Abay syempre. Hindi mo ba nakikita ang oras? Mag aalas dos na. May trabaho pa ko mamaya"

"Bakit hindi ka matulog?"

"Paano naman ako matutulog aber? Sabihin mo nga."

"Malay ko sayo"

"Ang ayos mo talagang kausap."

Inabala ko nalang ang sarili ko at nag ayos ng ref. Ito siguro ang dahilan nito kaya ito nandito.

Time na siguro para mag ayos ng condo.

Sinimulan ko nalang i defroze yung ref at tinanggal ang mga karneng naroroon. Sakto kase na kapapalengke lang nila mommy kahapon at pinadala dito. Sabi ko kase kay yaya na ako na ang mag aayos at ito na nga yun.

Habang hinihintay kong matunaw ang mga yelo sa freezer at inayos ko na ang bandang baba. Ilagay ko na yung mga energy drinks at iba pang inumin at pagkain. Candies at chocolates. Alam kase ni yaya na favorite ko ang gummies at chocolates kaya yun ang madami nyang binili.

Sa hospital si Doc Ck din ang nag sstock ng gummies sa office nya kaya minsan doon kami nakatambay ay nilalantakan ang gummies nya.

Itong kasama ko naman dito ang targer ay ang mga chocolate. Chocolate na yun ahh pero hindi ko sya nakikitang nagiging hyper.

Habang naglilinis naman ako ay bigla syang lumipat sa may mini counter bar.

"Bukas na yan. Matulog ka na" wika nya

Tinignan ko sya ng matalim

"What!?" Tanong pa nya

"Talagang sasabihin mo yan? Kung umuwi ka na, edi sana kanina pa ko tulog."

"Wala naman akong sinabing bantayan mo ko dito."

"Ayy wow. Nasa pamamahay pa rin kita. Ayokong maging bastos"

"I'm not your visitor"

"Ahh talaga?" Sarkastikong sagot ko pa. Naiinis na kase talaga ako. Wala akong maayos na tulog. Ayaw ko namang umuwi dahil magtataka sila kung bakit at paniguradong matatalakan nanaman ni tito si Jade..

Danas ko na yun ng ilang ulit. Naaawa na rin ako kay Jade dahil akala nina tito ay nagbago si Jade. Though yes. Nagbago nga sya. Hindi n sya yung Jade na nag approach sa akin noong mga bata pa kami. Pero sya pa rin yung Jade na kaibigan ko.

Lalo na wala namang nakaka alam kung napano ba talaga sya. Paano ko ba sya ma cconvince na sabihin yung  nasa loob nya? Ang hirap kase nyang kausap ehh.

"Tulungan nalang kita para makatulog ka na" tulad nito. Apakasuplado na nya sa iba pero heto sya. Tumutulong pa rin. Okay na sana ehh kaso.

"Baka bigla kang mamatay dyan ako pa sisihin mo. Multuhin mo pa ko" dagdag pa nya

Diba? Siraulo talaga kahit kailan.

Hindi na ko kumibo at nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. Tumulong nga sya. Sya ang naglagay ng ilang instant food sa may cabinet ko at tinanggalan ng plastic ang ibang drinks tulad ng Yakult at delight.

Inalis nya rin ang ibang namuong yelo sa freezer.

Mag aalastres na rin ng matapos kami. At sa wakas ay nagpaalam na rin syang lilipat na ng condo. Pero bago sya tuluyang lumabas ay may sinabi pa sya.

Convincing JadeWhere stories live. Discover now