06 - Cinderella-21 - Via; The fiancee [Sheryll Barredo]

197 1 0
                                        


             Ramdam niyang nakatitig sa kanya

ang matiim na mga mata ng lalaki na nakatutunaw-puso.

Sumasal ang pintig ng kanyang dibdib. Naging eratiko ang

tibok niyon.

          Nakatakda pala niyang makilala ang lalaki-si Terence.

Kapatid ito ng lalaking kasama niya sa aksidente. Dahil suot

niya ang diyamanteng singsing ay siya ang napagkamalan

nitong fiancée ng kapatid nito.

         Nagkataon namang nangailangan ang pamilya niya ng

tulong at ito lang ang maaari niyang takbuhan, kaya hindi

na siya nagprotesta at nagpatianod na lamang sa nangyayari.

        Hindi dapat malaman ni Terence na nagpapanggap

lamang siya.

       Ngunit paano ba niya iiwasan ito kung palaging

nakasunod sa kanya ang mga titig nito na sa tuwina ay

pumupukaw sa kanyang hungkag na damdamin? At kung

kailan naman handa na siyang ipagtapat dito ang katotohanan

ay saka naman siya nakadama ng takot. Takot na baka mawala

ito nang tuluyan sa kanya kapag nalaman nitong siya pala ay

isang huwad!

Part 1 - List of PHR (I wish to read) 1Where stories live. Discover now