Kabanata 1
Minsan, gusto ko nang isiping ayaw mo talaga makarating sa amin.""Hector naman. Alam mong hindi totoo 'yan."
"Kung hindi'y bakit hindi mo ako
mapagbigyan?""Sabi ko nga sa'yo, may mga commitments pa akong tatapusin."
"Hindi mauubos ang trabaho kung 'yan lagi ang idadahilan mo."
Napabuntung hininga si Malou. Parang
batang nagmamaktol si Hector."Okey," sabi niya para na lang matapos ang usapan. "Give me until the end of the month para matapos ang natanguan kong kompromiso.
Lumiwanag ang mukha ni Hector.
"Sasama ka sa pag-uwi ko" tuwang tanong nito.
Tumayo siya.
"Tiyak na magugulat ang mga tao sa amin kapag nakita ka," nasisiyahang sabi ni Hector.
Noon lang nito ipinasok sa susian ang hawak na susi para mabuksan ang pinto at makapasok siya.
Kinuha rito ang susi pagkatapos.
"Goodnight," aniya.
"Goodnight," masaya pa ring sabi nito, "Sleep tight." Kumaway itong tumalikod.Naiiling si Malou habang sinusundan ng
tingin ang nobyo.Sa sobrang excitement sa pagpayag niyang maisama nito sa probinsiya ay nalimutan na ni Hector na tuluyan siyang makapasok ng apartment bago ito tuluyang umalis.
Ang init ng araw ay pumapasok na sa balat ni Malou. Maging ang dapyo ng hangin pang-Marso ay parang hininga ng nilalagnat pagdapyo sa kanyang katawan. Sinisimulan na siyang pawisan. Nasa katirikan ng araw.
Inalis niya ang scarf na nakatali sa leeg,
ipinapaypay sa mukha na tila ba makababawas iyon sa discomfort na nararamdaman niya. Tumayo siya buhat sa kinauupuang magkapatong na maleta ni Hector. Nilingon niya ang binata pagkuwa'y muling ibinalik ang atensiyon sa lugar na hinihinuhang panggagalingan ng hinihintay.Bukod sa mga pahinante, sila na lamang halos ang pasaherong naiwan sa kadaraong na lantsa sa piyera na iyon ng Calapan.
"Palagay mo'y magandang ideya pa rin
ito-ang sorpresahin ang mga daratnan natin?" aniyang habang pinapagpag ang dakong tuhod ng murang berdeng pantalong suot. "Parang hindi na darating ang taong susundo sa atin, a.""Darating 'yon," ani Hector na tumingin sa relong suot. "Kelan man, e, hindi pa ako binigo ni Mang Luis."
Katiwala nina Hector sa niyugan ang
tinutukoy nito. Ang alam ni Malou, twelve years old pa lamang si Hector ay nagsisilbi na sa mga ito ang matanda."Paano mo ba ipinaalam sa kanya ang
pagdating natin?" Tanong ni Malou."Tinelegramahan ko siya. Sabi ko nga,
darating ako na kasama ang nobya pero huwag munang sabihin kina Mama at Kuya Darwin."Humarap sa kanya si Hector, hinawi ang
ilang hibla ng buhok niya na inilipad ng hangin."At pati na rin kay Andreą, sabi ko'y huwag ring ipaaalam," waring naalala lamang nitong idagdag sabihin.
"Yun 'yung dalagitang kinakapatid mo"
Tanong niya."Oo. Sa amin na tumira 'yon mula ng maulila, and that was almost a year ago."
Ewan kung bakit naisip agad niya na ganoon lang din halos ang haba ng panahong ipinamalagi ni Hector sa Maynila. Ibig sabihi'y umalis ito sa probinsiya nang nang lumipat sa kanila ang kinakapatid. Pero hindi niya binanggit ang koneksiyon ng dalawang pangyayaring iyon.
BINABASA MO ANG
Ayaw kong limutin ka | by: Helen Meriz
RomanceHindi alam ni Malou ang tunay na intensiyon ng nobyong si Hector nang yayain siyang magbakasyon sa probinsiya ng mga ito. Ang alam niya'y ang pagbabagong naganap sa damdamin niya nang makatagpo ang nakatatandang kapatid nito na si Darwin. Pero sa ma...