Hindi alam ni Malou ang tunay na intensiyon ng nobyong si Hector nang yayain siyang magbakasyon sa probinsiya ng mga ito. Ang alam niya'y ang pagbabagong naganap sa damdamin niya nang makatagpo ang nakatatandang kapatid nito na si Darwin. Pero sa malas ginagamit lang siya ng magkapatid sa isang motibo -- para pasakitan ang ibang babae na kapwa mahal ng mga ito!