Hindi niya malaman kung matatawa o maiinis.
Bakit kailangan pang patagong magkita ang dalawa? Bakit hindi maging ganap na lalaki si Hector para harapang aminin sa kanya ang totoo?Pero pagkatapos ng gabing ito, malalaman na ni Hector buhat kay Andrea na wala na itong dapat ipag-alala hinggil sa kanya.
Iyon ay kung sisirain ni Andrea ang pangako sa kanya upang maipanatag ang loob ni Hector.
Naalala niya ang ginawa ni Darwin. Inagapan nitong hindi niya makita ang pagniniig nina Hector at Andrea. Dahil ba mahalaga pa rin dito na hindi mapahiya si Andrea? Ganoon ba kalaki ang pagpapahalaga nito sa dalaga na bukod sa itinalaga na ang sarili sa pagpapaubaya ay iningatan pang mapahiya ito?Sabagay, ang mga tapat daw na umiibig ay nagiging hangal.
Nawawalan ng kakayahang mag-isip ng tuwid.
Lalo niyang nadama na hindi na siya kailangan sa bahay na ito ngayong nagkaunawaan na sina Hector at Andrea:Masakit sa loob niyang isiping ang pag-alis doon ay mangangahulugan din ng paglayo kay Darwin. Pero sa pagpapaubaya ni Darwin kay Andrea,maaaring hindi na rin nito gusto na mamalagi siya sa tahanang ito nina Hector at Andrea.
Nakatulog siyang nagtatalo ang isip kung babalik na sa Maynila o magtatanga-tangahan sa nangyayari sa paligid makapanatili lamnang kahit sandali sa bahay na ito.
Mapahaba lamang ang panahong ipagsasama nila ni Darwin.MAG-AALAS sinko nang magising siya kinabukasan.
Lumapit siya sa bintana at pinuno ang dibdib ng sariwang hangin. Natigilan siya nang matanaw ang upuan sa may halamanan. Kagabi lamang ay may dalawang taong nagnakaw doon ng ilang sandali.Pagnanakaw ng mga sandaling ang dahilan ay siya.
Pinawi agad niya ang iniisip. Tiningala ang ibang ibong sa pagdaraan ay may magandang huning naiwan sa kanyang pandinig.Bahagya pa lamang namamanaag ang araw.
May naisip siyang paraan upang alisin ang wari'y pamimigat ng katawan. Tinungo niya ang closet at inilabas ang isang jogging suit. Hinubad niya ang puting pantulog at isinuot ang pulang jogging suit na may guhit na puti sa manggas at sa gilid ng pants.Ilang araw na siyang hindi nakapag-e-exercise.
Magda-jogging siya sa harap, magpapaikot-ikot sa paligid ng bahay dahil takot naman siyang lumabas.Isa pa'y ayaw niyang mapagsabihang umalis na naman nang walang paalam.
Marahan siyang lumabas ng silid, ingat na hindi makagising ng sino man.Tinungo niya ang banyo upang maghilamos.Maging sina Aling Susing at Tina ay wala pa sa kusina pagbaba niya. Humigop siya ng kape at marahang lumabas ng bahay.
Iningatan niyang makalikha ng ingay ang muli niyang paglalapat ng pintong pangharap.
Nagsimula siyang magtatakbo nang marahan sa paligid ng bahay.
Nadama niya kung gaano na-miss ang dating ginagawang iyon noong nasa Maynila. Lagi silang marami ng mga kaibigan sa pagda- jogging.Kadalasa'y sa memorial circle.Naraanan niya ang tirahan nina Mang Luis at Ariel. May bombilyang nakasindi sa harapan.Madilim pa ang loob. ng bahay.
Pangalawang ikot niya nang mapunang bukas ang :ilaw sa kusina ng malaking bahay.Tandang-tanda niyang pinatay iyon matapos magkape.
Naisip niyang gising na marahil ang isa sa mga katulong at naggagayak ng almusal. Itinuloy niya ang ikot sa likuran.Pagbalik niya sa harapan ng bahay, nagulat siya nang masinagan ng headlight ng landrover.
Ikinubli niya sa kamay ang mga matang nasisilaw. Namatay ang headlights at nakita niyang palapit si Darwin. Paris ng suot niyang gayak nito danga't kulay asul at walang mga guhit sa sweater at pants."A-aalis ka?" Tanong niya.
"Patungo akong gulod."
Kumunot ang noo niya.
"Paborito kong lugar iyon. Tanaw ang paligid dahil mataas ang lugar. May bukal na minsa'y pinagpapaliguan ko, pagpapaliwanag nito.
"Pero hindi ka maliligo ngavon," aniyang sinipat ang kasuotan nito.
BINABASA MO ANG
Ayaw kong limutin ka | by: Helen Meriz
RomanceHindi alam ni Malou ang tunay na intensiyon ng nobyong si Hector nang yayain siyang magbakasyon sa probinsiya ng mga ito. Ang alam niya'y ang pagbabagong naganap sa damdamin niya nang makatagpo ang nakatatandang kapatid nito na si Darwin. Pero sa ma...