Chapter 20:Family Matters

142 11 6
                                    

Nakatigil ang ambulansya ni Roger sa tabi ng kalsada.Pinapalitan niya ang flat na gulong ng sasakyan.Kanina,habang binabagtas ang kalsada,biglang sumabog ang gulong sa likuran.Buti na lamang at walang nangyari sa kanya at kina Alison at Bea.Matagal na kasi nang huling palitan ng gulong ang ambulansya.Habang pinapalitan ang gulong ay inassign niya sina Bea at Alison upang magbantay sakaling may infected na humahabol sa kanila.

"Nawawala yata ang cellphone ko,Alison.Hinanap ko na sa bulsa ko pero wala."

"Baka nahulog 'yun nung hinahabol tayo ng mga zombie kanina.Have you checked inside the ambulance?"

"Tiningnan ko na doon ng ilang beses.Wala talaga,"wika ni Bea."Paano ko matetext si Miguel?"

"Ewan ko.'Di pa ba tapos 'yan,Roger?"

"Malapit na.Basta alerto kayo diyan.Baka may infected,"ani Roger.Lumipas ang ilang saglit at biglang umambon.Dali-daling pumasok sina Bea at Alison sa loob ng sasakyan."Roger,bilisan mo na diyan.Uulan na,"sabi ni Alison.

Sa pagkakataong iyon,narinig nila ang balita mula sa maliit na radyong nakapatong sa dashboard.

"Sinusubukan pa po namin na ma-contact ang aming crew na nakadestino sa isla ng San Martin. Magbabalik po ang Aksyon Bayan makalipas ang ilang sandali...". Sabi ng reporter sa radyo.

"Iyon ay dahil patay na ang crew niyo.Wag muna natin itong buksan.Baka attracted ang mga zombie na yun sa malakas na tunog." Katatapos lamang palitan ni Roger ang gulong ng ambulansya.Kasabay nito ay pinatay niya ang radyo."Wag na kayong mag-alala.Sabihin niyo lang kung saan yung Simon Seaside Resort at ililigtas natin ang mga kaibigan niyo."

****************************************************************************************

Nakasiksik si Ka Isko sa sulok ng madilim at tahimik na selda.Dinig niya ang malakas na buhos ng ulan sa bubungan.Siya lamang mag-isa sa loob ng bilangguang kinalalagyan niya ngayon.Sa labas naman,marami siyang kasama-mga infected na umatake kagabi.Sa katunayan,kaya siya nakasiksik sa sulok ng selda ay dahil hindi niya kayang tingnan ang tatlong infected na pinagpipiyestahan ang bangkay ng isang pulis.Nagiingat siya na huwag makagawa ng ingay.

At dahil na rin natatandaan niya ang nangyari sa kaniyang pamilya.

Natutulala si Ka Isko kapag naaalala ang bawat sandali ng nangyari kagabi.

Ang paghingi ng tulong ni Eric,ang pagsakmal niya sa kanyang kapatid,ang pagpugot niya sa mismo niyang asawa,ang pagdanak ng dugo...

Lahat iyon,tila videotape na paulit-ulit sa isip niya.Siya na lang ang natitira sa kanyang pamilya.Wala na ang kanyang asawa.Wala na ang dalawa niyang anak.

May biglang naalala si Ka Isko.

Si Lyn-Lyn...Tama.Si Lyn-Lyn...Ililigtas ko ang panganay ko...

Sana buhay pa siya.


Napapitlag si Ka Isko nang makarinig ng sigaw.Nanggagaling iyon mula sa labas ng police station."Tulong!!!Aaaaahhhh!!!"Sa tantiya niya,babae ang humihingi ng tulong.Pero wala siyang magagawa.Tumayo ang tatlong infected at tumakbo palabas.Naiwan si Ka Isko sa loob ng police station kasama ang umaalingasaw na bangkay ng pulis.Bagama't madilim,nakita ni Ka Isko 'di kalayuan sa kaliwang kamay ng pulis ang baril nito.Isinagad niya ang pagkakalusot ng braso sa malamig na bakal na rehas hanggang maabot ng dulo ng kanyang daliri ang baril.Tinapik niya ito papunta sa kanya.

Tumayo si Ka Isko at itinutok ang baril sa kandado ng selda.BANG!Umalingawngaw sa buong police station ang putok ng baril.Agad-agad inalis ni Ka Isko ang wasak na kandado at binuksan ang maliit na pintuan ng kanyang selda.Iniwas niya ang tingin sa bangkay na nakadilat pa ang mga mata at tila nakatingin sa kanya.Kinikilabutan siya sa hitsura nito.Kahit madilim ay naaninaw niya ang wasak nitong tiyan at nakalaylay na bituka at mga lamang-loob nito na pinagpipiyestahan ng mga langaw.Dahan-dahang naglakad si Ka Isko papunta sa entrance habang nakatutok ang baril.

The Outbreak:Infection Island (Under Revision)Where stories live. Discover now