Untitled Part 36

87 5 5
                                    

Hindi na nakain ni Dr.Wilson ang mga meryendang kinuha ni Dra.Marie.Paano'y nakatulog na 'to sa sobrang pagod sa ginawang aktibidad maghapon.

Muling lumabas si Dra.Marie sa kuwartong iyon upang itapon ang kanilang pinagkainan.Sa kanyang paglabas ay saktong tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa mesa.Nagising si Dr.Wilson.

Tiningnan niya ang cellphone ni Dra.Marie.May message doon.Dahil wala ang doktora sa loob ay sinilip niya ang message.

Dra.Marie,update us about the cure.Keep an eye for Dr.Wilson.Even though Mr.Bugallon had told us about his involvement,the President wants a lot of information before we arrest him.

Napakunot-noo si Dr.Wilson.Anong "arrest"?Muli niyang binasa ang message at inintindi ng husto ang nakasaad doon.

Talaga ngang aarestuhin siya.

"Ang sabi ni Raul,wala siyang ibang pinagsabihan.Nagsinungaling siya sa'kin?"bulong niya sa sarili.

Napasabunot siya sa kanyang buhok.Siya lang ang mapapasabit sa gulong iyon?Hindi...hindi siya papayag.Kailangan niyang gumawa ng paraan upang makalusot.

Bumalik siya sa huwisyo nang mag-ring ang cellphone na hawak niya.Isang oras na pala ang lumipas at kailangan niyang makita ang naging resulta.Agad siyang sumilip sa microscope.Kaunting pihit sa knob...

"What in the..."bulong niya.Pinihit niya ulit ang knob at inadjust ang liwanag.Maigi niya itong inaninaw sa pangalawang pagkakataon.

Ang naramdaman niyang pagkabagabag dulot ng planong pag-aresto ay napalitan ng kaunting tuwa.Gumuhit sa mukha niya ang isang ngiti.

Napalingon si Dr.Wilson nang bumukas ang pinto.Si Dra.Marie ang pumasok."Dra.Marie,looks like we have a cure,"pagmamalaki niya.

*******************************

Naalimpungatan si Lyn-Lyn nang makaramdam ng pagkalam ng sikmura.Napangiwi siya ng bahagyang sumakit ang balikat niya habang iniuupo ang kanyang sarili sa kama.Kinusot-kusot niya ang kanyang mata,luminga-linga at nagdesisyong lumabas.Hindi na niya inistorbo si Raul na natutulog lamang sa tabi ng kama.Nadaanan din niya sina Miguel,Bea at Roger na mahimbing ang tulog.

Tinunton ni Lyn-Lyn ang pasilyo papunta sa canteen.Tulog din ang lahat ng naroroon.Si Jeannine at Victor,magkaakbay na natutulog sa isang mahabang sofa.Si Leandro,Mr.Simon at Ka Isko ay nakatungo sa mesa.Ang magkapatid na Carlos at Marcus ay nakalugmok sa terrace,napapaligiran ng mga lata ng beer.Sumilip si Lyn-Lyn sa terrace,at nakita ang karamihan sa mga bantay na nakatulog na rin.Sinulyapan niya ang digital clock na nakasabit sa pader ng kuwarto. 

12:30

Kaya pala tulog ang lahat...

Matapos kumuha ng makakain ay bumalik na siya sa clinic.

*******************************

"Here's the prototype of the antidote,everyone."Itinaas ni Dr.Wilson ang test tube na naglalaman ng pulang likido."What we need to do is to inject this thing sa infected na 'to para makita natin kung anong mangyayari."

Nakatingin lamang si Dra.Marie at ang dalawang kasamang medical personnel sa mga sumunod na ginawa ni Dr.Wilson.Kumuha siya mula sa test tube ng sample at ininject iyon sa infected na nakahiga sa operating table.

Sa una'y nagwawala at pumapalag pa ang infected habang tinuturukan ito.Subalit hindi nagtagal ay unti-unti itong kumalma.Bumagal ang paghinga nito.Lumipas pa ang ilang saglit,bigla na lamang itong tumigil sa pagkilos.Nagkatinginan silang apat.

The Outbreak:Infection Island (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon