Chapter 13: <Untitled Chapter>

342 12 8
                                    

Lumabas sa RoRo ang isang puting van na may logo ng "Aksyon Bayan", ang nangungunang news and current affairs program sa bansa. Dumiretso ito at pumarada sa tapat ng isang kainan.

"Ok everyone. Lunch mo na tayo bago tayo pumunta sa location natin sa San Luis. Mahaba ang biyahe," sabi ni Jeannine, ang reporter na na-assign mag-cover ng pista ng San Luis. Kasama niya ang anim na crew members.

Twenty nine years old pa lamang si Jeannine. Kahit limang taon pa lamang sa napiling career na journalism,malaki na ang naging impact niya. Kilala siya sa pagiging agresibo laban sa mga corrupt na pulitiko at mga sindikato, tulad ng tiyuhin niya na si Leandro Sandoval. Dahil dito,marami-rami na siyang natatanggap na death threats mula sa mga binangga niyang kurakot.

Bukod sa gagawing coverage, may iba pang dahilan si Jeannine sa pagpunta sa San Martin. Una,upang dalawin ang tiyuhin niyang nakaratay sa ospital matapos ang isang atake. Nalulungkot siya para sa Tito Leandro niya dahil ito lamang ang natirang buhay sa pamilya. At least sa ngayon. Pangalawa,upang maghanap at kumalap pa ng mas solidong ebidensya ng mga katiwalian ni Mayor Raul Bugallon. Determinado siya na ipakulong ang mayor.

Batid ni Jeannine ang panganib ng pagtapak sa teritoryo ng kaaway. Alam niyang anumang oras ay may isang alagad si Mayor Bugallon na papatay sa kanya. Todo-ingat siya. Sa katunayan, nagsuot siya ng bulletproof vest.

"At dahil maganda ang naging review sa ginawa nating documentary last month,libre ko na kayo. So go ahead,reward yourselves," nakangiting sabi ni Jeannine. Hindi makapaniwala ang crew niya. Pero dahil na rin sa sinabi ng leader nila, sumunod na ang buong crew.Makakatanggi ba sila sa isang libreng lunch?

***************************************************************************************

"Dadalhin ko muna itong mga uling sa bayan. Matagal-tagal na din akong di nakakabenta."

Pinasan ni Ka Isko ang napakalaking sako na puno ng mga uling na ibebenta niya sa bayan. Bukod sa pagtatrabaho sa isa sa mga lupain ni Mayor Bugallon, abala din siya sa paguuling. Napakaliit ng kinikita niya sa pagtatrabaho sa alkalde. Naisip niyang mag-uling upang madagdagan ang kita at mapakain ang pamilya niya.

"Samahan ko po muna kayo sa bayan." Lumapit sa kanya ang binatang anak na si Eric, 16 taong gulang. Matipuno ang pangagatawan nito,batak dahil sa araw-araw na pagtatrabaho sa bukid.

"Wag na Eric. Samahan mo na lang muna dito sina Inay mo."

"Tama si Itay,Kuya. May sakit pa naman ngayon si Inay. Kailangan niya tayo," ang sabi ni Angeline, 15 years old, pangalawang anak ni Ka Isko. Nilapitan nito ang ama,bakas sa mukha ang alala. "Pero sigurado po ba kayo Itay? Gusto niyo kami na lang ni Kuya ang magdala niyan sa bayan?"

"Kaya ko na to,mga anak. Samahan niyo ang nanay niyo."

Wala nang nagawa ang mga anak niya kundi sumunod.

Nilakad ni Ka Isko ang daanan papunta sa main road. Mula doon ay maglalakad pa siya hanggang makarating ng bayan,habang pasan-pasan ang napakabigat na sako ng ititinda niya.

Ibinaba niya ang dalahin nang makarating sa tabi ng kalsada. Sandali siyang nagpahinga. Palakad na sana siya ulit nang makarinig ng busina ng kotse. "Ka Isko!" Napalingon sa Ka Isko sa pinanggalingan ng boses. Galing iyon kay Lyn-lyn, ang "anak" ni Mayor Raul.

"San po kayo pupunta?" tanong ni Lyn-lyn habang nakadungaw sa bintana ng kotse.

"Papunta ako ng bayan, Lyn-Lyn. Dadalhin ko tong mga uling sa palengke para maibenta."

"Ganun po ba? Sabay na po kayo sa amin. Idadaan na lamang po namin kayo sa palengke."

"Ay, nakakahiya naman,Lyn-Lyn. Ang dumi-dumi ng damit ko. Baka madumihan pa ang kotse..."

"Ayos lang po,Ka Isko. Wag niyo pong isipin iyon."

"Ayos lang?"

"Opo!"

Wala nang nagawa si Ka Isko kundi pumayag sa request ni Lyn-Lyn. Inilagay niya ang sako sa trunk ng kotse.Pinagbuksan pa ng pintuan ni Lyn-lyn ang matanda. Umupo si Ka Isko sa tabi ng driver. Napreskuhan siya sa loob ng kotse dahil sa naka-on na aircon.

"Bakit ka nga pala papunta sa bayan?" tanong ni Ka Isko.

"Magpapa-check-up po kasi ako sa doktor para po sa hika ko. Hindi po kasi makakapunta sa bahay dahil busy. Punta na lang daw po kami sa ospital," paliwanag ni Lyn_Lyn.

Napansin ni Lyn-Lyn ang isang malaking structure sa di-kalayuan. Parang laboratory ito at may sementadong daan papunta sa gate nito na may mga bantay. Nakasulat sa isang sign sa entrada ng daan ang "New Life Pharmaceuticals". Alam ni Lyn-Lyn ang mga salitang iyon. Ang "New Life Pharmaceuticals" ang gumagawa ng mga gamot na pinapagamit sa kanya ng tatay niya. Ilang beses nang may dumarating na isang doktor o scientist sa bahay nila. "Dr.Norman Wilson" ang naririnig niyang tawag ng kanyang tatay sa bisita.

**********************************************************************************************

"Dito niyo na lang ako ibaba,Lyn-Lyn. Kaya ko na mula dito," sabi ni Ka Isko.Bumaba ang driver at inilabas ang sako mula sa trunk ng kotse."Maraming salamat sa tulong. Mag-ingat kayo!" Sinuklian ng ngiti ni Lyn-Lyn ang pasasalamat ng matanda.

Nagumpisa nang umalis ang kotse papuntang ospital. Sinimulan na niyang buhatin ang sako upang dalhin sa loob ng palengke. Ilang hakbang pa lamang ang nilalakad niya nang matalisod siya. Bumagsak siya kasama ang dalang sako ng uling. Napahawak siya sa kanyang paa. Kumikirot ito at tila may pilay.

Isang lalaki ang lumapit kay Ka Isko at itinayo siya. "Ayos lang po ba kayo?" tanong sa kanya.

"May pilay yata ako sa paa. Natalisod kasi ako. Pero kaya ko naman yung sakit. Ipapahinga ko na lamang muna ito."

"Tulungan ko po muna kayo sa dalahin niyo."

"Maraming salamat,iho. Ano nga palang pangalan mo?"

"Francis David po. Roger na lamang po ang itawag niyo sa akin. Volunteer medic po ako dito ngayong bakasyon. Siya nga po pala. Saan ko po dadalhin 'tong sako?" Binuhat niya ang sako ng uling. Tumayo naman si Ka Isko at paika-ikang naglakad papasok sa palengke. "Sundan mo ako,iho."

*************************************************************************************

Inilapag ni Roger ang sako sa tapat ng isang tindahan."Maraming salamat, Roger."

"Walang anuman po,Lolo. Sigurado na po ba kayong kaya niyo na?"

"Oo, Roger."

"Sige po. Mag-ingat na lamang po kayo next time para iwas-disgrasya." Pagkasabi nito ay umalis na siya. Naabutan niya ang kanyang kasamang medic sa entrance ng palengke. "Roger! San ka ba galing? Tapos ko nang ayusin yung gulong. At tawag na tayo sa plasa." Sumakay ang dalawa sa loob ng ambulansya at pumunta na sa plasa. Sa pagmamadali ay muntikan na nilang mabangga ang isang kotse. Ang kotse nina Jake, Marcus at Carlos.

"P******** niyo ah! Papatayin niyo ba kami?" pagmumura ni Jake kina Roger. Pero hindi siya nito pinansin. Sinubukan ni Jake na habulin ang ambulansya upang banggain, pero pinigilan siya ni Carlos.

"Hayaan mo na lang yun, Jake. At isa pa, kailangan na nating magmadali. Naghihintay na siguro si Mayor." sabi ni Carlos kay Jake. "Mas importante pa yun kaysa sa habulin yung ambulansya."

The Outbreak:Infection Island (Under Revision)Where stories live. Discover now