Chapter 9

2.5K 74 1
                                    

Iyak ng iyak si Andrea habang nag-iimpake siya ng kanyang mga gamit. Ngayon ang araw kung saan niya lilisanin ang bahay na kinalakhan. Ang bahay kung saan buong buhay niyang bilanggo siya at ang bahay na saksi sa lahat ng kanyang paghihirap sa kamay ng ama. Kagabi ay hindi siya makatulog sa kakaisip kung ano ang mangyayari sa kanya sa kamay ni Blade. Kinakabahan at natatakot siya. 

Hindi na siya muli pang kinausap ng ama niya pagkatapos nilang mag-usap kahapon. Kanina ng sadyain niya ito sa silid nito upang magmakaawa sanang huwag na siyang paalisin ay sampal ang inabot niya kaya naman ay ramdam pa rin niya ang kirot sa kanyang pisngi hanggang ngayon.

Pero wala na yatang mas sasakit pa sa mga salitang binitiwan nito kanina.

"Ikaw ang malas sa buhay ko! Umalis ka na dito! Mas mabuti ngang ikaw ang maging pambayad ko sa pagkakautang ko sa mga Mondragon para may silbi ka naman!"

Mas lalong nagsikip ang dibdib ko habang nanariwa pa rin sa akin ang mga masasakit na salitang binitawan ng Papa niya. Hanggang ngayon ba naman ay wala man lang siyang nakitang awa o paghihinayang sa mukha ng kanyang ama kanina. Sa halip ay mukhang masaya pa ito sa mga nangyayari ngayon.

Totoo ngang siya ang hinihinging kabayaran ni Blade Mondragon sa kapalit ng pagkakautang ng malaking halaga ng kanyang Papa sa kumpanya nito. Kanina lang ay ipinakita at ipinabasa sa kanya ng kanyang ama ang laman ng kasunduan nito at ni Blade.

The debt will be waive when she agrees to marry Blade.Iyon lang ang tanging paraan. Siya lang ang makakasalba sa kumpanya ng ama niya but then again,the company won't be his anymore instead she will be the owner of it.Hindi naman siya bobo para hindi maintindihan ang lahat ng nasa papel kanina.

May kirot siyang naramdaman ng kaunti sa kanyang dibdib,she have grown to like Blade kahit pa isang beses lang niya itong nakita,but then dapat nga siyang maging masaya dahil magiging asawa siya nito in no time pero hindi niya magawa. Dahil alam niyang magiging asawa lang siya nito kapalit ng utang ng pamilya niya. 

Ang totoo ay walang gusto sa kanya si Blade at hinding-hindi kailanman ito magkakagusto sa katulad niya. Kaya naman iniisip niyang ngayon pa lang ay dapat na niyang supilin kung anumang merong paghanga at pagkagusto siya sa lalaki dahil walang kasamang pagmamahal ang lahat.

Blade is a businessman at mas mahalaga rito kung anong makukuha nito kapalit ng utang nila. At ang lahat ng ito'y kabayaran lamang.

"Oh,Ana,kung may magagawa lamang ako.." naramdaman niya ang pagyakap ni Yaya Portia sa kanya.

Hinawakan niya sa kamay ang matandang babae saka hinarap ito.

"Wag na po kayong mag-alala,Yaya. Malinaw na po ang lahat sa akin. Tanggap ko na pong ganito na talaga ang buhay ko." mapait siyang ngumiti rito.

"Ingatan mo ang iyong sarili roon,Ana. Alam kong mabait na tao si Blade. Kita ko iyon kahit hindi ko siya lubusang kilala."

Gusto sana niyang tutulan ang sinabi nito pero nagpigil lamang siya. Kumalas siya sa pagkakayakap mula rito saka ipinagpatuloy ang kanyang pag-iimpake. Wala naman siyang gaanong mga damit kaya naman isang bag lang ang plano niyang dalhin.

"Mag-ingat din po kayo rito,Yaya. Hayaan niyo po,magpapakabait po ako roon at saka pag nagkataong papayagan ako ni Blade ay bibisitahin ko po kayo. Gagawin ko po ito para masalba pa ang kumpanya ni Papa,Yaya."

"Napakaswerte sana ni Melchor sa'yo pero sinayang niya ang lahat. Ana,sana si Blade na ang magiging tulay para maging malaya ka na. Sana matagpuan mo ang tunay na kaligayahan at pagmamahal na matagal mo nang inaasam."

"Hindi ko po alam,Yaya. Sa ngayon,umaayon lang ako sa lahat ng gusto nila. Wala rin naman akong magagawa di ba?" aniya saka pinahid isa-isa ang nagsisipatakang luha na naman.

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon