Chapter 34

2.1K 40 2
                                    

Walang paglagyan ang kaba ko habang papasok na kami ni Blade sa loob ng malaking bahay ng mga magulang niya. Ayon sa kanya ay kami na lang ang hinihintay ng kanyang mga magulang at ng Lolo Steven niya. Tonight is the night na makikilala ko na ang kanyang Lolo. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito. Iba ito sa kabang naramdaman ko noong ipakilala niya ako sa kanyang mga magulang. 

"Hey,relax. " si Blade. Hinigit niya ang aking kamay at saka pinagsiklop niya iyon sa kanya. 

"Kinakabahan ako." bulong ko pa sa kanya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Para bang aliw na aliw siya sa pinapakita kong tensyon ngayon. 

"It's going to be okay, babe. He will like you just. Loosen up, okay?" he reassuringly squeezed my hand once again.

Tumango lang ako sa kanya. 

"Andrea, iha!" bati agad sa amin ng Mommy ni Blade pagkapasok pa lang namin sa malaking bulwagan ng bahay ng mga ito.

"Andrea,iha. You look so great!" papuri nito sa akin matapos niyang batiin si Blade.

Ginantihan ko siya ng ngiti saka nagbeso sa kanya. "Thank you po,Tita. Kayo din po."

She snaked her arms around my waste. Nakita ko ang pagnguso ni Blade. Nginitian ko siya.

"Let's go to the dining now. Your Lolo and his visitor is waiting."

Nilingon ko si Blade sa aking likuran. Siya man din ay halatang nagulat sa pahayag ni Tita. 

May iba pang bisita? 

Nadatnan namin sa dining table si Tito at ang matandang lalaki na hindi kamukhang-kamukha nito. So, ito ang Lolo Steven ni Blade. He look so intimidating lalo na nang mapagawi ang mga mata niya sa aming banda. At nahagip din ng mata ang isang babae na hindi nalalayo ang edad sa akin. Sobrang ganda niya at mas lalo pang nagpatingkad ang suot niyang pula dress sa kanyang maputing balat. Hindi nakaligtas sa akin ang paglakbay ng tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa pabalik. Pakiramdam ko ay isa akong specimen sa harapan niya.

"They're here." anunsyo ni Tita saka tumabi ito kay Tito.

Naramdaman ko ang paghawak ni Blade sa aking kamay. 

"Hi,everyone! Lo, this is my fiancee, si Andrea." iginiya ako ni Blade sa lamesa. Siya na ang humila ng silya ko. 

"Good evening po." bati ko sa kanila bago ako tuluyang umupo.

"Shall we eat first,Pa?" si Tito ang nagsalita. 

"Mas mabuti pa nga. Mamaya na yung kwentuhan." ani Tita.

I feel uncomfortable kasi alam kong nakatuon ang atensyon ng Lolo ni Blade sa akin. Blade is holding my right hand under the table. He is caressing it with his thumb kaya kahit papaano ay nakakalma ako.

Tumikhim si Lolo Steven. "Nice to see you again, Blade. Nice meeting you too,iha. " 

"Same here,Lolo." sagot ni Blade.

"By the way, remember your Tito Gaston's daughter in Paris? This is her, si Kyla."

Pareho kaming napatingin ni Blade sa babaeng nakaupo sa tapat namin. Miranda pala ang pangalan niya. 

Kyla smiled. "Hi,Blade.Glad to see you again. And hi to your fiancee too." 

Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko sa kanya. Para bang may hatid siyang kung ano sa amin ni Blade. Ayokong isipin na sinadya ng Lolo Steven ni Blade ang tagpong ito. Hindi naman siguro di ba?

"Yeah, I remember. Nice to see you again, Ky." 

Ky? Ibig bang sabihin matagal na talagang magkakilala siina Blade at Kyla? Mukhang close na close ang dalawa noon pa man dahil sa tawag ni Blade dito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos. Paano kung magustuhan ni Blade si Kyla? Paano kung magbago siya sa akin? Kakayanin ko ba? 

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon