Chapter 11

2.8K 72 1
                                    

Tahimik lamang akong nakaupo sa may sofa kung saan hinihintay kong makababa si Blade. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang andito na ako ngayon sa sarili niyang pamamahay. Kanina ay halos panawan na ako ng ulirat sa kakaiyak dahil ang buong akala ko'y hindi ako kailanman iiyak sa harapan ni Yaya lalong-lalo na kay Papa. Akala ko ay naibuhos ko na ang lahat ng luha ko pero mali pala ako. 

Habang hinihintay ko ang oras ay siya namang pagbigat ng dibdib ko at hindi ko na nga napigil ang mapahikbi sa kaalamang iyon na pala ang huling beses akong nasa pamamahay ni Papa. Ni hindi ko man lang siya kinakitaan ng pagkahabag at pagkaawa sa akin. Inaasahan ko pa namang bawiin niya ang lahat ng kasunduan nila at ipaglaban ako at sasabihin niyang gagawa siya ng paraan para makabayad sa utang niya kay Blade.

 But he didn't do anything. And I was so hurt na hindi ko alam ang gagawin ko. Buti na lang ay naroon si Yaya Portia at siya ang nagsilbing lakas ko para makayanan ko lahat.

Nang dumating kanina si Blade ay nakita ko ang awa sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ang pagtibok ng malakas ng puso ko nang nakatuon ang kanyang mga mata sa akin. Para bang nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan na hindi ko maintindihan kung bakit.

Ganun na lamang ang pagtataka ko kung bakit hindi ako nakakaramdam ng takot at kaba sa kanya. Di ba dapat sana ay hindi ako magiging kumportable sa kanya dahil sa hindi ko siya kilala? Pero bakit unti-unti ng napalagay ang loob ko sa kanya ng mapagsarilinan kami sa kanyang sasakyan. Pakiramdam ko ay safe ako sa kanya. Na wala ng pwedeng manakit sa akin? Bago sa akin ang lahat ng damdamin na ito kaya naman naguguluhan ako.

Marami akong gustong malaman sa kanya. Gusto kong itanong kung bakit niya ito ginagawa? Kung bakit ang bait-bait niya sa akin gayong hindi naman kami magkakilala ng lubusan? May alam ba siya tungkol sa mga pinagdadaanan ko sa pamamahay ni Papa? Paano? Ginagawa niya ba ito para maging malaya ako sa kamay ng mapangnakit kong ama? Ito na ba ang kasagutan sa lahat ng dasal ko sa KANYA na sana dumating ang araw na makikita ko ang liwanag sa dilim ng buhay na kinagisnan ko?

Ano ba talaga ang magiging papel ko sa lahat ng ito? Talaga bang hindi kagaya ni Papa si Blade? Hindi ba niya talaga ako sasaktan? Aasawahin ba talaga niya ako? Pero paano ang pamilya niya? Alam ba nila ito? Paano kung hindi ako magustuhan ng pamilya niya?

At ang pinakapinag-aalala ko ngayon ay kung paano ko bumalik si Mama sa bahay ni Papa at hanapin ako pero wala ako doon? Paano kung isipin niyang patay na ako? At paano si Yaya Portia? Siya na lang ang tanging taong alam kong mahal ako at hindi ako iiwan kahit anong mangyari. Kung hindi lang nakakahiya kay Blade ay hiniling ko ng pati si Yaya Portia ay kunin niya rin. Pero nahihiya ako at ayokong isipin niyang nagmamalabis ako.

Sabi niya ay gusto lang niya akong tulungan pero batid kong may iba pa siyang dahilan. Alam ko iyon dahil kita ko sa mga mata niya kanina na may gusto pa siyang sabihin. 

"Ready,Andrea?" nabalik ako sa kasalukuyan nang narinig ko ang baritonong boses ni Blade.

Muntik na akong mapanganga nang nakita kong nakapagbihis na pala siya. Puting T-shirt at maong na pantalon ang suot niya pero ang lakas ng dating niya. Aminado akong napakagwapo talaga niya. Swerte siguro ang nobya niya sa kanya. Bukod sa mabait na ito ay gwapo pa at halatang napakayaman.

Napalunok muna ako bago makapagsalita. Para kasing may namuong bikig sa lalamunan ko. "Ah..oo..handa na ako." 

Tumayo ako. Siya naman ay nakatitig pa rin sa akin. Ayan na naman at nagsiliparan ang mga kung ano sa tiyan ko. Para akong nasusuka,natatae at naiihi sa klase ng titig niya sa akin. Yun bang nababasa ko sa pocket books sa tuwing tinitignan ng lalaking bida ang bidang babae? yung KILIG? Siguro ito na nga yung nararamdaman ko kay Blade.

In Your Loving ArmsWhere stories live. Discover now