CMWY 124

993 80 4
                                    

Panay ang daing ni Ara dahil masakit ang tahi niya kahit na mayroong pain reliever. Nakikita naman niyang hindi mapakali si Kanoa at panay ang tanong kung ano ang gusto niya. Wala naman siyang gusto, pero nakiusap siya kung puwede bang silang tabing mahiga. 

Nararamdaman niya ang paghaplos ni Kanoa sa buhok niya. It was almost midnight and she wanted to sleep, but her tummy was painful. Mas sumiksik siya sa braso ni Kanoa at nang maamoy niya ito, napapikit siya. 

Kanoa never changed his perfume. It was the same one she longed for years after breaking up. 

"It feels different that you're here," bulong niya habang nakapikit. "Love, is there a chance ba na you'll unlove me?" 

Mahinang natawa si Kanoa at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "May epekto pa ba sa 'yo 'yong anesthesia? Kanina pa ganiyan mga tanong mo." 

"I was scared," sagot niya. "While inside that operating room and you're beside me, I was thinking a lot like what if you'll unlove me? What if you'll leave me? I can't do this alone again. I don't wanna be alone again." 

"Hindi naman na 'yon mangyayari," sagot ni Kanoa na ipinagpatuloy ang pagsuklay sa buhok ni Ara. "Ayoko nga. Atin lang 'to, eh. Tama na 'yong ilang taon na hindi tayo magkasama. Tama na 'yong sakit, lahat. May Antoinette, Antheia, at may bunso na tayo. Walang hiwalayan 'to." 

Ngumiti si Ara at pinunasan ang luha. "Thank you for capturing the moment. Ang ganda ng birth photos ko ngayon. Last time kasi nurse ang nag-picture, eh. You saw naman the pictures." 

"Oo. Hindi man lang inayos," pagmamaktol ni Kanoa. "Pero okay lang 'yon. Ang mahalaga may pictures ka that time na kasama mo ang kambal. Ngayon naman sobrang dami nating pictures ni Antoinette. Tumawag si Kuya Sam kanina. Excited na raw si Antoinette na makita ang baby sister niya, pero baka sa isang araw na raw sila pupunta. Ngayon at bukas, para sa 'tin na lang muna." 

Tumango si Ara. "I like that. How are you feeling, Love?" 

"Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Ikaw ang bagong panganak." Hinalikan ni Kanoa ang pisngi ni Ara. "Alam ko namang masakit kaya hindi na natin 'to uulitin. Okay na 'ko as girl dad. Tama na." 

"Of course, I wanna ask how you feel also!" Suminghot si Ara. 

Walang naging sagot si Kanoa. Ipinagpatuloy lang niya ang pagsuklay sa buhok ni Ara ngunit naalala nya ang pakiramdam. He was taking photos of Ara and waiting for the baby when he finally heard their daughter's first cry. He literally stilled and couldn't move. Ibinaling niya ang atensyon kay Ara na nakangiti habang humahagulhol at nakatingin sa kaniya.

Hindi inasahan ni Kanoa na mangyayari ang lahat ng ito dahil wala sa plano. He never intended to fall in love. It was the last thing he wanted. Growing up in a toxic household made him hate marriage. 

His parents used to argue in front of them at siya ang pinaka naapektuhan. 

Kanoa used to idolize his father until he decided to leave. They had a good relationship. Walang pagkukulang ang mga magulang nila sa kanila. Hindi nag-aaway sa harapan nila ng ate niya, pero hindi sila tanga at hindi bingi. 

His father was a good father. Hindi siya sigurado kung maayos ba itong asawa, pero hindi naman maghihiwalay ang mga magulang niya kung maayos ang lahat, 'di ba?

Growing up, Kanoa made a promise to himself—never get married. But Ara unexpectedly happened.  

"Love?" Ara murmured. "So, how are you feeling? You didn't answer my question. Are you okay? Are you happy?" 

Kanoa leaned to kiss Ara's forehead. "Kabado. Takot. Malungkot. Masaya. Hindi ko alam." 

Walang naging sagot si Ara, pero nakita ni Kanoa ang pagsalubong ng kilay nito. 

"Kabado ako kung magiging mabuting ama ba sa kanila. Takot ako na magkamali. Malungkot ako kasi kulang tayo. Masaya ako kasi maayos kayong mag-ina. Hindi ko alam." 

Hinaplos ni Ara ang pisngi niya. "You're a great dad. Mistakes are inevitable. We're not complete, but she's always here." Tinuro ni Ara ang dibdib kung nasaan ang puso niya. "We'll be okay, Kanoa. We will be. We're gonna make memories and count moments starting today . . . with our bunso." 



T H E X W H H Y S

www.thexwhys.com

Counting Moments With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon