CMWY 131

1K 81 5
                                    

Nagising si Kanoa nang wala si Ara sa tabi niya. Nilingon niya ang orasan. It was just almost four in the morning. Mahimbing namang natuutlog si Antoinette sa gilid niya kaya maingat ang pagbangon niya para hindi ito magising. 

Pumasok siya bathroom at naghilamos. Tinitigan din niya ang sarili niya sa salamin. Halata ang antok dahil halos wala pa siyang matinong tulog nitong mga nakaraan. 

Annabeth was a calm and easy baby but very clingy. 

Not complaining, tho. Kanoa loved it whenever Antoinette wanted cuddles, and Annabeth wanted to be carried. At kahit na hindi iyon hilingin ng mga anak nila, gagawin niya. 

Bago lumabas, siniguro muna ni Kanoa na mahimbing pa ring natutulog si Antoinette. Inipit niya ito ng dalawang unan para hindi magising. Binuksan din niya ang lava lamp para hindi ito matakot pagkagising. 

Pagbukas niya ng pinto, nakita kaagad niya si Ara na nasa sala at nakaupo sa sofa. Naka-indian sit ito habang pinadedede si Annabeth. Kinukusot nito ang sariling mga mata bago humikab. Doon na siya lumabas. 

"Bakit hindi mo 'ko ginising?" Lumapit siya at hinalikan ang noo ni Ara bago tiningnan si Annabeth na dilat na dilat. "Ikaw, ha? Namimihasa tayong gising sa madaling araw, ha?" 

Malamang na walang sagot ang anak niya. Nakatingin lang habang dumedede. 

"May milk pa naman sa freezer. Initin ko lang tapo—" 

"Love, no. It's okay," ngumiti si Ara. "Nagising din talaga ako kanina 'cos I was super hungry." 

Nagsalubong kaagad ang kilay ni Kanoa. "Kumain ka na ba? May natira pa roon sa ramen na binili mo kagabi. Gusto mo bang initin ko?" 

Ara nodded and widely smiled, scrunching her nose. "I drank milk, lang kanina para hindi ako magutom. Ang lakas na mag-milk ni Annabeth. I thought my nipple was going to bruise kanina!" 

Natawa si Kanoa at hinalikan naman ang noo ni Annabeth bago nagpunta sa kusina para initin ang pagkain ni Ara. Bukod sa ramen, nag-steam siya ng chinese bun na paborito nito. Nagtimpla na rin siya ng hot chocolate milk. Ikinangiti niya nang mag-request pa si Ara ng dark chocolate. 

Ara had been eating a lot since giving birth, but not gaining weight dahil sa lakas dumede ng bunso. 

Nang maayos ni Kanoa ang mga pagkain sa coffee table, hinayaan niya si Ara na manood habang kumakain. Kinuha muna niya si Annabeth na parang wala pang planong matulog. 

Hawak niya ang kamay ng anak habang isinasayaw ito. Nakaharap siya sa nakasaradong bintana. Madaling araw palang mayroon ng mga sasakyang umaalis sa garahe dahil panibagong simula ng buhay ulit. Oras na ulit para magtrabaho. Ang iba naman ay pauwi pa lang tulad ng sasakyang huminto sa driveway ng katapat nilang building. Nakasuot ng scrub suit ang babae at mukhang sa ospital nagtatrabaho.

Ara was on maternity leave. Nasa work from home setup naman si Kanoa na nagpupunta sa opisina once o twice a week. 

Kanoa and Ara realized that foreign companies were more considerate when it came to employment. Filipino companies won't even listen or consider. May mga trabahong puwede namang gawing sa bahay, pero ipagpipilitang sa opisina na lang dahil baka raw hindi naman gagawin.

Palibhasa, gawain nila. Gawain nilang huwag magtrabaho nang maayos pagkatapos ay idadamay ang mga matinong manggagawang nagtatrabaho nang marangal. 

Napansin din nila na mas mahirap pang katrabaho ang kapwa pinoy kaysa sa ibang lahi. Crab mentality. 

Ibinalik ni Kanoa ang tingin kay Annabeth na biglang humikhab. 

"Ano, inaantok ka na? Kami ng mommy mo, wala nang antok." Hinalikan niya ang likod ng kamay nito. "Isang araw, para ka na ring si Antoinette. Maarte na rin."

Nilingon niya si Ara nang marinig itong mahinang natawa. Nakatutok ito sa TV habang umiinom ng hot chocolate. Napangiti siya nang muli itong natawa. 

Gusto niya ang buhay nila.

Gusto niya kung paano siya nagbago. 

Gusto niya kung paano siya binago ni Ara. 

Sinasabi ng iba na huwag magbabago para sa isang tao, pero naniwala si Kanoa na walang kaso o walang problema kung pipiliin ng isa na magbago para sa iba. 

To each their own. 

And he decided to change for Barbara. 



T H E X W H H Y S

www.thexwhys.com

Counting Moments With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon