Chapter 5

29 2 0
                                    

Nakakabinging katahimikan ang naghari sa pagitan naming lahat pagkatapos sabihin ng Ginang iyon. Nakangiti naman sila pero kinakabahan pa rin ako na baka may kung anong kasunod pero minuto na ang lumipas ay wala naman maliban na lang nang nagsalita ulit si Gov. para sabihing masaya siya para sa kaniyang pamangkin.

Nang bitawan ako ng Ina ni Damien ay lumapit naman siya sa anak niya na karga pa rin si Quiy.

"Ang guwapo mo talaga, Daddy 'no?" Aniya habang nakakulong sa maliliit niyang mga palad ang mukha ni Damien. "Correct talaga si Tita Heidi kasi feeling ko rin ay bagay talaga kayo ng Mommy ko," dagdag niya pa kaya halos takbuhin ko na ang distansya namin sa isa't isa.

"Huy, Quiy!" Saway ko sa kaniya pero natabunan iyon ng tawa ng mga naroon. Parang may kung anong kuryente tuloy ang naramdaman kong umakyat mula sa aking likod papunta sa aking batok.

"You're right, little kid. Sa tingin ko ay bagay nga talaga ang anak ko at ang Mommy mo," pakikisabay naman ng Ina ni Damien sa sinabi ng aking anak. Lalo tuloy uminit ang pisngi ko.

Kung hindi lang siguro sumingit si Gov. para tawagin si Damien dahil may pag-uusapan daw sila ay baka tuluyan na akong natunaw sa hiya. Kapag talaga biglang nagkabunganga ang lupa, ako na mismo ang mag-da-dive para malamon ako nang buong-buo.

Nagpaalam muna si Damien at nagulat ako na hindi man lang umangal si Quiy pagkatapos siyang bulungan ng nauna ng kung ano. Nang tuluyan na silang naka-alis, kaagad na lumapit sa akin ni Quiy at tiningala ang Ginang sa aming harap.

"Kilala po ba natin siya, Mommy?" Lingon sa akin ni Quiy habang hawak niya ang laylayan ng suot kong damit. Napangiwi ako sa paraan ng pagkakatanong niya sa akin niyon.

Bakit ba parang ang siga palagi ng tono nito?

"Uh..." Isang pekeng tawa ang pinakawalan ko dahil hindi ako makakapa ng tamang salita. "H-Hindi, baby... pero ano," ni hindi ko magawang makapagsalita nang maayos kasi nabablangko ang utak ko. "Mommy siya ni Damien, yung tinatawag mong Daddy pero hindi mo naman T-Tatay..."

Palihim pa akong nagpakawala ng hininga nang matapos kong sabihin iyon. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan.

Wala rin siguro siyang kamalay-malay sa mga nangyayari kanina dahil na'kay Damien ang buo niyang atensyon.

"Sabi po kaya ni Daddy, okay lang na tawagin ko siyang Daddy kasi aboradle ba 'yon, Mommy? Gan'on daw ako," taas noo niyang sinabi.

"Adorable," pagtatama sa kaniya ng Ginang habang malapad na nakangiti. Ramdam ko talaga iyong kagustuhan niyang abutin ang anak ko para pisilin na ang pisngi nito pero pinipigilan niya lang ang sarili.

"Ah... okay po!" Masigla namang tugon ng anak ko. Akala ko ay tapos na siya pero hindi pa pala. "Mommy," tawag niya sa akin. Hindi pa nga ako nakakasagot ay may kasunod na kaagad. "Kung Mommy po siya ni Daddy, ano ko po siya?"

Sa tanong na iyon ay tuluyan nang nalaglag ang panga ko. Sinubukan ko rin naman siyang sagutin pero dahil sa gulat ay walang lumabas na kahit anong malinaw na salita sa bibig ko.

"Lola, little kid. You can call me Lola," si Mrs. Salvatore na ang sumagot para sa akin pero hindi ko pa rin inaasahan ang pakikisakay niya sa trip ni Quiy. "Ang cute ng anak mo..." Tuwang-tuwa rin ang Ginang nang sabihin niya iyon. Bahagya pa siyang yumuko para marahang pisilin ang pisngi ni Quiy.

"Ang bango ng kamay niya, Mommy... amoy pabango tapos pagkain," aniya. "Gutom na talaga ako, Mommy... may pagkain po ba dito?" Dagdag niya habang luminga-linga sa paligid kaya lalo akong ginapangan ng hiya.

Grabe, anak. Hindi naman kita pagkakaitan ng pagkain pero...

"We actually have a lot of food here. Halina kayo para makakain na itong cute na apo ko," nanggigigil na anang Ginang pero kaagad akong tumanggi kasi nakakahiya na talaga, dagdag pa na kung ano-ano na ang nasasabi ng anak.

Siguro may parte rin naman ako kaya ganito siya kabukas sa pagsasabi ng kung ano man ang gusto niya. Gusto ko rin kasing lumaki siya na malaya niyang nasasabi lahat ng gusto niya para hindi na rin ako mangapa.

Pero ngayon, na-realize ko na parang kailangan ko yatang ipaalala sa kaniya na puwede namang maghinay-hinay minsan.

"Naku, Ma'am... huwag na po," pagtanggi ko pero kaagad niyang nahawakan ang braso ko na para bang iyon ang paraan niya para kumbinsihin ako.

"Sige na, hija, please? I just want to be with my son's friend for a bit longer. You know, when you get older, you tend to have less people around you kasi busy na halos lahat ng kaibigan. Kaya natutuwa talaga ako na makakilala ng—"

"Mom," biglang singit ni Damien habang papalapit ito. Seryoso ang kaniyang mga matang nagpalipat-lipat sa amin ng kaniyang Ina nang tuluyan na siyang nakalapit sa kinaroroonan namin.

"What's happening here?" Tanong niya at dahil sa akin huminto ang mga mata niya, akala ko ako dapat iyong sumagot pero ang Ginang ang gumawa nito.

"I was just trying to invite them to eat and have you know... a little chitchat about life. Pagbigyan mo na ako kasi bored na bored na akong kausapin kung hindi ang mga kasambahay, ang Papa mo lang. Hindi ka rin naman makausap nang matagal kasi palagi kang abala sa trabaho," paliwanag nito sa kaniyang anak na halos magmakaawa na.

Na-guilty naman tuloy ako kaya sige na nga... ayos lang naman siguro kung pagbibigyan kasi hindi naman palagi at saka... mukha rin namang malungkot talaga siya at gusto lang ng makakausap.

"Will that be fine to you?" Tanong sa akin ni Damien kaya parang pumitik ang ulo ko sa bilis ng paglingon ko sa kaniya mula sa pagkakabaling sa kaniyang Ina na nakahawak pa rin sa aking braso.

Sasagot na sana ako nang maunahan na naman ako ng kasama kong bulinggit. "Opo, Daddy. Papayag po na 'yan si Mommy kasi gutom na po talaga ako. Baka lumiit na po yung tiyan ko kung hindi pa po kami kakain," aniya kaya napapikit na lang ako.

Napakain ko naman 'to kanina bago kami umalis ng bahay, a? Bakit parang ang bilis naman niya magutom?

I heard Damien's chuckle before he crouched and reached for my daughter's cheek to gently pinch it.

"Okay, little kid. You can eat anything you want, but let's ask Mommy first," aniya sa bata bago ito tumuwid ng pagkakatayo.

Isang hilaw na tawa ang pinakawalan ko habang unti-unting tumatango bilang pagpayag. When I did that, I heard his mom clap on glee. Kulang na lang ay magtatatalon ito sa tuwa.

"Let's go, baby... what do you want to eat?" Tanong niya sa anak kong kaagad akong binitiwan nang marinig iyon sa Ginang.

Feeling ko nga kung kaya lang din siyang kargahin nito ay ginawa na ng Ginang pero dahil mabigat ang anak ko, hinawakan na lang niya ito sa kamay.

"Pasensiya na talaga sa kakulitan ng anak ko, ha? Nangungulila lang din kasi siguro sa ama kaya ganiyan pero kakausapin ko na lang," paghingi ko ng tawad sa kaniya.

"It's fine, though. She's cute," aniya na parang wala lang sa kaniya ang lahat. If I'm gonna note it, masasabi ko pa ngang masyado siyang attentive kay Quiy. Kapag magkasama silang dalawa, para silang may sariling mundo.

"Mom seems to adore her, too. Mukhang ayaw na ngang pauwiin," aniya. His eyes went into the direction where my daughter and his mother were. Inaalalayan na sila ngayon ng ilang mga kasambahay habang nasa hapag na maraming pagkain kasama ng mga kamag-anak pa nila na naunang pagpaalam kanina.

Iyon naman ang hindi puwede lalo na at may pasok din ako bukas. Kailangan kong magtrabaho dahil kung hindi, pareho kaming pupunlutin sa kangkungan ni Quiy.

"Ngayon lang din naman siguro iyan dahil nakikita ka niya... pero kapag hindi na, baka makalimutan niya na rin," dagdag ko pa pero sa sinabi kong iyon, nakita ko ang pagdaan ng iritasyon sa kaniyang mukha.

"I don't want her to forget me," aniya kaya gusto ko pa sanang isipin na guni-guni ko lang iyong nakita ko kanina pero nakumpirma ko naman ito ngayon.

"H-Huh?" Gulong-gulo kong tanong. Hindi ko tuluyang maintindihan ang punto niya.

"What do I have to do to be a part of your lives?" Walang halong biro niyang tanong.

S-Seryoso ba siya?!

Marrying The Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon