Chapter 24

19 1 0
                                    

"Pakisabi sa k-kaibigan ko na bumalik lang sa ibang araw dahil may inaasikaso lang ngayon at... hindi muna tatanggap ng bisita," labas sa ilong na sinabi ko kay Riah.

Sunod-sunod na tango ang ibinigay niya sa akin pagkatapos ay nagmamadali na itong lumabas para ibalita sa mga tauhan ang sinabi ko.

In my mind, I know my friend would feel untrusted, pero naisip ko rin na kung wala naman talaga siyang masamang intensyon, maiintindihan niya rin siguro kung bakit namin ito ginagawa. Mahirap at masakit man para sa aking sabihin ang mga katagang binitawan ko, hindi ko puwedeng balewalain ang bilin sa akin ni Damien, lalo pa dahil may kinalaman na ito sa kaligtasan naming lahat.

I wanted so bad to insist that Heidi is not a threat to us and for our safety, but for this one... my mind says I needed to trust him, and that I should listen to him. Alam kong alam niya ang ginagawa niya kaya makikinig ako kahit pa ang ibig sabihin nito at kailangan kong talikuran ang kinikilala kong kaibigan sa loob ng ilang taon.

Maraming tanong ang bumabagabag sa akin, pero uunahin ko pa ba iyon ngayong mas manguna dapat ang kaligtasan? Hindi. Dahil alam kong may oras para masagot ang lahat ng tanong. Hindi minsanan, hindi rin kailangang agaran.

Nang mga oras ding iyon, hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko pagkatapos mad-kot ni Quiy na huwag nang gumamit ng cellphone dahil sa trauma o hindi.

Naisip ko lang na dapat ay meron para kahit paano ay may paraan ako para man lang matawagan ang mga mahahalagang tao sa buhay ko, kagaya ngayon na gusto kong makausap ang anak ko, pero may parte rin sa akin na nagsasabing mabuti nang wala dahil kung mayroon, alam kong tatawagan ako ni Heidi at ayokong malagay sa sitwasyong hindi ko alam ang isasagot ko sa mga tanong niya.

Isang marahas na buntonghininga ang pinakawalan ko sa kalagitnaan ng pag-iisip. Hindi na ako mapakali kaya pabalik-balik na ako ng lakad sa sala habang paminsan-minsang tinatanaw ang labas ng bahay para tingnan kung dumating na ba ang asawa ko.

"Ma'am, maupo po muna kaya k-kayo?" Si Riah iyon kaya napatingin ako sa gawi niya.

Nakadungaw rin siya sa bintana habang nakakunot ang noo at pinipisil ang kaniyang palad. Bakas pa rin hanggang ngayon ang pag-aalala at pagkabalisa sa kaniyang mukha.

"I can't," I replied. Ngayon ay lumapit na ako sa kaniya. Without even asking for permission, I held her hands when I saw it trembling. Kagaya ko, malamig din ang kaniya nang mahawakan ko ang mga iyon. "Is this the first time this will happen here?" Hindi maiwasang tanong ko.

"S-Sa mga taong nagtrabaho po ako rito, opo..." sagot niya. Ngayon ay payang maiiyak na talaga dahil sa pamumula ng kaniyang mga mata. Her answer only explains her fear and worry.

I wanted so bad to console her by telling her that she doesn't need to worry but I would only be uttering lies if I say that. Hindi ko rin naman kasi alam kung talaga nga bang walang dapat ipagalala ngayon sa kabila ng mga pangyayari. Kahit pa hirap din ako, sa huli ay sinabi ko na lang sa kaniya na hindi naman siya pababayaan dito kung may mangyari mang hindi maganda. I know I probably made her worry more, but I just don't want to lie right now.

Nasa kalagitnaan pa ako ng pang-aalu sa kaniya nang pareho kaming mapalingon sa bintana dahil sa pagdating ng isang sasakyan. I didn't need to ask who was that because I know those men outside will only let a car in if it's my husband who's inside.

"M-Ma'am, ayos na po ako," aniya nang sa wakas ay kumalma. Doon lang ako nagkaroon ng pagkakataong pumanhik sa pinto para doon na maghintay ng pagpasok ni Damien.

Kahit na noong naiinip na ako ay nagawa ko pa ring maghintay lalo na dahil nakikita kong nakikipag-usap pa siya, marahil sa pagbibitaw ng mahigpit na bilin sa mga tauhan sa labas.

When I saw him walking towards my direction, kahit na medyo may kalayuan pa ay hindi ko na napigilang takbuhin ang distansya naming dalawa. He welcomed me with arms wide open, and I hugged him tight after as if my life depended on his embrace. Doon ko lang din naramdaman ang pansamatalang kaginhawaan at pagkalma ng magulong isip.

"Let's get inside," he invited as he kissed my forehead. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"You should've just stayed inside our room," aniya habang naglalakad kami pabalik sa bahay. His hand slid on mine, then he intertwined our fingers together.

"I can't just wait there and relax. You got me worried," pag-amin ko. After all, he can't expect me to just sit inside our room and sip a cup of tea while everything outside is getting chaotic.

Nang nasa paanan na kami ng engrandeng hagdan patungo sa ikalawang palapag ay tumigil kami sa paglalakad. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay kaya napalingon ako sa kaniya at nabanaagan ko ang naninimbang niyang mga mata.

"We need to talk," aniya pagkatapos ng katahimikan. Tumango ako at ako na rin mismo ang humila sa kaniya paalis doon dahil alam kong sa ngayon, pribado ang pag-uusapan namin.

Binitawan ko lang ang kamay niya nang nasa kwarto na kami. Dumiretso ako sa kama at umupo sa paanan nito habang siya naman ay nakasandal na ngayon sa back rest ng sofa habang nakahalukipkip at mataman akong pinapanood. Alam kong naghihintay na lang siya ng mga tanong na ibabato ko sa kaniya kaya hindi pa siya nagsasalita hanggang ngayon.

Gan'on naman talaga ang gusto kong mangyari kanina pa, pero naalala ko bigla ang isang bagay na naisip ko habang hinihintay ang pagdating niya kanina.

"I want you to train me. Gusto kong matuto ng mga bagay na kailangan kong matutunan," I said without further ado. Sinigurado kong wala siyang nakikitang anumang bahid ng pagbibiro sa aking mukha para ipaalam sa kaniya na hindi ako nagbibiro.

Just when I thought he'd make fun of me, his blank reaction told me that he's expecting me to ask that already kaya ngayon ay hindi na siya nagulat.

"I'm just waiting for you to ask me that," kalmado niyang sinabi bilang kumpirmasyon sa hinala ko.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago siya ngumuso na tila ba may kung anong gustong sabihin, ngunit nagpipigil lamang ito.

"What is it?" I asked assuming that he really has something important to tell me but he's just holding back.

"How much do you trust your friend?" Sa halip na sagutin ako ay isa pang tanong ang ibinalik niya sa akin, and I must admit that I was caught off guard by his sudden inquiry.

"She's been with us since Quiy was just little. Siya na ang n-nakakasama namin simula nang mawala ang alaala ko... kung iyon nga ang nangyari," I answered. Habang sumasagot ay hindi ko na rin maiwasang napaisip kung bakit niya ako tinatanong ngayon tungkol kay Heidi.

Kanina rin ay pinagbawalan niya akong papasukin siya sa loob ng mansion, tapos ngayon naman ay tinatanong niya ako ng ganito.

"I need to tell you something about your friend," panimula niya, ngunit huminto siya saglit para pagmasdan ang magiging reaksyon ko.

"W-What is it?" I asked. Nabuhay kaagad ang kaba sa aking dibdib. Habang hinihintay ko ang sagot sa tanong ko ay pinipigilan ko rin ang pagkawala ng aking hininga. The anticipation was just too much for me to handle.

"Your friend Heidi is Diana," he revealed without tearing off his eyes on me. His jaw clenched tightly. At that moment, I felt baffled. Pakiramdam ko ay lumilipad ang isip ko dahil hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.

Did he just say Heidi and Diana are the same person? Kung iyon nga, paano iyon nangyari?!

Hindi ko pa man tuluyang naisasaboses ay tila ba nabasa niya ang tanong na iyon sa isip ko kaya nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag.

"After several years of ceaselessly searching for her, ngayon ko lang nakumpirmang nagtatago lang pala talaga siya gamit ang katauhan ng matagal mo nang kinikilalang kaibigan," he explained, and at that moment, I felt like my mind was about to explode.

Marrying The Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon